Chapter 27

622 15 4
                                        



"Then do you all mean that she is Lexenia Crisostomo? Who found her body on a place that I didn't know? How could be that Lola Xenia is her, your proof is not so comprehensible?" May galit sa aking tono ng sabihin ko iyon sa pagmumukha ni Saxxon. Napakarami nang napagdaanan si Lola but there's a question that I don't know if they can answer. Bakit hindi nila hinanap si Lola Xenia sa probinsya namin kung gayong napakalapit lang naman nito sa maynila?


"I can explain it to you hija" mahinhin na sabi sa akin ni Señor kaya tinignan ko siya.


"Explain to me kung bakit hindi niyo siya hinanap sa probinsya namin? Tapos nakuha niyo sa akin iyang litratong iyan tapos hindi niyo pa siya pinuntahan sa amin. Marami nang nangyari sa buhay namin halos anim na taon niyo nang hawak ang litratong iyan pero ni isang mukha sa inyo ay hindi niyo siya magawang puntahan!" Galit na buntong ko sa kanila.


"Zea..."


"She has been raped Señor!" I shouted and I heard Lola Xenia's sobs so I look at her. "Naaawa ako sa kaniya dahil nangyari sa kaniya. Lumaki akong walang lolo't lola pero noong umuwi si Papa na may kasamang matanda na halos hubo't hubad na ay nagbago ang lahat."



"Siya lang iyong lagi kong kasama pagka may trabaho ang mga magulang ko sa bayan. Siya iyong nandyan para palakasin iyong loob ko pagkabinalita sa akin ni papa na titigil ulit ako sa pag aaral. She is the reason why I sacrifies my life to work here, to find her family, to find who is behind on this" sabi ko pa hanggang sa maramdaman ko na yumakap sa akin si Chase at hinalikan ang ulo ko.


"I think this too much. Lola Xenia need to rest and also I know that your statement was still progressing on my wife's mind. We will talk clearly later pagpahingahin muna natin sila dahil galing din po sila sa byahe" paliwanag ni Chase at sumang-ayon naman sila.



"Shh.... Zea it's gonna be okay hmm..?" Pagaalo sa akin ni Chase at niyakap ulit ako.


"Doc Sacramento is your husband Nurse Zea?" Bigla tanong ni Luzsiana kaya humiwalay sa akin si Chase sa pagkakayakap. Tumingin naman silang lahat sa akin at naghihintay ng sagot lalo na si Saxxon na grabe makatingin sa aming dalawa.


"Yes."


Nanlaki naman ang mga mata ni Luzsiana at ngumuso, tumingin siya sa kapatid na wala kareak-reaksyon.


"Ahm.... Congrats" sabi ni Luzsiana at nginitian ko siya. Pumasada naman ang mga mata sa akin ni Ma'am Sinthia at nginitian ako bago sila umalis. Subalit si Saxxon ay na sa kaniyang posisyon pa rin gayong umalis na sila Señor. Hindi ko siya pinansin at umupo na lang ako sa bangkuan kalapit ng kama ni Lola.


Nang maghating gabi na ay pinauwi muna ako ni Chase sa kaniyang tinutuluyan para maglinis ng aking katawan. Hindi ako komportable pagka nagbibihis lang ako kapag galing ako sa ospital. Hindi naman sa maarte feeling ko lang ay malagkit kasi sa katawan kung hindi ako maliligo. Nang matapos naman ako ay bumalik na ako kaagad sa ospital at natanaw ko na agad sila Señor masayang kinakausap si lola.


Inayos ko ang mga dala kong pagkain para sa amin ni Lola at nang matapos ako ay tumingin si Señor sa akin na para bang hinihingi ang permiso ko.


"Okay lang po" sabi ko at ngumiti ako.


"Zea hija I want to talk to you" nagukat ako sa sinabi ni Ma'am Sinthia kaya sumunod naman ako sa kaniya. Nang tumigil siya sa isang tabi huminto na din ako.


Nakatingin lang siya sa akin na para bang sinusuri ang kabuuan ko.


"B-bakit po Ma'am?" Nahihiyang tanong kaya tumigil siya sa pagkumpiska sa akin.


