Tinamad akong pumasok ngayong araw at dahil din namamaga ang mata ko dahil sa kaiiyak kagabi. Marami na ako naiyak pero alam kong may natitira na pa din. Ngayon ay i-istick na ako sa plano ko kailangan ko nang iwasan si Saxxon dahil iyon tama. Nangyari na ang alam kong mangyayari. Sana sa gagawing kong ito ay tatahimik na ang buhay ko.
Nagluto ako nang aking makakain dahil kagabi pa ako gutom dahil wala akong gana kumain kahapon. Nang matapos akong magluto ay naligo na din ako at napansin ko na kakaunti na ang pagkain na nasa cabinet kaya nagpasya na ako na pumunta sa malapit ma grocery.
Nilakad ko na lang ang papunta doon. Nang makarating ako ay kinuha ko na lahat ang mga kailangan ko kaya dumiretso na ako aa counter. Nang binabalot na nang cashier ang mga binili ang mga binili ko at may biglang pumasok sa pintuan at namukhaan ko siya. Si Ridge may kasamang babae pero hindi ko kilala kasi hindi si Descia ibang babae ang kasama niya.
Hindi na ako nagpakita sa kaniya at agad na akong umalis. Nang makauwi ako ay inaayos ko na lahat ang mga binabili ko. Hanggang sagutin ko ang tawag ng tumunog ang cellphone ko.
"Zea"
"Lola Xenia bakit po kayo napatawag?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos ang mga damit ko na nilabhan ko nung isang araw.
"Kakamustahin lang sana kita nasa ospital kaba ngayon?" Nilipat ko sa kabilang tenga ang cellphone dahil hindi ko siya masyadong marinig.
"Hindi po ako pumasok ngayon Lola masakit po ulo ko" pagsisinungaling ko.
"O siya, sige mag ingat ka diyan ha?"
"Opo Lola ba-bye po." Paalam ko bago ko pinatay ang tawag at binaba ang telepono sa mesa.
Inilagay ko muna ang mga damit ko sa damitan bago kunin ulit ang cellphone at nag ring na naman ito.
"Hello Junelle?"
"Z-zea? Si Lian..." kumunot ang noo ko sa hindi maintindihan niyang sinasabi mula sa kabila.
"Anong nangyari?" Tanong ko at hanggang sa marinig ko ang hikbi niya kaya kinabahan ako.
"Si Lian nahulog sa hagdan" diretso niyang sambit kaya nanlaki ang mata ko.
"Ha? Ba-bakit?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.
"Natapilok siya habang nakikipag away kila Misha na madaming sinasabi sa'yo. Tritikal ang lagay niya ngayon Zea" Umiiyak na sabi niya agad kong binaba ang tawag niya at mabilis akong nagpalit ng damit kinuha ko lang ang wallet ko dinala ko din ang cellphone ko.
Nang marating ako sa ospital agad akong tumungo sa ER dahil sabi sa akin ni Junelle nandoon daw si Lian. Narinig ko ang sigaw ni Junelle kaya tumungo ako doon sa puwesto niya. Madaming doktor doon at nakita nagkasalubong ang mga mata namin ni Saxxon at isang iglap umiwas agad ako at lumapit kay Junelle na umiiyak habang pinipiit ng mga ibang nurse dahil sa paghahampas niya kay Misha na magulo ang buhok.
"Junelle" tawag ko at lahat ay napatingin sa akin. Lumapit naman siya agad sa akin at niyakap ako at lalong umiiyak dahil doon ay nakita ko ang reaksyon ni Saxxon na galit na naka tingin sa amin ni Junelle. Bumitaw ako sa yakap ko kay Junelle para makausap ko siya ng maayos.
Umuwi daw agad galing sa day off si Lian kaya nang makadating ay nagduty na. Nang marinig niya daw na maraming sinasabi tungkol sa akin si Misha at pinagsabihan niya daw ito. Tinulak daw siya ni Misha sa malapit sa hagdan nang itutulak daw ulit ni Misha si Lian ay umatras na daw ito agad kaya nahulog si Lian. Naiyak ako sa kuwento sa akin ni Junelle ngayon ay hindi niya daw alam kung paano sasabihin sa magulang ni Lian kaya nagpasya ako na ako na ang magsasabi.
Tinawagan ko ang magulang ni Lian pagkatapos no'n ay bumili ako ng makakain namin ni Junelle sa canteen bago pumunta kay Lian mabilis kong kinuha ang sukli ko dahil nasa likod ko lang si Saxxon na bibili din ata. Dahil sa pagmamadali ko ay nahulog ang wallet lahat ng papel na laman no'n ay nahulog kaya agad kong dinapot bago pa man ako tulungan ni Saxxon ay kinuha ko na iyong mga nahulog at umalis na.
"Kumain ka muna Junelle" sabi ko at binigyan siya ng pagkain na binili ko nakatingin lang siya kay Lian na may benda sa ulo. O-operahan pa si Lian bukas at wala pa din ang parents niya kaya kami muna ang magbabantay sa kaniya.
"Salamat Zea" sabi naman niya sa akin sabay kuha ng pagkain. Ako ay kumain na din at pagkatapos ay inayos ang kumot ni Lian at ni regulate ang kaniyang IV infusion.
Umalis muna si Junelle dahil pinatawag siya ng head nurse kaya ako ang naiwan na magbabantay kay Lian. Napatingin ako sa pinto nang may pumasok dito.
"Magandang gabi po" pagbati ko sa magulang ni Lian tinanguan lang nila ako at mabilis na pumunta sa natutulog na si Lian.
"Ano naman ang nangyari sa'yo ha, anak?" Umiiyak na tanong ng ina sa natutulog niyang anak.
Naiyak naman ako sa nakikita ko parang kasalanan ko lahat kung bakit siya nagkaganyan. Dahil lang pinagtanggol niya ako iyan ang nagyari sa kaniya. Nadamay pa siya dahil lang sa ginawa ko. Napaka sama kong tao, kasalanan ko lahat kung bakit siya nagka ganyan.
"Ano bang nangyari hija?" Tanong sa akin ng ama ni Lian habang tinignan ang kaniyang asawa na iniiyakan ang walang wisyong anak.
Ikinuwento ko naman ang nangyari at hindi ko inaasahan ang sasabihin nila sa akin.
"Dahil sa'yo nagkaganyan si Lian?" Tanong ng Papa ni Lian. Nakatungo lang ang aking ulo dahil sa kahihiyan.
"Bakit naman nadamay ang anak ko?" Tanong naman ng Mama ni Lian at hinampas ako sa braso agad naman itong inawat ng asawa niya.
Ako ay umiiyak lang hbang humingi ng pasyensya sa nangyari sa anak nila. Hindi ko rin naman akalaing mangyayari ang lahat ng ito e,. Hindi ko alam na puwede maapektuhan ang mga taong nasa paligid ko.
"Bakit naman iyong anak ko pa kung puwede namang ikaw na lang!" Malakas na sigaw niya sa akin at malakas akong sinampal. Napahawak ako sa pisngi ko dahil doon at bumukas ang pinto pumasok doon si Junelle na hinila na ako palabas ng kuwarto.
Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap niya ako sa kaniya. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya agad ko siyang niyakap. Doon ako sa dibdib humagulhol ng iyak. Baka nga masama akong tao kaya pati ang kaibigan ko ay nadamay. Napakasama ko dapata ako na lang 'yong tinulak dapat ako na lang iyong nakaratay sa hinihigaan ni Lian.
"Shh... nandito lang ako Zea" mahigpit akong niyakap ni Junelle nang sabihin niya iyon.
Pinauwi muna ako ni Junelle siya na daw ang magbabantay kay Lian kasama ang mga magulang niya tatawagan na lang daw niya ako kung may kailangan siya kaya tumango ako at naglakad na. Paliko na sana ako nang makita ko si Saxxon at si Descia.
Mas lalo akong umiyak nang makita ko silang naghahalikan.
BINABASA MO ANG
CONCEALED FONDNESS
RomanceI like him, I love him, I have feelings to him. Did he feel the same? I fell inlove on a married man that I should not did. Nevertheless, I love him, I love him so much. I would do anything just to get him, but I knew he could not love me like he lo...