"Bakit kasi hindi mo nalang aminin sa kanya ang lahat?" Lahat kami'y napatingin kay Athena. "Ako lagi ang pinagmumukha niyong masama." Isa-isa niya kaming tinignan.
"Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya, Bruce, na ikaw talaga si Riel?" Tuluyan na siyang umiyak. Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw, totoo ba ang narinig ko?
Si Bruce si R....Riel, Paano? Imposible.
"Nagulat ka diba?" Mariin niya akong tinignan, "Masyado ka kasing nagpaniwala sa sinasabi nila."
"Sinabi ko na sayo hindi ba? Ako ang nagplano pero hindi ako gumawa pero nag pauto ka pa rin kay Braim." Naaawang tumingin siya sa akin. "Nakakaawa ka, pati sarili mong pinsan niloko ka. Sabagay, ako nga niloko niyan, ikaw pa kaya."
Hindi ko siya maintindihan, paanong nangyari 'yon? Bakit nadamay si Kuya Kian? Anong kinalaman niya dito?
"Athena, tumigil ka!" Galit na turan ni Kuya Kian.
"Bakit? Ayaw niyo bang malaman niya ang totoo? Natatakot kayong masaktan siya?" She laughed sarcastically.
"Anong i..ibig mong sabihin?" Kinakabahang wika ko.
Hindi na siya nakapagsalita dahil hinila na siya ni Kuya Kian palabas. "Gago ka, Kian, bitawan mo ako." Rinig ko pang sigaw niya.
Nanlulumong napaupo ako sa sahig. Paanong nangyari 'yon? Dapat ba akong maging masaya?
"S-Sorry," Napatingin ako kay Bruce. "Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang saktan ka." Akmang hahawakan niya ako nang umiwas ako sa kanya.
"T...Tama na-.."
Flight attendants, prepare for take-off please.
Nabalik ako sa realidad ng marinig ang boses ng piloto.
Hindi ko alam kung anong dahilan nila, hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. Ang alam ko lang ay si Bruce, si Riel.
Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan 'yon, 28 years old na si Bruce samantalang si Athena ay 26 years old. Mas matanda sa akin si Riel ng dalawang taon, 24 years old palang ako ngayon.
May mga bagay na hindi tugma, may mga hindi pa sila sinasabi sa akin at heto ako ngayon imbis na harapin ang problema ay tinatakasan ko ito...
Hindi ako handa sa mga sasabihin nila. Paano kung kasal na pala talaga si Bruce? Paano kung may girlfriend siya? Hindi ko kakayanin, masyado ng masakit. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Ang gulo.
"Clarity!" Napatingin naman ako kay Kuya, ngumiti ako sakanya at yumakap.. "Ayos ka lang? Tarantado talaga si Kian."
"Kuya Marc! Huwag muna nating pag-usapan 'yan."
"Okay, sabi mo eh." Kinuha niya naman ang mga dala ko. "Kung gusto mo ay dito kana tumira, susunod naman sila Nanay dito next year."
Sandali akong napatingin sa kanya.. "Pag-iisipan ko." Hindi ko kaya, nandito lang naman ako dahil tumakas ako sa problema ko.
"Huwag mo ng pag-isipan, atsaka marami ka namang makikilala rito. Malay mo foreigner pala talaga ang para sayo." Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Sorry ka, #MahalinAngSarilingAtin ang motto ko." Humalakhak naman siya dahil sa sinabi ko..."Ikaw? Wala ka bang balak umuwi ng Pilipinas? Malay mo hinihintay ka ng ex mo." Pang-aasar ko sa kanya.
Natigil siya sa pagtawa nang marinig ang sinabi ko at kaagad akong sinamaan ng tingin.. "Ikaw nalang ang hindi nakaka move on."
"Weh? Nakita ko search list mo. Si Ate Elle nasa unahan!"
"Aba't talaga naman ang batang 'to!" Tumakbo kaagad ako bago pa niya ako mahabol.
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022