Chapter 20

836 20 1
                                    



Tinakpan ko ang aking bibig para hindi nila ako marinig tumalikod na lang ako ulit at humanap ng ibang daanan para makalabas.


Sinasabi ko sa sarili ko na dapat hindi ako maapektuhan sa nakita ko dahil ganoon naman dapat ang nagyayari. I was his mistress the wife have right to do such a thing to her husband. Ayos na ako, ayos na ako kahit masakit para sa akin.


Nang marating ako sa apartment ko ay agad akong nagpalit ng damit dahil galing akong ospital bago ako humilata sa kama. Binuhos ko lahat ng luha ko sa aking unan. Gusto ko nang maging masaya pero wala akong makitang rason para pasayahin at ikontento ang sarili ko.


Sa kaunting panahon na nakasama ko si Saxxon parang ang hirap kalimutan lahat ng nangyari sa aming dalawa pero ang mga alaala na iyon ay kailangan ko nang bitawan dahil desperada na akong maging masaya ulit pero hindi na siya kasama.


Tumawag ako kay Junelle kinabukasan at sabi niya ay tatawagan na lang daw niya ako pagkaumalis ang magulang ni Lian dahil ayaw daw akong makita. Nakiusap ako sa kaniya na kami sagalit lang ay gusto kong makita si Lian. Ang sabi niya ay gagawa daw siya ng paraan.


Ito na lang ang hihilingin ko, sa pagsulat ko ng aking letra ay sana ito na ang simula ng pagsisimula kong muli.


Itong nararamdaman kong hindi kayang ibigkas ng aking bibig dahil natatakot ako sa magiging sagot ay dadalhin ko sa pagdating panahon. Sa bawat oras na kasama ko siya nasa kalayaan ako. Nagpapasalamat ako dahil naramdaman ko ang kaniyang pagmamahal kahit hindi niya bigkasin at halos walang kahulugan.


Tumawag na sa akin si Junelle at puwede na daw akong pumunta kaya dali-dali kong dinala ang gamit ko at tumungo sa ospital.


Pumasok ako sa kuwarto ni Lian, nasa labas si Junelle para tignan kung dadating na ang parents ni Lian kaya may lakas loob akong nagpaalam kay Lian. Alam kong maririnig niya ako at gusto ko ding magpasalamat sa kaniya.


"Lian gigising ka ha? May ipapakilala ko sa'yo pagka ginawa mo iyon. Salamat kasi naging mabuti kang kaibigan sa akin. Kulang pa ang pasasalamat sa mga bagay na ginawa mo sa akin. Aalis na ako Lian alagaan mong mabuti si Junelle kasi iyakin siya" natawa naman ako sa sinabi ko habang maingat na hinihimas ang kaniyang benda sa ulo at hinalikan ito bago umalis.


Nang lumabas ako ay niyakap ko si Junelle nagtaka naman ang bakla sa ginawa ko.


"Mahal na mahal ko kayo ni Lian. Hintayin niyo akong dalawa babalik ako. Magba-bonding pa tayong tatlo mag iingat kayo" naiiyak na sambit ko bago ako bumitaw sa yakap ko sa kaniya.


Naglakad ako patungo sa elevator at sumakay doon. Ngumiti ako sa kinaroroonan ni Junelle habang nakatingin siya sa akin at sabay ng maliit na bukas ng pinto ng elevator ay dunating ang mga magulang ni Lian.


Bumuntong hininga ako bago ako lumabas ng elevator nang makalapag na ito sa palapag na kailangan kong babaan. Nasa floor ako kung nasaan ang opisina ni Señor.


Nakita ko na wala ang sekretarya niya sa labas kaya inipit ko na lang ang sobre sa door knob noon at mabilis na umalis at sa huling punta ko sa opisina ni Saxxon nakita ko na walang tao doon sa front desks sa labas ng opisina.


Sumilip naman ako sa glass wall kung saan kita kung may tao sa loob at nakita ko na walang tao doon kaya maingat akong pumasok at nilagay ang kahon sa kaniyang lamesa. Naiyak ako nang ito na ang huling tungtong ko sa ospital na ito. Bago ako umalis ay pumunta ako sa rooftop ng ospital.


Masyadong nang maraming nangyari at sa pag alis ko ay madami pang magbabago. Ang aking hiling ay maging ligaya na ang lahat. Maging maayos ang dating nasira at maging malinis ang dating madumi.


Ngumiti ako sa at langit lang ang nakasilay noon. Sana ay sapat na ito para maging mapayapa na ang lahat at sana mapalaya na din ako ng aking magiging nakaraan. Napahawak ako sa aking tiyan at tumingin doon at ngumiti.


"Ikaw ang magiging ligaya ko. Kahit kulang ang taong dapat nandiyan para sa'yo sana ay maging sapat ako para makontento kana sa buhay na gusto kong matamasa mo anak. Mahirap na kung babalikan pa natin ang nakaraan kung puwede naman tayong gumawa ng sariling atin. Anak kahit alam kong hindi ka pa buo sa sinapupunan ko mahal na mahal kita. