Isang babae 'yon. Sa tingin ko'y papataas palang ang araw do'n sa painting dahil naroon pa ang buwan. Nasisinagan ang mukha ng babae sa painting kaya't hindi kita ang mukha nito, may nakaipit ding bulaklak sa tenga nito na sa tingin ko'y gumamela.
"Ang ganda." Hindi mapigilang sambit ko.
"Si Bruce ang nag pinta niyan, Clarity." Nakangiting niyang sambit sa 'kin. Gulat naman akong tumingin sa kanya dahil binanggit niya ang pangalan ko.
Nagsimula ulit siyang maglakad kaya't sumunod kaagad ako sa kanya.
"Ang mga bata talaga." Naiilang na wika niya. "Hindi pa ba niya sinasabi sayo?"
"P...Po?" Naguguluhan wika ko.
"Sa tingin ko'y hindi pa nga." Umiling ulit siya dahil do'n. "Napaka-torpe tapos kapag nasaktan ay laging lasing."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaya't nakinig nalang ako.
"Dito ang kwarto ni Bruce." Saad niya at huminto sa isang black na pinto. "Pumasok ka na, kanina ka pa niyan hinihintay."
"P..Po? Hindi po kayo sasama sa 'kin sa loob?"
Umiling naman siya at binuksan na ang pinto saka ako tinulak papasok do'n.
"Hala, wait lang po-..." Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng marinig ko ang lock mula sa labas.
Gulat na mukha ni Bruce na kakalabas lang ng cr ang bumungad sa 'kin pagkaharap ko kaya't napatakip kaagad ako ng mata.
God, huwag naman pong ganito oh!
"Omygod, sorry, sorry." Natatarantang wika ko dahil tanging tuwalya lang ang nakatapis sa kanya.
"What the- Si Nanay Cora talaga."
Naramdaman kong naglakad siya, pupunta ata sa closet. Mabuti naman.
"You can look at me now."
Dahan-dahan ko namang inalis ang kamay ko na nakatakip sa mata ko. Umayos ako ng tayo ng makitang nakaayos na siya.
"So, what now?" Seryosong wika niya.
Nakakatakot naman ang isang 'to. Parang si Kuya Kian din, may sama ng loob ata sa 'kin lahat ng mga tao dito.
"Uhm- gusto ko lang malaman 'yong sagot sa mga tanong ko."
"Okay," Maikling turan niya.
"Sure ka? Hindi ka ba galit?"
"Magtanong ka na, kahit ano. Kung 'yan ang ikagagaan ng loob mo." Umupo naman siya sa maliit na sofa dito sa kwarto niya.
"I....Ikaw ba talaga si Riel?"
"Sa tingin mo?" Seryoso niya akong tinignan.
"Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sainyo."
"Oo, ako nga." Dire-diretso niyang sabi.
"But why? Paano nangyari 'yon? Bakit ginawa mo 'yon? Bakit ka nagpanggap kang si Athena?"
"Hindi ako nagpanggap na si Athena, I never do that."
Bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at niyakap.. "Baby, maniwala ka naman kahit ngayon lang."
Hinayaan niya ang sarili na mahulog sa kama kaya't napasama ako sa kanya. Akmang tatayo ako ng yakapin niya ako ng mahigpit at isiniksik ang ulo sa leeg ko.
"Bruce, you need to explain first."
"5 minutes. I just need energy." Pinamulahan ako ng pisngi dahil do'n. Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya, wala rin naman akong magagawa.
"Bruce, 5 minutes is over."
"5 more minutes, baby." Natikom ang bibig ko dahil sa sinabi niya, hindi ko alam kung sinasadya niya ba 'yon o ano. Gusto kong pukpukin ang ulo ko dahil ramdam kong narupok ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/284759317-288-k375322.jpg)
YOU ARE READING
Blinded By The Past (Writers Love Series #1)
Romance"Future Accountant kung hindi papalarin asawa nalang ng Engineer." - Maria Clarity Villariel Date Started: September 11, 2021 Date Finished: February 25, 2022