Chapter 33

15 4 2
                                    

"You ready?" Tumango ako kay Kuya Marc. It's already 2 years since that happened. Siguro naman naging maayos na silang magkakaibigan.

Hindi ko alam na mangyayari pa pala ang bagay na 'to, ang bumalik ako sa Pilipinas. Naalala ko pa dati, sa aming tatlo nila Nicx at Michelle, ako ang ayaw umalis ng bansa ngunit mas nauna pa akong umalis sa kanila.

Hindi ako naka attend ng graduation nilang dalawa, ni hindi man lang ako nakapag paalam. Hindi ko na rin nasabi kung bakit biglaan akong pumunta sa ibang bansa, alam kong naiintindihan nila ako. Alam kong gusto nilang malaman ang dahilan, hinihintay lang nila na ako mismo ang magsabi.

"Aba, gaga ka may balak ka pa palang umuwi ng Pilipinas." Napangiwi ako, bahagyang hinila ni Nicx ang buhok ko.

"Pasensya na," Umiiwas naman ako sa tingin nilang dalawa... "Biglaan din, e."

"Anong nangyari?" Naguguluhang wika ni Michelle... "Bakit bigla ka nalang umalis?"

Umiling lang ako bilang sagot. I can't. It's so hard to tell. Hindi ko pa kaya.

"Okay then, sabihin mo nalang samin if ready ka na." Ngumiti siya sa akin.. "Na-miss ka naman, kaloka ka! Bigla bigla kang naalis."

"Sorry, hindi ko rin alam na gano'n mangyayari."

"Akala ko ba ikaw ang ayaw umalis ng bansa sa ating tatlo? Ikaw pa naunang nag ibang bansa." Nagsalita na rin si Nicx. Tinignan ko naman siya. Nakaka-proud sila.

"Kamusta si Bryle?" Ngumiti si Nicx dahil sa tanong ko.

"Ayos lang-" Natigilan siya ng biglang mag ring ang cellphone niya.. "Wait sagutin ko lang." Bahagya naman siyang lumayo sa amin.

"Yes, baby?" Rinig ko pang wika niya.

Nabaling naman ang atensiyon ko kay Michelle.

"Kamusta? Tinuloy mo na ba pagsusulat?" Tumango naman siya.

"Oo. Balak ko pang pumatay ng maraming character." Pagbibiro niya.

"Sira!" Natawa ako, mahilig siyang gumawa ng tragic na story. Minsan pa nga 'yong mismong bida ang namamatay sa story niya, parehas sila ni Nicx.

Naalala ko no'ng highschool palang kami, pare-parehas kaming nagsusulat ng story. That's our hobby, isa rin 'yon sa dahilan kung bakit kami pumasok sa role play world para do'n mag post ng mga gawa namin dahil wala kaming lakas ng loob para i-post ang mga gawa namin.

Rpw helps a lot, lalo na sa akin. I don't know how to communicate with other people, I don't know how to start a conversation, dahil sa rpw natuto ako kung paano, hindi ako nahihiyang ipakita do'n kung ano ang tunay na ako. Marami akong naging kaibigan at nakilala ko do'n si Riel.

Humiga kaagad ako sa kama pagkauwi ko, nakakapagod. Bukas kailangan ko pang puntahan 'yong pinapagawang bahay ni Kuya Merck, gusto niya kasi na do'n nalang raw kami tumira kaya kailangan kong pumunta do'n para sa magiging design ng kwarto ko. Kailangan kong makausap 'yong Architect.

Nahihiyang naglakad ako papalapit sa ginagawa bahay.

"Excuse me," Tinawag ko naman ang isang lalaking nakatayo lang sa malapit, break time siguro nila ngayon.. "Pwede ko bang makausap ang Architect? Btw, I'm Ms. Villariel."

Tumango naman siya at sandaling umalis. Maya-maya lang ay lumabas ang isang babae mula sa ginagawang bahay. Gulat akong tumingin sa kanya.

"Ms. Villariel." Bati niya sa akin at ngumiti.

"Architect Barlowe." Tuluyan na siyang humalakhak, siraulo talaga.

"Kasama lang kita kahapon, bakit hindi mo sinabi?" Hindi naman siya sumagot at tuloy lang sa pagtawa, "Baliw ka na, Michelle."

"N..Natatawa ako sa itsura mo nung nakita mo 'ko." Nahihirapang niyang wika habang natawa.. "Ang epic ng mukha mo, mare."

Blinded By The Past (Writers Love Series #1)Where stories live. Discover now