"I just want to apologize to what happened years ago. Sinabi na lahat sa akin ni Descia siya ang lahat ng may pakana ng paghihiwalay nila ni Saxxon. I am very disappointed to myself dahil may mga nasabi ako sa'yo na hindi maganda. Also as a part of the family I want to thank you dahil halos nasuri na namin ang buong mundo ngunit talagang nabibigo kami sa paghahanap kay Mama noon" huminto siya sa sandaling iyon para punasan ang luha na tumulo galing sa kaniyang mata.


"Gaya nga nang sinabi mo probably there's someone behind this. Sang-ayon ako doon hija I asked our private investigator pati ang inyong probinsya ay hindi pinalagpas para hanapin doon si Mama. Gusto namin pakipagtulungan sa'yo Zea to get the justice of what Mama deserve. You said that she is a victim of rape. I remember my past when you hit that word to us because I was also a victim of rape when I was a child." She uttered and she cry even more. I hugged her just to give her a little comfort when she regain of sobriety and she thanked me.


"Ano pong puwede kong gawin para matulungan kayo?" Tanong ko sa kanila.


"Pakidala mo hija ang libro dito at kung may iba pang puwedeng maging ebidensya" napatango naman ako sa sinabi ni Doc Laurence. Siya ngayon ang na andito sa corner ni Lola bumalik muna si Señor sa kaniyang opisina pero abbalik din daw siya. Nang magpaalan si Doc Laurence ay ako na lang ang naiwan doon.


Si Chase naman ang busy ngayong araw dahil marami siyang pasyente ngayon. Tumawag din ako kina Mama para ipaalala iyong libro na dadalhin niya kinabukasan Kinamusta ko din si Jaxxine nalungkot naman ako nang malaman na matamlay ito lagi dahil gusto niya daw kaming makita. Naawa ako sa anak ko dahil parang kinukulong siya para hindi siya magkatagpo ng ama niya, sa tinhin ko ay masyado pang maaga para malaman ang katotoohanan. Magpopokus muna ako ngayon sa pagiimbestiga sa nakaraan ni Lola.


Chinecheck din siya ng psychiatrist para ma-enhance ang pagiging kalmado ng utak lalo na may tumor ito, dahil sa stress kaya daw puwedeng lumala pa ang tumor ni Lola. Lagi ko din siyang pinaalahanan na huwag munang masyadong mag isip ng mga bagay-bagay dahil kapag gumaling na siya malalaman na niya kung sino talaga siya.


Gabi na nang magkita kami ni Chase, pinapunta niya ako sa opisina niya para doon kami kumain. Si Señor ang nagpumilit na siya na daw ang babantay kay Lola matapos ko siyang pakainin, kaya siya ang kasama ni Lola ngayon. Nang matapos kaming kumain ni Chase ay nagpaalam na din siya sa akin dahil bibisitahain pa daw niya ang pasyente niya. Naiwan ako sa opisina niya at niligpit ko na din ang mga pinagkainan namin. Nagka usap naman kami ni Junelle kanina na sabay daw kaming kumain bukas.


Bigla naman bumalik ang mga alaala naming tatlo na kami ang numero unong maingay sa canteen ng ospital. Masaya lagi kaming kumakain doon pero wala na si Lian ngayon hindi siya lumaban para mabuhay. Pinagsisihan ko pa rin ang nangyari sa kaniya masakit para sa akin ang mga nangyari sa nakaraan at handa ko na ding kalimutan iyon.


Pagkatpos kong maglinis sa loob ay lumabas na ako pero nang paliko ako ay nagkadikit ang mga katawan namin. Nahulog ko ang mga papel na hawak niya lumingon siya sa akin bago niya pulutin ang mga iyon. Ako ay nakatayo pa din ay nakatingin lang sa ginagawa niya, nakakaawa. Bumuntong hininga ako bago ko siya tulungan. Kinuha ko ang ibang papel at binigay sa kaniya.


Nang maramdaman ko ang balat niya ay parang may kuryenteng bumalot sa akin. Ang mga mata niya ay nakapokus sa akin agad akong binitawan ang mga papel para ibigay sa kaniya at akmang mag lalakad paalis doon pero mabilis niyang hinakawan ang braso ko.


"Hi" buong boses na sabi niya habang ang mga mata namin ay tinititigan ang bawat isa. Para akong nabighani sa boses niya at ang amoy ay nanatili sa ilong ko. Napakapamilyar ng bawat sandali parang bumabalik ang dapat nang kalimutan at iwasan.

CONCEALED FONDNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon