Chapter 17

837 11 1
                                    



Late na ako gumising dahil sa pag iisip sa sasabihin ni Señor. Dalian akong nag ayos ng aking sarili. Nang makarating na ako sa ospital ay tumuloy na ako sa lounge. Nagulat ako nang harangan ako nila Misha kaya napahinto ako sa paglalakad.


"Bistado kana Zea nilandi mo pala si Doc Saxxon e,." Mataray niyang sabi sa akin kaya nagtawanan ang mga ibang nurse na nasa likod niya.


Hindi ko iyon pinansin at nagdire-duretso lang ako sa aking locker para ilagay ang mga gamit ko at para na rin makataas sa office ni Señor nang harangan na naman ako ni Misha.


"Matapang ka Zea akala namin hindi mo iyon magagawa painosente ka malandi ka naman!" Sambit niya kaya hindi ko na pinigilan ang sarili kong lumaban pero bago iyon may humila na sa buhok ni Misha.


"Ikaw malandi ka din!" Sigaw ni Junelle habang sinasabunutan si Misha. Nagulat ako sa ginawa niya at ni isa walang umaawat kaya kumilos na ako.


"Junelle tama na please!" Gayon ko at binitawan niya ang buhok ni Misha at pinagpag ang parehas na kamay.


"Junelle hayop kang bakla ka ha?!" Galit na sigaw ni Misha kay Junelle pero tinatarayan niya lang ito.


"Puwes mas hayop ka!" Sigaw din Junelle at hinila na ako palabas ng lounge at nagpunta kami sa tahimik na kuwarto.


"Oy bumalik kana!" Masayang banggit ko at niyakap ko siya ganoon din ang ginawa niya sa akin. Halos ilang linggo din siyang nawala dahil umuwi siya sa probinsya nila.


"Bakit galit 'yong babaeng iyon sa'yo?" Tanong niya agad naman akong nalungkot dahil parang ayaw kong sabihin sa kaniya ang mga nagawa ko.


Kinuwento ko kanya dahil kaibigan ko naman din siya. Wala nga lang ngayon si Lian dahil pagka nandito iyon ay maingay. Sa totoo lang ay sa kanila ako natuto ng mga katarantaduhan at kabastusan. Hindi ko din aakalaing magkakaroon ako ng mga kaibigan dito at salamat dahil nandito sila para kampihan ako.


"Ay shola mars! Si Doc Saxxon talaga? Sa bagay hindi naman kagandahan si Miss Descia" hinampas ko siya ng mahina sa braso dahil sa sinabi niya.


Gwapo din si Junelle kaya madami ding babaeng nurse ang nagkakagusto sa kaniya pero pinandidirian niya ito.


"Pasmado iyang bibig mo" sabi ko sa kaniya na natatawa at napangiti naman siya.


"Hay nako mga babae talaga mga lason" tinampal ko ulit ang braso niya pero tinawanan niya lang ako.


Kinamusta ko muna siya bago ako pumunta sa office ni Señor buti na lang ay hindi ako late dahil tinext ni Señor ang oras kung kailan ako pupunta doon masyado pang maaga kaya nakipag kuwentuhan muna ako kay Junelle habang nag tatrabaho kami. Parehas kaming naka assigned ngayon sa ICU dahil nga nasa kamay pa ako ni Saxxon ay hindi ako makabalik sa ER kung saan talaga ang area ko.


Dumating na ang oras na binigay ni Señor sa akin kaya tumungo na ako sa office niya. Kinakabahan akong kumatok sa opisina niya at nang magbukas iyon ay nakita ko ang mga mata nilang diretso ang tingin sa akin nagulat ako nang makita ko Descia. Kalapit siya ni Saxxon at ang mga mata ni Saxxon ay galit na naka pokus kung nasaan ako.


