Gabi na ng magkausap kami ni Riel, okay lang naman dahil lagi naman kaming nagpupuyat. Pero alas dose palang ay inaantok na ako.
Riel, pwede mag call? Inaantok na kasi ako, baka matulugan kita.
Riel
Oo sige, tulog ka lang dyan. Lagi kang puyat e.
Tinawagan ko naman sya at kaagad nya namang sinagot. Katulad ng dati ay hindi sya nagsasalita.
Riel
Goodnight. I love you, Baby!
Goodnight. I love you too, Mahal.
Narinig ko pa ang mahinang tunog ng halik nya. Virtual kiss kung tawagin nila. Kinikilig na naman ako.
Ilang sandali pa ay nakatulog na ako.....
Naalimpungatan ako dahil narinig kong nag cr si Riel, narinig ko kasi 'yung tunog ng tubig.
Binuksan ko naman ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na....
2:30am. August 19, 2021.
Madaling araw na pala. Hindi ako nagsalita at hinihintay ko lang kung anong gagawin nya. Hindi nya alam na nagising ako.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng boses ng isang babae. Mahina ang boses nito at tila may binabasa.
Hindi ko rin maintindihan ang sinasabi nya...
“Balang araw makakahanap ka rin ng babaeng katapat mo...”
'Yun lamang ang naintindihan ko sa mga sinabi nya. Napatahimik naman ako, alam kong anumang oras ay iiyak na ako.
Nagsalita sya ulit ngunit hindi ko maintindihan dahil hindi ko ito marinig ng mabuti. Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng cr.
Napaupo nalang ako sa sahig ng cr, nanlalambot ang mga tuhod ko..
“Lord, isang beses pa po. Last na po gusto ko lang po ulit marinig ang boses na 'yon para makasigurado ako.” Dasal ko habang umiiyak.
Naiintindihan ko na ngayon ang lahat.....
Mas lalo akong napaiyak ng marinig ko ulit ang boses nya...
Ilang minuto aking umiyak hanggang sa napagpasyahan kong patayin na 'yung call.
Tama na please.
Riel
Huh?
Narinig ko.
Riel
Ha? Ang ano?
Riel, narinig ko nagsasalita ka!
Riel
Ha? Naka mute ako.
Bakit ba tinatanggi pa niya?
Riel, please sabihin mo na. Aminin mo na please.
Riel
Sorry, hindi ko naman gusto na sa ganitong paraan mo malaman.
Bakit? Bakit hindi mo sinabi agad nung una palang?
Riel
Paano ko sasabihin sayo eh, ang saya saya mo.
Lalo akong napaiyak. Bakit parang kasalanan kong sobrang saya ko? Masama ba yun. Sya lang ang nagpakita at nagparanas sa akin na special ako.
Riel
Kung alam mo lang, araw-araw kong ipinagdarasal na sana totoo nalang si Riel.
Sino yung nasa pic? kaninong boses yung nasa vm?
Riel
Pinsan ko yung nasa picture. Pinsan ko ko rin yung sa vm.
Riel
Kaya ka sinungitan ni Braim nung makausap ka nya dahil hindi sya sang-ayon sa ginagawa ko.
Pero bakit hindi mo agad sinabi? Sana nung una palang sinabi mo na.
Riel
Gusto kong nasa tabi mo ako hanggang sa mahanap mo yung tamang tao. Gusto kitang protektahan.
Pero mali. Riel babae ka rin alam mo 'yung mararamdaman ko sa oras na malaman ko.
Riel
Alam ko, alam ko. Sorry but I can't love you the way Beau Adriel Andrews did.
Alam ko at hindi ko hihilingin sayo yun.
Hindi ako baliw para hilingin ang bagay na yun sa kanya.
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022