Chapter 10

911 13 0
                                    




"She was lost 17 years ago and we found out that she was dead. Laking lungkot ang nangyari sa nag daang panahon. She left me without knowing that I want to be with her on her last breath" dama ko ang lungkot ni Señor sa kuwento niya.


Never siyang mag kuwento ng mga ganitong pangyayari ang lagi niya lang kunu-kuwento ang masasayang nangyayari sa kaniya. Hindi ko rin siya nakikita na malungkot. Alam kong mag iisang taon palang ako dito pero ang dami nangyayari na puwede maging bahagi ng buhay ko.


"Bakit po ba siya nawala?" Usisa ko pa, umupo muna siya bago magsalita muli.


"Noong araw na nawala siya pauwi na siya noon galing Amerika. Hindi siya nagpasundo sa airport kaya sabi ko hihintayin ko na lang siya sa bahay namin. Busy din ako that time kaya hindi ko talaga siya masusundo. Sa huling tawag niya sa telepono ang sabi niya sa akin ay gusto niya daw akong isama sa pagbalik niya sa Amerika." Napaka suwerte ni Señor sa asawa niya. Kita ko mata ang saya sa bawat salita na binitawan niya nung nabubuhay pa ang asawa nito.


"Sa mga oras na iyon nakauwi na ako sa bahay ngunit wala pa siya. Nandoon na din ang aking anak at ang kaniyang pamilya ngunit wala ang kokumpleto sa pamilya namin. We were goes to airport that time to find her but we failed. We check all the CCTV cameras but we saw on the video that she was going to ride a cab. We also find that cab and we found out that car was been car napped and the nervousness filled me." Pagtuloy niya sa kuwento kaya pala ganoon na lang ang galit ni Saxxon pagka naiisip niya na pinalitan na ni Señor si Madame Lexenia, kaya pati hindi niya itinuturing na lola si Madame Belinda.


Sabay kaming nagulat ni Señor nang bigla na lang tumunog ang cellphone at tumatawag si Lola Xenia.


"Lola?"


"Zea apo" parang may iba sa boses ni lola ngayon.


"La, bakit po iba ang boses niyo ngayon?" Tanong ko sa kabilang linya, umubo muna siya bago magsalita nag alala naman ako kaagad.


"Kailan kaba uuwi apo? Nahihirapan na ako hindi kapa dumadating" napakunot naman ako sa sinabi ni Lola. Nahihirapan?


"Lola ano pong ibig niyong sabihin?" Natatakot ako sa isasagot niya.


"Hindi pa ba sinasabi ng Mama mo sa iyo nung makalabas na ako ng ospital?" Tanong niya kaya na curious naman ako.


"Wala pa pong nasasabi sila Mama sa akin" tugon ko sa kaniyang tanong at nagulat na lang ako ng marinig ko ang hikbi niya.


"Lola..." tumingin ako kay Señor seryoso siyang nakatingin sa akin. Nakakahiya dahil tumulo na ang luha ko. Napatayo si Señor sa kaniyang kinauupuan at dinamayan ako na umupo sa couch.


"Naalala ko na Zea kung ano ang mga nangyari sa akin ngunit hindi pa lahat" umiiyak na sabi ni lola mas lumakas ang hikbi niya at mas lumuha naman ako. Si Señor ay nasa tabi ko at pilit akong dinadamayan. Nag abot siya ng tissue sa akin para punasan ang luha ko at pinunasan ko naman iyon.


"Zea binaboy ako ng tatlong lalaki ni-rape nila ako" mas lalong lumakas ang tagas ng luha ko nag sambitin iyon ni lola. Wala akong alam! Gusto ko siyang yakapin ngayon. Gusto ko nang umuwi sa kaniya. Ba-bakit nangyari sa kaniya iyon?!



"Lola hahanapin ko po sila babawi po tayo Lola" saad ko narinig ko naman ang mga singhot niya at medyo natawa.


"Hindi ko sila namukhaan lahat Zea apo. May sakloob ang mukha noon kaya minsan ay na nanaginip ako at tila hindi ako makahinga" patuloy lang ang pag iyak ko hanggang sa hindi ko namalayan na yakap na ako ni Señor.


"Lola kahit pa hindi mo sila nakita hahanapin ko sila gaganti ako para sa'yo tandaan mo iyan!" May galit na namuo sa aking dibdib. Bakit? Bakit nila 'yon ginawa kay Lola Xenia?


Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon nakita ko pag aalala ni Saxxon nang lumapit siya sa akin. Patuloy pa rin akong lumuluha nang pinatay na ni Lola ang tawag. Uuwi ako bukas na bukas.



"Bakit anong nangyari?" Tanong ni Saxxon. Hindi ko siya masagot dahil nagpo-proseso pa rin ang mga sinabi ng Lola ko. Pinag samantalahan ng mga punyetang mga lalaki na iyon. Mga hayop sila!


"'Yung Lola ko po..." hindi ko matuloy dahil sa patuloy na pag iyak.


"You need to rest first Zea hija. Saxxon hatid mo siya sa apartment niya" utos ni Señor alam niya na sa apartment lang ako nakatira dahil natanong niya sa akin iyon.


Inagaw ako ni Saxxon sa bisig ni Señor at giniya ako sa aking paglalakad dahil nawalan akong lakas dahil bunuhos ko lahat ng enerhiya ko sa pag iyak kanina.


"What happened Zea?" Usisa ulit ni Saxxon nang makasakay na kami sa elevator.


"Puwede bang umuwi muna ako sa amin kahit tatlong araw lang ang ibabakante ko?" Gusto kong makasama si Lola kahit sandali lang gusto ko siya akapin ng mahigpit. Napaka wlaang puso ang gumawa sa kaniya no'n babalik ang karma sa kaniya.


"Okay you will be with your grandma in a week" napatingin ako sa kaniya isang linggo ko makakasama si Lola.


Sa hindi inaasahang pagkakasabi niya no'n ay niyakap ko siya bilang pasasalamat.


"Salamat" sabi ko at tumugon siya sa yakap ko.


Inangat niya ang mukha para makita ko siya at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan. Tumugon naman ako sa halik na iyon. Is he comforting me with his kisses? Our lips separated when the elevator dinged and stopped.


Bukas ako uuwi sa amin excited na talaga akong umuwi. Tatapusin ko lang ang trabaho ko ngayong araw at bumabagabag pa din sa akin ang halik ni Saxxon sa elevator halos isang linggo din kaming nag iiwasan pero ngayon ay parang bumabalik na ang dati.


"Zea uuwi kana?" Tanong ni Lian sa akin tumango naman ako. Natapos ko nang maaga ang trabaho ko hindi naman masyadong toxic ang ER ngayon.


"Ikaw 'di ka paba uuwi?" Balik na tanong ko.


"May tatapusin pa ako" sabi naman niya kaya tumango na lang ulit ako nag paalam na din ako sa kaniya .


Nag iimpake na ako ngayon dahil maaga ang byahe ko bukas halos 4 na oras din bago maradating sa probinsya namin. Kinabukasan ay naghanda na ako paalis, nang nasa terminal na ako ay tumawag sa akin si Saxxon.


"Zea puwede ba kitang sunduin diyan?" Tanong niya nagulat naman ako. Paano niya ako susunduin may trabaho siya.


"'Wag na kaya ko naman pati may trabaho ka" pagtanggi ko sa alok niya.


"Hindi okay lang may mag sa-sub sa akin" saad naman niya kaya pumayag na ako. Ipapakilala ko siya kay Lola pero baka kung ano ang isipin ni Lola Xenia. Hayaan ko na lang siguro hindi naman magtatanong si lola ng harap-harapan.

CONCEALED FONDNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon