Chapter 40

16 3 2
                                    

3 months simula ng makipag break ako sa naging gf ko dito sa rpw ay napagdesisyunan ligawan na si Maria.

: Pwede ba kitang ligawan?

Ilang minuto bago siya sumagot. Kaya't nagchat ulit ako sa kanya.

: Hindi naman kita minamadali, kung hindi ka pa ready ay okay lang.

Kaya kong maghintay para sa kanya.

Trid: Oo naman, syempre!

Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Sobrang saya ko. Ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para sa kanyan.

: Can you be my girlfriend?

Nagulat pa siya noong una pero kalauna'y sinagot niya rin ako. December 04, 20xx. She's officially mine but in rpw.

Kinabukasan ay hindi ko inaasahan ang mangyayari. Athena's dad died. That's was unexpected.

Hindi ko na namalayan ang oras, gabi na pala do'n ko lang naalala si Maria.

: Trid, sorry may nangyari kasi.

Hindi naman siya nagalit at naiintindihan niya naman ako pero sobra na ata ang ginagawa ko sa kanya. Isang linggo ang hindi nag-open at nagpalango lang sa alak. Hindi ko na iniisip si Maria.

:Riel, sorry. Pero mag-break nalang muna tayo.

Iyon ang unang chat niyang nabasa ko. Nanlumo ako. Una si Tito, ngayon naman ay si Maria. Sino pa ba ang mawawala?

Dinelete ko ang account na ginagamit ko sa role play world. Nasasaktan ako pero unfair din sa part ni Maria. Hinihintay niya ako araw-araw noong isang linggo akong hindi nagoopen, umaabot pa siya ng madaling araw para lang hintayin ako. Kasalanan ko rin ang nangyari, kung naging open lang ako sa kanya. Hindi ko rin siya masisi kung gano'n ang naging desisyon niya.

"Pre, gusto mo ng babae?" Sinamaan ko ng tingin si Braim dahil sa sinabi niya. May tinatawag naman siyang babae at pinaupo niya sa tabi ko, nag-iinuman kami ngayon. I'm not minor, I'm 18years old, turning 19 next year.

Gusto ko lang mag-inom para makalimutan ko sandali si Maria pero ayoko ng babae.

Naramdaman ko ang paghawak ng babae sa braso mo kaya't iwinaksi ko 'yon.

"What the hell?" Iinis na sigaw ko at tinulak ang babae.

"Bruce, kalma." Saad ni Laurence.

Hindi ko sila pinansin at umalis sa lugar na 'yon. Sa sobrang inis ko ay dinownload ko ang facebook app at naggawa ulit ng role play account.

"Wait, What am I doing?" Naihagis ko ang cellphone ko sa kama. Kaagad ko rin 'tong kinuha.

Sa pangalawang pagkakataon hinayaan ko ang sarili ko sa gusto kong gawin. February 25, 20xx, naging kami ulit.

Mas naging open ako sa kanya at ginawa ko lahat ng makakaya ko. Sobrang saya, ang sarap sa pakiramdam na 'yong taong gustong gusto mo, e, sayo na. Umabot kami ng 5 months.

Nag-iisip ako ng plano para sa 6th monthsary namin ni Maria nang bigla akong tawagin ni Mama.

"Akala mo ba hindi ko alam ang pinaggagawa mo?" Iyon na kaagad ang bungad niya sa 'kin.

"Tigilan mo 'yang pinsan ni Kian, Bruce. You're already 18 at minor pa lang 'yon."

"Ma."

"Tantanan mo 'yan ha, hindi ako natutuwa sayo. Mag 19 ka na." Tinignan ko naman si Athena na nasa tabi niya, umiling lang siya senyales na hindi siya ang nagsabi kay Mama.

Akala ko'y tapos na ang lahat ngunit biglang may dumating na babae. I didn't know her. Kumunot ang noo ko dahil sa kanya.

"Rimaika," Masayang bati ni Mama do'n sa babae. "This is my son, Bruce."

Naglahad ng kamay 'yong babae ngunit hindi ko ito tinanggap. Sinamaan ako ng tingin ni Mama dahil do'n.

"Sorry, hindi pa niya kasi alam." Naguguluhang tumingin ako sa kanilang dalawa.

"That's okay, Tita."

"Bruce, this is Rimaika your fiancé."

"No way." Kaagad na napuno ng galit ang loob ko. Hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko mahal.

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now