Chapter 36

553 10 0
                                    



Napalunok ako sa taong papalapit sa akin ngayon. Nakaporma talaga ang matinding galit niya sa kaniyang mukha na tila gustong-gusto akong saktan. Nakakatakot ang tinginan niya sa akin lalo na ngayong nasa harapan ko na siya. Mas kinabahan ako nang pumorma ang nakakloko niyang ngiti sa kanyang labi. Napadaing ako nang hawakan niya ang panga ko ng sobrang higpit at napahawak din ako sa kamay niya na nakahawak doon. Nakatingin ako sa kaniya at tanging naririnig ko lang ay ang paghikbi ng anak ko.



"Kumusta Nurse Zea" alam kong may bahid ng galit ang pagbati sa akin ni Madam Belinda.




"Ano pong kailangan niyo sa akin?" Lakas loob kong tanong sa kaniya habang hawak ang panga ko. Mas napahawak ako sa kamay niya para alisin iyon nang ang mga kuko niya ay halos bumaon na sa aking pisngi.




"Kailangan? Wala akong kailangan sa'yo dahil lahat ng pag aari ko nawala dahil nakita na sila Luis at Lexenia. Kaya ko nga pinapatay si Lexenia para makuha ko na si Luis na aking pag aari at nang dahil sa'yo ay iniwan na ako ng lalaking pinakamamahal ko."



Tumigil siya sa pag sasalita at mataray na lumingon sa mga tauhan niya.


"Isa pa tong mga walang kwentang mga alipin ko natikman na nga nila si Lexenia pinakawalan pa mga bobo!" Napapikit ako dahil sa sigaw niya sa huling sabi niya. Talagang may galit siya sa nangyari dahil parang hindi siya ang Madam Belinda na kilala ko. Alam kong may pagka masungit siya pero ngayon talagang masasabi mo na isa siyang kriminal.



Ilang sandali nang paghawak niya sa aking panga ay tinanggal na rin niya ang kaniyang kamay at naglakad papalapit sa anak ko na halos hindi na makahinga dahil sa kakaiyak. Agad akong kinabahan ng haplos-haplusin niya ang buhok ng anak ko.



"Huwag Madam! 'Wag po ang anak ko!" Pagmamakaawa ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako at parang nanghina ako nang hilahin niya ang buhok nito. "Jaxxine!"



"Mama!" Umiiyak na tawag ng anak ko. Sa bawat pagtulo ng aking mga luha ay pinipilit kong tanggalin ang tali sa mga kamay ko para lapitan ang anak ko.



"Madam please huwag siya ako na lang po" pagmamakaawa ko pa pero wala lamg talaga sa kaniya iyon.



"Halata sa mukha ang pagiging Crisostomo hija. Hindi ka nga talaga anak ng Sacramentong iyon. Hindi mo makikilala ang tunay mong ama kung hindi pa ako mag uutos para patayin ang ama-amahan mo, pasalamat ka nabuhay pa ang anak mo na panalangin ko na sana'y namatay na rin para mas nagdudusa ka ngayon Zea" sabi niya habang nakatingin sa akin. Lahat ng sinabi niya ay nagproseso sa isip ko. Hindi ko matanggap na siya ang nagpapatay kay Chase. Napakasama niyang tao!




"Napakasama mo! Hayop ka!" Galit na sigaw ko sa kaniya. Natahimik naman ako nang mas higpitan pa niya ang pagkakahawak sa buhok ni Jaxx kaya mas lalo itong umiyak.




"Oh yes! Zea napakasama kong tao, katulad mo din ako. Napakasama ikaw ang dahilan kung bakit bumalik si Lexenia sa buhay naming mapayapa ni Luis. Deserve mong mamatay Zea at itong supling mo ang uunahin ko." Mas lalo akong umiiyak nang sabihin niya iyon. Lumayo siya sa anak ko at ang mga lalaki ay lumapit sa anak para tanggalin sa pagkakatali. Nanlalaban si Jaxxine sa lalaking nagbuhat sa kaniya habang sinisigaw ang pangalan ko.



Ako naman ay todo ang pagpilit na matanggal sa aking pagkakatali at nagmamakaawa na huwag nang idamay ang aking anak. Halos mapugutan na ako ng hininga sa pagsigaw para sa kalayaan ng anak ko pero inilabas nila ito sa kwarto kaya lumuhod ako sa harap ni Madam Belinda at nagmakaawa.



"Please po huwag po ang anak ko. Ako na lang please huwag na siya!" sabi ko pa pero wala siyang pake sa sinabi ko. Unti-unti siyang humakbang palabas ng kwarto habang ako ay sigaw parin ng sigaw.



"Pwede niyo na siyang galawin" huling sambit ni Madam sa tatlong lalaking naiwan kasama ko.



Takot at kaba ang nararamdaman lalo nang unti-unti silang lumapit. Ang isang lalaki ay dinila-dilaan pa ang labi habang nakatingin sa dibdib ko. Napaupo ako at nagmakaawa na pakawalan nila ko pero hindi iyon ginawa. Nagulat ako nang ang isang lalaki ay hinuhubad ang pang ibabang damit.



Kabado ako sa aking natutunghayan ngayon silang tatlo ay wala nang pang ibaba. Nang nasa harap ko na sila ay ang isang lalaki ay tinanggal ang pagkakatali ng mga kamay ko gayundin ang naka tali sa paa ko.



Nakakita ako ng maliit na space para makalusot sa kanilang tatlo kaya agad ko nang sinulot doon ang sarili ko ngunit ang isang lalaki at nahawakan ang buhok ko. Nanlaban ako pero ang dalawang lalaki ay hinawakan naman ang mga braso ko. Winisig ko ang aking mga braso para bintawan nila ko pero mahigpit ang pagkakakapit nila doon.




"Tulong! Tulungan niyo po ako!" Sigaw ko pero natigil iyon nang takpan ng lalaking nakahawak sa buhok ko ang bibig ko. Dinala nila ako sa mahabang lamesa at pinahiga doon. Itinali nila ang mga kamay ko sa tig isang gilid kaya ang paa ko na lang ang nanlalaban.



"Ang sarap mo Miss" nakakadiring sambit sa akin ng lalaki habang hinahaplos ang mukha ko kaya agad kong iniwas iyon. Kadiring mga kamay! "Mas masarap ka pa sa matandang natikman ko noon." Gayon pa ng lalaki na medyo matanda na kaya agad kong naalala si Lola.



"Tangina ni-rape niyo si Lola! Hayop ka bitawan mo ko!" Sigaw ko pa pero tumawa lang silang tatlo.



Ang isa namang lalaki na may kahabaan ang buhok at hinahaplos ang hita ko pataas hanggang sa malapit sa dibdib ko. Mas natakot ako at kinabahan nang dahan-dahan na nilang tinatanggal ang butones ng uniform ko. Iniwas ko ang aking katawan pero wala lang iyon sa kanilang ginagawa. Nakikita na din ang bra ko, hanggang sa nabuksan na nila ang lahat ng mga butones.


"Hoo.... pare malaki!" Sabi pa nang lalaki at hinawakan ito. Sinipa ko siya agad kaya napaupo siya sa sahig. "Gago ka ah!" Tumayo siya muli at akmang sasampalin ako nang may biglang pumasok sa kwarto.



"Tara pre sibat!" sabi ng lalaki na parang kinakabahan kaya na alarma ang iba at nagsuot ng pang ibaba nila na hinubad kanina.


Papalabas na sila nang may humarang sa pinto. Pumasok ang hindi ko inaasahang lalaki galit na galit siyang tumingin sa kinaroroonan ko at tumingin sa mga lalaking nasa harap niya. Agad niyang sinapak ang lalaking nagbabadya siyang barilin at naagaw din niya ng baril nito. Nagulat ako sa sabay-sabay na tunog ng baril kaya napapikit ako. Nang nawala ang ingay ay napamulat ako at nakita ko ang mga lalaki ay tumba na at dinadaing ang kanilang mga hita.



Lumapit agad si Saxxon sa kinaroroonan ko at tinanggal ako sa pagakakatali. Agad akong nagpabuhat sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit habang umiiyak. Hinaplos niya ang buhok ko at pinapatahan ako.



"Saxxon si Jaxx" sabi ko at tumingin ako sa kaniya.



"She's fine now na kay Daddy na siya" sabi niya kaya napaiyak muli ako at yumakap muli sa kaniya.



Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Dama ko pa din ang pag aalala sa pagkakarinig ko sa tibok ng puso niya. Napaigtad ako nang mabilis siyang umikot sa aking puwesto at napapikit ako nang marinig kong may kumalas ng baril. Namulat ako at tumingin sa mukha ni Saxxon.



May naramdaman akong likido sa bandang likod niya na parang tumulo sa aking kamay. Napatingin ako sa aking kamay at dugo ito napatingin muli ako sa mukha niya at bumaba sa pagkakabuhat niya sa akin. Napasandal siya sa lamesa at kinuha ang baril at pinaputok sa lalaking may hawak nang baril. Mabilis niyang binaba ang baril at napaupo siya sa sahig dahil sa panghihina.



"Zea..." nanghihina niyang sambit sa pangalan ko agad ko naman siyang sinalo.



"Saxx please huwag kang pipikit" sabi ko at humingi ng tulong. "Tulong!"




"Zea si Jaxx-" umiiyak akong napapatango sa putol na sinabi niya, huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy. "Take care of her mahal na mahal ko kayong dalawa."



"Saxxon stay with me please. Huwag mo kaming iiwan ni Jaxx nakikiusap ako sa'yo" sabay kuha sa isang kamay niya at nilagay ko sa pisngi ko. Ngumiti siya sa akin bago dahan-dahang ipikit ang mga mata.



"Saxxon!"

CONCEALED FONDNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon