"Sumabay ka na sa 'kin." Nandito ako ngayon sa harap ng company namin, nag-aantay ako ng masasakyan papunta sa bahay ni Kuya Kian. Do'n kasi ako uuwi ngayon, dito kasi sa Makati ako nagtatrabaho, sabi ni Nanay ay kay Kuya Kian nalang muna ako at umuwi nalang ako ng bahay kapag weekend.
"Hala, huwag na po nakakahiya naman." Nahihiya kong sambit kay Bruce.
"Tss. Huwag ka ng mahiya do'n din naman ako matutulog kay Kian." Gulat na tumingin naman ako sa kanya... "Get in." Seryosong sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto. Nahihiyang sumakay naman ako. Isinara niya kaagad at umikot na sa kabila para makasakay na siya sa driver seat.
Bubuksan na sana niya ang makina ng bigla siyang tumingin sa akin. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.
"Seat belt." Maikling wika niya... "A...Ah, oo nga!" Nahihiyang turan ko.
"Nakakainis paano ba ito, bakit ayaw makabit." Naiinis na bulong ko, hindi ko kasi maikabit ang seat belt. Naramdaman ko naman ang titig ni Bruce kaya napalingon ako sa kanya.
Umiling muna siya bago lumapit sakin. Nagulat naman ako dahil sa ginawa niya. Sobrang lapit ng mukha niya sakin. Naamoy ko rin pabango niya.
"Okay na." Aniya at lumayo na. Ay sayang, bakit naman ang bilis niya lang nakabit. Napailing naman ako sa iniisip ko. Clarity, magtigil ka.
"Salamat," Ani ko at bahagyang ngumiti sa kanya. Tumango lang naman siya kaya't mabilis akong bumaba kaagad.
"Hoy, Clarity. Ano 'yon ha?" Bungad kaagad ni Jewel sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay... "Ang alin?"
"Ang alin, ang alin ka diyan. Bakit ka hinatid ng kaibigan ni Kuya Kian?" Saad niya at masama pa akong tinignan.
"Nakisabay lang ako wala akong masakyan, e." Masama pa rin ang tingin niya sa akin.
"Jewel, tara dali nagchat na!" Kinikilig na wika ni Julyien. Ano na naman kayang ginagawang kalokohan ng dalawang 'to.
"Omygod, wait eto na!" Excited na turan ni Jewel. Hindi niya na ako pinansin at sumunod na kay Julyien. Tss.
"Anong mukha 'yan?" Natatawang saad ni Kuya Kian. Sinamaan ko naman siya ng tingin... "Mukha ng cute."
"Lol. Corny." Inirapan ko naman siya.. "Dito pala matutulog kaibigan mo."
"Ha? Sinong kaibigan?" Nagtatakang wika niya.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya.. "Si Bruce, hindi ba niya sinabi? Sumabay ako sa kanya."
"A...Ah, oo tama! Matutulog nga siya dito he-he-he." Tila kinukumbinsi pa niya ako sa sagot niya, nagkibit balikat nalang ako at pumunta na sa guest room.
Hindi ko alam kung guest room pa ba ito o kwarto ko na, ako lang kasi ang gumagamit nito. Si Jewel naman ay sa kwarto ni Julyien natutulog. May sariling kwarto rin kasi dito para sa mga kaibigan ni Kuya Kian pero nakakapagtaka dahil si Athena lang ang walang kwarto dito.
Rinig na rinig ko ang ingay ng bunganga ni Braim sa labas kahit nandito ako sala. Bababa lang sana ako saglit para kumuha ng pagkain, sakto naman ang pagdating nila. Akala ko ba si Bruce lang, bakit kasama niya ang maingay na 'to.
"Hey, My friend!" Saad niya at akmang yayakap sa akin ng makita ang masamang tingin ni Kuya Kian.
"Tigilan mo nga ang kalandian mo, Ibraim." Naiinis na wika ni Kuya Kian...
"Ouch you hurt my feelings," Aniya at humawak pa sa dibdib.. "It's just a friendly hug."
"Hindi naman kita friend." Singit ko sa usapan nila.
"Hoy, hala grabe siya sa akin oh!" Saad niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin...
"Deserve." Rinig naming bulong ni Bruce. Himala ata at hindi siya naka sunglasses at face mask ngayon. Natauhan ata siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/284759317-288-k375322.jpg)
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Roman d'amour"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022