Prologue

1.9K 33 0
                                    

What a beautiful morning to do my duty. Isa akong nurse dito sa ZLC Medical Hospital, halos mag iisang taon na rin akong nagtatrabaho dito. Galing kasi akong probinsya mahirap ang buhay doon, so I decided to take a risk here in Manila. Dahil rin kasi sa problemang pinansyal ng pamilya kaya dito na ako nag apply nang matapos ko ang kurso. I am comfortable in this hospital.


Maganda ang facilities siyempre si Señor Luis ang may ari nito, isa sa mga mayamang tao dito sa bansa. Marami nang makabagong teknolohiya ang ginagamit sa ospital na ito kaya maraming tumatangkilik na magpagamot dito. It's not that so private that is why there's a lot of patients chooses to get treatment here. Señor Luis is very kind to the people and he was very helpful too that's why people trust his hospital.


He's compassionate that I really proud of, especially he always interacting all the patients here kaya naman magaan ang loob ng mga tao sa kaniya.


"Zea!" Sigaw ni Lian isa sa mga katrabaho kong nurse, nag echo ang boses niya sa hallway kaya napalingon ako.


"Oh, bakit?" Tanong ko nang makalapit siya.


Kasabay ko siyang nag apply dito. Katulad ko din may problema sa pera ang pamilya niya kaya lumuwas dito sa siyudad.


"Alam mo ba? Babalik na dito 'yong apo ni Señor" may halong kilig na sabi niya. I can't relate because I don't know who is her talking about. I only know that Señor Luis have two grandchildren from Doctor Laurence, his son.


"Ah..." 'Di ko alam ang sasabihin ko kaya napangiti nalang ako. Sino ba 'yon?


"My god! Wag mong sabihin na hindi mo siya kilala?" Napahawak naman ako sa batok. Bakit ba siya pinag uusapan?


"Siya lang naman yung guwapong apo ni Señor kaya taka ako sayo bakit hindi mo siya kilala" sat-sat pa ni Lian habang nag lalakad kami papuntang nurse station at lahat ng nadaanan naming hallway ay 'yong apo ni Señor ang pinag uusapan.


"Sorry Lian ah, 'di ko kasi siya talaga kilala" sabi ko at nag type sa computer na kaharap ko at pumwesto sa harap ko. Bumuntong hininga muna siya bago ulit mag salita.


"Hay nako okay lang 'di ka kasi nag fe-facebook kaya hindi ka masyadong makakilala sa mga tao" natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi ko naman kailangan 'yon e, basta makatawag lang ako sa amin ayos na iyon.


"Kaso nga lang..." lumingon naman ako sa kaniya nang may halong bigo ang tono nang huli niyang sinabi "may asawa na siya."


"May asawa na pala e," sabi ko na may halong pang-asar sa kaniyang pagkabigo.


"Oy 'di ako naiingit no! Ang ganda-ganda nga ng asawa no'n. Si Miss Descia siya lang naman ang pinakang sikat na designer dito sa Pilipinas" pagmamalaki pa niya at napatango naman ako, ang ganda ng career nilang mag asawa.


"Grabe lahat talaga sa kanila alam mo?" Natatawa kong sabi at hinampas niya ang kamay ko na nag didipa sa keyboard. Napangiwi naman ako dahil sa paltik na naramdaman ko.


"Ikaw kaya kailan ka mag aasawa? Sa ganda mong 'yan hindi mo naisipan?" Tanong niya sa akin hindi naman ako nakasagot agad dahil lumapit sa amin ang head nurse at sinabing pinapatawag daw ako sa office ni Señor.


Sumakay muna ako sa elevator para makataas sa office ni Señor kinikilala din kasi ako bilang nurse ni Señor dahil may problema na rin siya sa kalusugan, at naatasan ako as one of his nurses. Nang marating ako ay agad kong nasalubong si Doc Laurence, anak niya. Nginitian lang ako ni Doc at nagbigay galang naman ako. Hanggang sa makapasok na ako sa opisina.


