Sa araw na iyon ay hindi ako lumayo sa nurse lounge para hindi ko makita si Doc Saxxon. Akala ko pa din ay mabait siya. I couldn't believe that he will offered me that kind of thing! Marangal na at malinis ang pagkukunan ko ng pera at hindi sa ganoong paraan.
I am not saying that I want to do it with or without paying me money. I would not do it kahit pa pahirapan niya ako. Mas ayokong maging kabit, binati ako ng asawa niya tapos magsasalita siya ng gano'n? Sana pala ay hiniwalan na iyon ng asawa niya e, also I noticed to Doc Saxxon he is serious when he stated those words. Is there any problem on their marriage?
Hindi ko na inisip ulit ang pangyayaring iyon hanggang sa dumating ang hapon. Sa hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa harap ng pinto ng lounge.
"Nurse Zea I am sorry to what I've said earlier it's just.." He stopped at tumitig sa mga mata ko agad akong umiwas ng tingin bago ako magsalita.
"It's okay Doc" paglinaw ko. Gusto ko na rin makalimutan 'yon kaya ayos na para na rin hindi maging awkward sa trabaho lalo na at lagi ko siyang kasama sa mga surgery bilang scrub nurse niya.
Ngumiti siya ng pilit at tumango, unti-unting tinahak ang daanan papalayo sa lounge. Nakita ko naman si Lian na binati muna si Doctor Saxxon bago lumapit sa puwesto ko.
"Oy! Bakit pumunta 'yon dito?" Usisa niya bago pumasok sa lounge at tumungo sa mini counter para magtimpla ng kape.
"Wala may sinabi lang. May duty kapa ba?" Tanong ko sa kaniya habang kumukuha ako ng makakain sa refrigerator. Uuwi na kasi ako maya-maya pero pupunta pa ako sa office ni Saxxon baka kasi may iuutos o kailangan.
"Oo mamaya mga quarter to 6. Ikaw anong oras ka uuwi?" Balik na tanong naman niya sa akin.
"Pupunta pa ako sa office ni Doc Saxxon. Ako kasi 'yong nirocommend ni Señor na maging scrub nurse e," paliwanag ko. She immediately approach me on my space.
"Olay...! Ang suwerte mo naman. Teka? Hindi ko alam 'yan huh?" Sa palagay ko rin kanina ay 'di pa nga niya alam at wala pa atang nakakaalam.
"Iyon ang sabi ni Señor e, kaya niya ako ipinatawag kanina" kuwento ko pa.
Nang matapos na kaming kumain ay lumabas na kami at nag accommodate sa ER dahil may naganap na traffic accident sa highway. Agad naging alerto ang mga EM dahil madaming nasugatan at napinsala sa aksidente.
Tumakbo na ako para makapag palit ng scrub dahil ipinatawag ako ni Saxxon. May isang biktima na natusok ng malaking bakal sa ulo kaya kailangang operahan. Lumabas na agad ako at pinuntahan sa hybrid room ang pasyente at chineck pa ang ibang damages.
"Grabe naman ang nangyari oh!" Chismisan ng ibang kaanak ng ibang mga pasyente.
"Ano bang nangyari?" Tanong naman nung isa.
"Banggaan daw ng motorsiklo at truck na may construction materials ang buhat" sabat pa nitong isa. Pinatabi ko agad ang mga taong nanonood sa labas ng area dahil dadalhin na namin ang pasyente sa OR.
"Nurse Zea alam niyo na ang gagawin magpapalit lang ako" sa pagkakasabi ni Saxxon no'n ay tumango ako bilang sagot.
Hanggang sa matapos ang operasyon. Halos 6 na oras ang nakalipas naging successful naman ang operasyon at ngayon ay nasa ICU kami para i-check muli ang pasyente.
Si Doc Saxxon ang nagpasyang maiwan sa ICU dahil kailangan minu-minuto niyang obserbahan ang pasyente. Ako ay nakatingin lamang sa kaniya sa na nakaupo sa kalapit ng pasyente habang ako ay nasa station halos kaharap lang. Nakasandal ang kaliwa kong siko sa counter.
Bigla akong tumalikod nang bigla siyang tumayo. Nilibang ko ang sarili ko at tumingin ng ibang diagnosis ng mga pasyente. Hanggang sa maramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko.
"Nurse Zea 'di ka paba uuwi?" Tanong niya habang may sinusulat sa diagnosis.
"Uuwi na po ako may i-checheck po muna ako" sagot ko naman. Nang matapos na ako sa walang kwentang ginagawa ko ay agad na akong nagpaalam sa kaniya para umuwi.
Kinabukasan ay nalate akong naka pasok tanghali na ako pumasok. Agad kong tinakbo ang lounge para ibaba ang mga gamit ko. Nagdala lang ako ng ballpen at stethoscope dahil magchecheck-up ako ng ibang pasyente.
"Zea 'yong pasyente ni Doc Saxxon kailangan ka daw do'n" I nodded as an answer to my head nurse as I walk and reach the elevator to ride it to bring me to the ICU.
"Stable na ang pasyente misis kaunting intay na lang ay magigising na rin ho siya" rinig kong pagpapaliwanag ni Saxxon sa asawa ng pasyente. Tumungo naman ako sa nurse station para tignan ang diagnosis ng iba pang pasyente.
"Oy Zea!" Tawag sa akin ni Misha co-nurse ko din. Siya ang pinaka mas bata sa amin, halos magkaka edad kami dito. Mga nasa early 30st na 'yong iba. Ako naman ay nasa late 20st pa lang parehas kami ni Lian.
"Babalik na daw si Junelle next month nabalitaan mo ba?" Tanong niya sa akin. Si Junelle 'yong isa ko pang kaibigan, bakla 'yon at umuwi lang siya ng probinsya dahil may sakit ang tatay niya. Sa totoo lang ay kapitbahay ko iyon.
"Ay oo nga pala, nasabi niya niya nga sa akin nung nakaraang linggo maayos na daw ang tatay niya" kuwento ko naman. Halos ilang minuto rin kami nag usap hanggang sa tinawag na ako ni Saxxon dahil may ipe-peform siyang surgery ngayon.
Pumunta kami sa VIP floor ng ospital kung saan puro mayayaman ang pasyente. Pumasok na kami sa silid at nakita ko si Señor kausap ang pasyente, kaibigan niya ata 'yon dahil nagtatawanan sila nung pumasok kami.
"Oh! Nandito na ang doktor mo" saad ni Señor at lumapit na kami sa kanila.
Masyadong komplikado ang gagawing operasyon sa pasyente dahil rin sa katandaan 50/50 ang survival rate.Pakiramdam ko din ay kung maging successful naman ang operasyon ay baka matagal ang pagising ng pasyente dahil mako-coma siya.
"And this is Nurse Zea the scrub nurse of my team" Saxxon introduced me as I bowed a bit for greeting him politely.
"I can't believe na bata ang scrub nurse mo Saxxon?" Natatawang saad ng matandang pasyente kaya napangiti ako sa kaniyang biro.
"28 na po ako Mister hindi na po ako bata" natatawang sagot ko din sa kaniyang biro at nabalot ng tawa ng buong silid.
"Hindi ko alam na bente otso kana Nurse Zea?" Usisang tanong ni Señor.
"Patigil-tigil po kasi ako nung kolehiyo kaya late na rin po ako nagtrabaho, pero sa awa ng diyos nakatapos po ako."
"Buti ay nakapag tapos kana hija" sabat naman ng pasyente at napansin kong nakatingin sa akin si Saxxon kaya tinignan ko siya at mabilis na nawala ang tingin ko sa kaniya ng magka salubong ang mga mata namin. Hindi ko kinaya!
"Opo sabi po kasi ng Lola ko okay lang po daw patigil-tigil basta po daw ay makatapos ako" pagsisiwalat ko sa laging sinasabi ni Lola Xenia sa akin.
Lagi akong umiiyak pagka sinasabi nila Papa sa akin na hindi muna ako makakapag aral sa susunod na taon.
Maraming beses nangyari iyon, pero naiintindihan ko namnan mahirap lang kami pero nakatapos pa din ako kaya ayos na din. Dahil ito na ako masayang nagtatrabaho para makatulong sa mga nangangailangan.
BINABASA MO ANG
CONCEALED FONDNESS
RomanceI like him, I love him, I have feelings to him. Did he feel the same? I fell inlove on a married man that I should not did. Nevertheless, I love him, I love him so much. I would do anything just to get him, but I knew he could not love me like he lo...