Chapter 5

39 6 0
                                    

Maayos ang naging klase ko buong maghapon. Hindi ko kasabay ngayong uwian sila Nicx at Michelle dahil may importante silang gagawin.

Habang naglalakad ako naramdaman ko na naman yung feeling na parang may nakatingin sakin. Binalewala ko nalang 'yun at nagpatuloy sa paglalakad.

To: Riel

Baby, kakauwi ko lang. Ikaw ba nakauwi kana? Musta?

Nag-text muna ako kay Riel bago magpalit ng damit. Sakto namang pagkabihis ko ay nagreply sya.

From: Riel

Ayos lang, kakauwi ko lang rin. Bihis muna ako ah. Open ako sa rp pagkatapos.

Hindi na ako nagreply at hinintay nalang na mag-open sya sa rp.

Pst, nanaginip ako.

Riel

Hmm ano namang napanaginipan mo?

Kwinento ko sa kanya ang buong nangyari dun sa panaginip ko.

Ang weird bakit kaya Bruce 'yung pangalan mo do'n sa panaginip ko?

Riel

Sure ka bang ako 'yon?

Oo naman!

Riel

Pero hindi Bruce ang pangalan ko. BLUE, ASUL, BUGHAW.

Natawa ako dahil sa reply nya.

Oo na, oo na pero sure ako ikaw 'yon.

Pinag-sawalang bahala ko nalang yung panaginip ko at hindi na inisip pa.

Riel

Pala baby, gagawin akong proxy dun sa kasal ni Ate Ja, kasama ko si Braim.

Proxy?

Riel

Oo taga bitbit, driver.

Kailan?

Riel

Sa 15. Pero hindi na ako sasama. Si Braim kasi pina-partner ako do'n sa isa sa mga abay.

Nanlumo ako sa nabasa ko. Pina-partner? May girlfriend na sya bakit sya ipa-panertner sa iba nung kaibigan nya.

Sayang naman bakit hindi ka sasama.

Riel

Eh, ayoko tsaka puro babae do'n tapos overnight pa. Tsaka proxy lang naman ako doon e.

Nag-usap pa kami tungkol sa naging araw namin at mga bagay bagay bago matulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil pumunta sila Nicx at Michelle dito sa bahay.

“Nakakainis naman yung Braim na 'yan. Sana hindi masarap ulam nyan.” Natawa ako sa naging reaksyon ni Nicx matapos kong ikwento sa kanila ang sinabi sakin ni Riel kagabi.

“Hoy kumalma ka dyan, tsaka sabi ni Riel pagsasabihan nya naman daw si Braim.”

“Kahit na baliw ba sya? Hindi ba sya marunong rumespeto?”

Nagkatinginan kami ni Michelle..

“Nicx alam mo 'yung kasabihan na....” Kumunot ang noo ni Nicx dahil sa sinabi ni Michelle..

“Huh? Ano nanaman yan?” Sabat nito na tila hindi nya gugustuhin ang nais sabihin ni Michelle.

“THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE"

Sabay naming saad ni Michelle.

Umaktong nasusuka si Nicx dahil sa narinig.

“Yuck. Mamatay nalang akong dalaga.” Natawa kami ni Michelle dahil sa sinabi nya. "Tigilan nyo nga akong dalawa jusko, kilabutan nga kayo sa sinasabi nyo."

“Sayang future engineer pa naman daw yun.”

“Wala akong pake kahit sya nalang ang engineer sa mundong 'to. ” Lalong napalakas ang tawa namin dahil sa sagot nya. Halatang inis na.

“Mas pipiliin ko pang mag-asawa ng americano kesa sa kanya.” Dagdag pa nya.

“Hala ghorl, asawa agad nasa isip mo? Ikaw ah. ” Tukso sa kanya ni Michelle.

“Hays nako, Michelle kung i-chat ko kaya ngayon si Lance at sabihin kong crush mo sya?” Kaagad namang tumahimik si Michelle dahil sa sinabi ni Nicx.

“Joke lang eh hehe. ” Saad nito at nag peace sign pa.

Napailing nalang ako dahil sa kanilang dalawa.

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now