Iginaya ako ng sekretarya ni Señor para umupo sa couch kung nasaan din ang mga Crisostomo. Nakaporma sa labi ni Luzsiana ang kaniyang ngiti pero hindi ako bumawi sa kaniya dahil nanlilisik ang mga ng Mommy niya sa akin.


"Zea thank you for your time" sambit ni Señor kaya napatingin ang lahat sa kaniya tumango naman ako bago iyuko ang ulo ko dahil sa kahihiyan.


"Dinamay mo pa talaga siya Descia para sa kagustuhan mong makipaghiwalay sa akin" galit na sabi ni Saxxon kay Descia. Tahimik lang si Descia na tumingin sa akin at parehas kaming napalingon kay Ma'am Sinthia nang magsalita ito.


"Saxxon my son I know that Descia won't do that. It's all Zea's fault so you and Descia broke up" masungit na sambit naman ni Ma'am Sinthia sa akin habang nakataas pa ang isang kilay.


"Tita Sinthia hindi po kasalan ni Zea ako po. Ako 'yong nag utos sa kaniya na papirmahan kay Saxxon 'yong divorce paper" pagtatanggol sa akin ni Descia kaya napunta sa akin ang mga mata ni Saxxon.


"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo Descia mas maniniwala pa ako kung aamin si Zea na nilandi niya si Saxxon" giit ulit ni ma'am Sinthia habang nakatingin sa akin.


Hindi ako makapagsalita dahil sa takot na mabara ako. Ginigisa na nga ako ngayon wala akong laban sa akusa ni Ma'am Sinthia dahil kahit sabihin ang totoo lalabas at lalabas pa rin na naging kabit ako ni Saxxon. Nagkagusto ako sa kaniya kaya hindi ako tumatanggi sa mga kaluguran na nadama ko tuwing kami lang dalawa.


"She didn't flirt me mom! Sino naman ang nagsabi sa'yo niyan?" May halong inis na tanong ni Saxxon sa kaniyang ina.


"Really she didn't flirt you?" Sarkastikong tanong ng ina niya.



"Someone send me a CCTV footage that you brought her on our house and she was also flirting Ridge Pratt on their province maybe she only wants money from you." Napakunot ako ng noo sa sinabi ni Ma'am Sinthia pati sa probinsya namin may nakasunod sa akin?


Parang nag init ang gilid ng mata ko nang sabihin iyon ni Ma'am Sinthia. Hindi pera ang kailangan ko sa anak niya. Bakit ko ba kasi ito ginawa?


"Hindi ho ako mukhang pera." Pagtanggol ko sa sarili ko kaya lahat sila at napatingin sa akin. Unti-unti tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan ibagsak.


"May sakit po iyong lola ko kaya ko nagawa 'yon" sambit ko pa habang umiiyak pero nginisian lang ako ni Ma'am Sinthia.


"Aba bakit hija kulang ba ang sinusuweldo sa'yo ng ospital para manghingi ka sa apo ng may ari?" Masungit na sabat naman ni madam Belinda na kalapit ni Señor.


Nakatingin lang sa akin si Señor at ang kaniyang anak na si doc Laurence na parang gusto lang marinig ang eksplanasyon ko at hindi makisali sa issue.


"Hindi ho sa gano'n. Sa dami-dami ko pong binabayaran dito sa siyudad nagkukulang po ang padala ko sa amin. Nag try naman po akong mangutang sa mga kasamahan ko pero wala silang maibigay dahil ganoon din ang sitwasyon nila." Paliwanag ko pa habang nakatingin kay madam Belinda pero tinarayan lang ako nito.


"Kaya ba si Mr. Pratt din ba ay nilapitan mo?" Tanong pa ni Madame Belinda. Napatingin naman ako kay Saxxon na naghihintay sa isasagot ko.


Hindi ako nakasagot agad.


"Magkasama kayo ni Ridge sa probinsya niyo?" Tanong din ni Descia sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa dalawang tanong at bakit nadamay si Ridge dito?

CONCEALED FONDNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon