Pasakay na sana ako ng jeep ng maalala ko yung listahan, patay ako kay Nanay. Hindi ko nakuha sa ibabaw ng ref.
Maglalakad na sana upang maglakad pabalik sa bahay namin ng biglang may lumapit na babae sa akin,
"Clarity?," Nagulat naman ako, alam nya ang pangalan ko. Saglit nya muna akong tinitigan bago magsalita ulit, "Ikaw nga, ang tagal kitang hinanap."
Nakakunot ang noong tumingin ako sa kanya, "Sorry, Ate. Do I know you?" Taka kong tanong sa kanya, hindi ko kasi siya mamukhaan pero pamilyar ang boses nya sa akin, hindi ko nga lang alam kung saan ko narinig.
"Oh, sorry. Hindi mo nga pala alam ang totoo kong itsura." Saad nya at pekeng tumawa, "Athena. Athena ang pangalan ko. Ako si uhm-.."
Hindi nya na natapos ang sasabihin nya dahil sa panginginig ng kamay nya. Kinabahan ba sya? Anong nangyayari sa kanya?
"Okay ka lang po ba? Gusto mo dalhin kita sa hospital?" Pag-aalalang tanong ko sa kanya.
"No, no. I'm okay.." Saad nya at pinipigilan ang panginginig ng kamay nya.."Pwede ba kitang makausap? Matagal na kitang gustong kausapin."
Kahit naguguluhan ay agad naman akong tumango.
Pumunta kami sa malapit na 7/11 para doon mag-usap. Ang panget naman kasi kung sa kalsada kami mag-uusap..
I don't know kung bakit ang bilis kong sumama sa kanya. Baka mamaya ay scammer 'to. Napunta sa kanya ang atensyon ko ng magsalita sya..
"Actually, I don't know where to start.." Panimula nya at bumuntong hininga. "But yep. I am Beau Adriel Andrews.."
Natigilan naman ako dahil sa sinabi nya..
"Sorry, Clarity.. As much as I wanted to appear as a guy or man. No I am not.." Nagsimula namang manubig ang mga mata ko.. "I mean it. I wanted to treat you, how should a guy must treat you."
"Pero hindi mo dapat ginawa 'yon, pwede mo naman akong protektahan sa maayos na paraan." Bahagyang tumaas ang boses ko.
"Sorry, kaya nga ako nandito para sabihin sayo ang totoong nangyari. Oo, ako yung may-ari ng account na 'yon pero-.."
Naputol ang sasabihin nya nang may bigla nalang humila sa kanya na lalaki...
"Braim ano ba, bitawan mo ako. Kailangan nyang malaman ang totoo."
"Tumigil ka Athena, hayaan mong sya ang umayos ng gulong ginawa nya."
"Pero ako ang nagsimula ng gulong 'to, Braim."
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko maintindihan. Sinong sya?
"Ikaw ang nagsimula at nagplano pero hindi ikaw ang gumawa."
Bago pa sila mag-away ng tuluyan ay nagsalita na ako. "Wait, sinong sya? Sinong gumawa? Hindi ba, si Athena si Riel?" Naguguluhang tanong ko.
"Oo, ako yung may-ari ng account pero si-"
Hindi na naman nya natuloy ang sasabihin nya ng takpan ni Braim ang bibig nya.
"Manahimik ka nga, Athena." Saglit naman syang tumingin sakin bago magsalita, "Pasensya na sa abala." Saad nya at binuhat na palabas si Athena.
"Hoy teka sandali." Sigaw ko at hahabulin na sana sila ng saktong may tumigil na van at sapilitang sinakay ni Braim si Athena doon..
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022