Nilibang ko ang sarili ko dito sa guest room sa pag-edit ng story ko. Kailangan ko na kasi 'tong ipasa sa publishing company.
Nung una kasi ay hindi nila tinanggap. Masyado raw tragic. Anong magagawa ko, e, hindi naman talaga nagkatuluyan ang mga bida sa kwentong ginawa ko.
Kasalanan ko bang hindi kami nagkatuluyan ni Riel? Amp. Iyon kasi ang laman ng story na 'yon, ang kwento naming dalawa. Kaso nga lang may mga bagay talaga na hindi na pwedeng ipilit. Katulad ng sa amin, hindi kami pwede sa isa't isa.
Pinamagatan ko iyon na Blinded By The Past, simula kasi ng malaman nung babaeng bida sa kwento na babae ang naging boyfriend nya sa role play world at hindi talaga sya nito mahal ay hindi na sya muling umibig pa. Natakot syang magmahal ulit. Takot siyang masaktan.
Napakadaya talaga ng mundo.
Kaagad kong nahampas ang sarili ko dahil sa pinag-iisip ko.
Pero sa totoo lang simula noong makausap ko si Athena ay gumaan na ang pakiramdam ko. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib at tanggap ko na, na hindi kami talaga para sa isa't isa. Siguro kaya ako nalugmok ng ilang taon dahil hindi ko tinatanggap, dahil umaasa pa rin ako. Kailangan lang talagang tanggapin ang katotohanan para maka move-on na. Acceptance is the key ika nga nila.
Kaagad akong tumayo nang makaramdam ng uhaw, kung anu-ano kasi ang iniisip ko, e.
Napatigil ako sa pagpasok sa kusina ng makita si Bruce na umiinom. Bakit ang pogi nya tignan. Gumagalaw ang adam's apple nya. Hindi ko na nakita ang mukha nya dahil sa adam's apple nya napatako ang paningin ko.
Napasimangot ako nang mabilis niyang nilagay ang face mask at cap nya nang makita ako, doon ko lang rin napansin na naka sunglasses pa rin sya. Pasimple naman akong tumingin sa kisame kung mataas ba ang araw dito, ngunit kaagad ko ring nabatukan ang sarili ko. Nasa loob kami ng bahay paano naman tatagos ang araw dito at isa pa gabi na.
Baka naman may sore eyes siya kaya ayaw niyang tanggalin yung sunglasses nya.
"Sorry, iinom lang. Naistorbo ba kita sa pag-inom?" I asked.
Hindi naman sya nagsalita pero nanatili pa rin sya sa pwesto nya kaya kinailangan ko pang dumaan sa harap nya upang kumuha ng tubig.
Naamoy ko naman ang pabango nya. Ang bango, amoy expensive.
Napailing nalang ako dahil sa inisiip ko. Nakakahiya.
"Maria," Nanginig naman ako nang sabihin nya ang pangalan ko. Bakit gano'n kapag sya ang tumatawag no'n ay ang ganda pakinggan.
"Clarity." Pagtatama ko sa sinabi nya. Wala kasing tumatawag na Maria sakin, hindi rin ako sanay tawagin sa ganoong tawag.
Hindi nya naman pinansin ang sinabi ko at tumalikod na. Maglalakad na rin sana ako palabas ng bigla siyang humarap.
Nanlaki naman ang mata ko. Halos magkadikit na kami, ilang inches nalang ang layo nya sakin.
Akmang lalabas na ako nang hawakan nya ako sa kamay ko. Nakaramdam ako ng kuryente ng maglapat ang balat namin.
"Don't." Saad nya at mas lumapit pa sakin.
Halos hindi na ako makahinga, sobrang lapit nya sa akin at naaamoy ko ang alak na nanggagaling sa bibig nya. Siguro ay nag-inom sila kanina.
Nakaramdam ako ng hiya dahil sa posisyon namin kaya kaagad akong bumitaw sa kanya. Lalabas na sana ako ng kusina ngunit kaagad ding natigilan ng makita si Kuya Kian at Athena na naghahalikan sa sala.
Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita.
"What the hell." Sambit ni Bruce at tinakpan ang mata ko gamit ang kamay nya.
Nakailang mura pa si Bruce bago alisin ang kamay nya sa mata ko.
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022