"Good morning Nurse Zea" bati sa akin ni Señor.


"Magandang umaga din ho sa inyo" balik ko naman at lumapit sa lamesa niya dahil napansin ko na parang may hinahanap siya. "Tulungan ko na po kayo."


"Ay! nako huwag na hija."


Napangiti naman ako nang makita na niya ang hinahanap niya, parang litrato ata iyon at umupo na sa swivel chair niya.


"Nurse Zea alam mo na ba ang balita?" Tanong niya sa akin at ayon sa aking nalalaman ay wala akong ideya.


Napatawa muna siya bago magsalita ulit. "Oo nga pala at ikaw ay busy sa iyong trabaho at hindi nakikipag chismisan lamang."


"Dadating kasi 'yong apo ko. Ina-sign ko kasi siya sa provincial branch ng hospital namin. Gayong nakatapos na ang kapatid niya ay babalik na siya dito." Paliwanag pa ni Señor at sa sandaling iyon ay bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina napatingin naman ako doon.


Kinabahan ako bigla, siya ba 'yong apo? Hindi ko akalain na ganito siya kaguwapo. Medyo maputi ang balat niya, matangos ang ilong, maganda ang katawan na parang laging nag e-exercise at matangkad halos hanggang baba niya lang ako.


"Papa" bati ng lalaki at dumaan sa harap ko para makalapit kay Señor, grabe ang bango!


"Hijo! Akala ko ay mamaya ka pang hapon darating?"


Habang sinasabi iyon ni Señor ay hininto niya ang paningin niya sa aking puwesto na para bang gusto niyang malaman kung sino ako.


"You know my dad wants me to go straight here para daw ma-check kita" sagot naman niya sa Lolo niya. At nag palitan lang sila ng salita habang ako ay nakatingin lang sa sahig ang nilalaro ang aking mga daliri.


Hanggang sa mapansin ako ni Señor.


"Ay apo siya nga pala si Nurse Zea isa sa mga nurse ko dito sa hospital" pagpapakilala ni Señor sa akin kaya tango ang tugon ko sa kaniyang apo na walang ginawa kundi ekspeksyonan lang ang buong katawan ko.


"You have a lot of nurses huh?" Sarkastikong sabi niya kay Señor. Natawa naman ang mantanda.


"Hindi naman sa gano'n hijo. Mabait 'yan si Zea" he complimented.


"By the way Zea meet Doctor Saxxon Crisostomo. One of most famous Neurosurgeon here in the Philippines." Señor proudly introduced his grandson.


I suddenly stunned when he slowly walked towards my position and he obviously want to have shake hands with me as a formal introduction.


"Welcome back Doc!" Pilit kong hindi ipakita na kinakabahan ako. Subalit sa pagkakahawak niya sa aking kamay ay parang ayaw niyang ipaghiwalay ang mga kamay namin.


"Nice to meet you Nurse Zea." Hindi ko alam kung kaya ko pa bang makipag titigan sa kulay brown niyang mata at nadadala ako ng kanyang amoy na halos hindi nakakasawang amuyin.


Hanggang sa pilit kong bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak niya at bigla namang nagsalita si Señor.


"It is nice for both of you to introduced yourselves to each other because I want you Nurse Zea to be his scrub nurse every surgery that he will perform."


Halos ramdam ko na ang pagrereklamo ng pantog ko sa kaba ng sabihin iyon ni Señor. Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa lalaking ito baka dahil intimiding siyang tignan kaya nakakakot.


"Don't worry I will be good" si Doc Saxxon ay tuluyan nang nagpaalam sa Lolo niya bago lumabas ng opisina.


Zea may asawa na siya at dapat wala kang pakialam sa doktor na iyan. Kailangan mong mag tatrabaho para sa pamilya mo at para matulungan mo na rin si Lola Xenia. Pagpapaalala ko sa aking sarili.

CONCEALED FONDNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon