Nagkasakit kasi si Jaxxine kahapon kaya hindi ako nakapasok ngayong araw pero magaling na siya ngayon. Nag apply akong nurse dito sa aming probinsya tiniis na lang namin ang medyo mababang sahod basta may pinagkukunan kami ng pera sa aming pangangailangan. Lumaki si Jaxxine na mabait pinalaki namin siya ni Chase ng tama at masaya ako na lagi siyang nakikinig sa amin ng Papa niya.
Hindi maikakaila na kamukha niya ang Tita Luzsiana dahil halos girl version din ni Jaxxine si Saxxon. Sinasabi din ng mga nakakakita sa amin pagka namamasyal kami ay hindi daw kamukha ni Chase pero laging sinasabi ni Jaxxine sa mga tao ang papa niya daw ang kamukha niya. Miski sa akin ay walang nakuha ang anak ko lahat ay kay Saxxon.
"Papa papasok na si Mama bukas?" Rinig kong tanong ni Jaxxine sa Papa niya. Ako ay naghahanda ng aming tanghalian dahil mamaya din ay dadalaw dito sina Mama at Papa pati na din si Lola Xenia.
Sa loob ng anim na taon paunti-unti niyang naaalala ang mga nangyari sa nakaraan niya. Subalit ngayon mas marami na siyang naaalalang pangalan pero ni isa sa mga iyon ay walang pamilyar na sa akin. Nang marinig ko na ingay sa hapag ay agad ko nang dinala ang pagkain doon.
"Zea apo" humalik si Lola Xenia sa aking noo at nilagay ko na ang ulam sa lamesa. Natawa naman ako sa pagiging madaldal ni Jaxxine sa Lolo't Lola niya.
Napuno ng sigla at saya ang buong hapag dahil sa pangungulit din ni Jaxxine sa papa niya gusto niyang makarating sa siyudad. Kaya napapatingin sa akin si Chase, alam niya kung ano ang mga nangyari sa akin ngunit hindi niya alam ang tungkol kay Saxxon at sinabi ko lang sa kaniya na one nightstand lang ang nangyari sa amin ng totoong ama ni Jaxx kaya mas nagkaroon siya ng lakas na loob na panagutan niya kami ni Jaxxine. Sobrang nag papasalamat ako sa kaniya dahil sa dami-daming nangyari sa akin ag nandiyan siya para tulungan ako. Sa panahon na nagbubuntis ako kay Jaxxine ay hindi niya ako pinabayaan.
Tinanggap ni Mama at Papa at ni Lola Xenia ang pagkabuntis ko noon pero hanggang ngayon wala parin silang idea kung sino ang totoong ama ni Jaxxine. Hindi naman nila iyon laging tinatanong dahil napapansin din nila na hindi ako komportable pagkatinatanong nila ako tungkol doon.
"Jaxxine maglinis kana pagkatapos mong kumain ha." Paalala ko sa kaniya at mabilis siyang tumango.
Nang matapos kaming kumain at nagpasya si Chase na samahan si Jaxxine at sila mama naman ang nagpumilit na sila na ang magliligpit ng mga pinagkainan. Nang makita ako ni Lola Xenia na walang ginagawa ay niyaya niya akong lumabas sa hardin namin ni Chase.
"Zea lumalaki na si Jaxxine. Hindi ko pa din kilala kung sino ang totoong ama ng apo ko" napatingin ako kay Lola sa sinabi niya. Hindi ko akalaing itatanong niya iyon sa akin. Lumalaki na nga si Jaxxine at nakatago pa din ang katotoohanang magpapatunay sa tunay niyang pagkatao.
Nagpaka selfish ako para din sa anak ko at pagkasal ako sa lalaking minahal ako. Mahal ko din naman si Chase pero hindi niya napapantayan ang pagmamahal ko kay Saxxon. Binigay lahat sa akin lahat ni Chase hati kami lagi sa lahat ng bagay na pag mamay ari namin at sa pagpapalaki namin sa anak namin ay itinuring niya talagang anak si Jaxxine.
"I'm sorry Lola pero hindi ko po talaga kayang sabihin ang totoo." Hindi madali sa akin na sabihin lahat sa kaniya dahil alam kong madi-disappoint sila akin. Sasabihin ko ba na nagawa si Jaxxine sa hindi inaasahang pagkakataon. Nabuntis ako ng dati kong ka-fuck buddy ko at isa akong kabit ng ama niya.
Gusto ko munang mawala sa mundo kung aamin ako kay Lola dahil malaking kahihiyan iyon sa akin lalo na kay Jaxxine. Gusto kong protektahan ang anak ko ayaw ko siyang makuha sa akin ni Saxxon at baka din may anak na sila si Descia. Kung dumating man ang pagkakataon na mabunyag ang katotohanan aamin ako pero hinding-hindi ko hahayaan na makuha nila sa akin ang anak ko.
"Alam ko na mahirap pa din para sa'yo ipaliwanag ang lahat pero apo ilang taon na ang dumaan at sa mga dadaan pa. Balang araw ang anak mo ay magtataka at magiging mausisa tungkol sa kaniyang pagkatao dahil sa mga sinasabi sa kaniya ng ibang tao." Naiintindihan ko ang sinabi ni Lola pero hindi ko pa alam kung paano ko sisimulan at hindi pa rin ako handa. Masaya na pati kami sa piling ni Chase. He really love us like we are his everything.
Nagkayayaan na kami ni Lola pumasok sa bahay dahil naririnig na din namin ang boses ni Jaxxine na sobrang kay tinis at lakas.
"Mama ang sabi sa akin ni Papa payag na daw siyang mamasyal tayo sa Manila" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jaxxine at tumingin ako kay Chase tinaas ko ang isang kilay ko.
"Saglit lang tayo doon" sabi niya at lumapit sa akin para yakapin ako at hinalikan niya ang ulo ko.
"She deserve to see the whole city Zea I will protect you both." Tumingin siya sa akin at ngumiti. Bumuntong hininga na lang ako dahil doon.
Sumapit ang hapon ay nag paalam na din sila Mama at Papa sa akin dahil uuwi na sila sa kabilang bahay nagpaalam na din si Lola at babalik din daw siya bukas para alagaan si Jaxxine pagkatapos ng klase.
Nang dumilim na ay kumain na kami para sa aming hapunan at pagkatapos noon ay hinatid na ni Chase si Jaxxine sa kaniyang kwarto habang ako ay naglilipit ng pinagkainan. Pumunta na din ako sa kwarto namin ni Chase pagkatapos ko doon sa kusina at tumuloy na ako sa banyo para maligo.
Natapos na din ako agad nagbihis na din ako loob ng banyo. Nagsuot lang ako ng aking pajamas at tumabi na kay Chase na nakahiga na sa kama habang nagtitipa sa kaniyang laptop.
"About sa sinabi ni Jaxxine kanina. I'm sorry pinilit lang talaga ako ng anak natin" ngumiti ako at niyakap siya.
"It's okay I know she really deserve to see the world. Thank you Chase" sabi ko at hinalikan naman niya ako sa ulo.
Natahimik kami saglit at sinara niya na ang laptop niya at nilagay iyon sa side table.
"Zea I want to tell you something" tumaas ang dalawa kong kilay, naghihintay sa sasabihin niya.
Parang balisa at hindi siya komportable kung sasahihin niya ang gusto niyang sabihin. Lagi siyang ganyan sa tuwing may gusto siyang sabihin pero hindi naman niya masabi kaya lagi akong nagtataka.
"Don't say it if you can't" I chuckled and arrange the comforter on our body.
"Zea it's hard to say it because you know I don't want to leave you and Jaxxine" he explained with his hands gesturing. I furrowed when I heard that he don't want to leave us.
"Spill it Chase" I said straight to him. He sighed before he talk.
"The chairman wants to transfer me to the main hospital in Manila." I fainted on what he says.
BINABASA MO ANG
CONCEALED FONDNESS
RomanceI like him, I love him, I have feelings to him. Did he feel the same? I fell inlove on a married man that I should not did. Nevertheless, I love him, I love him so much. I would do anything just to get him, but I knew he could not love me like he lo...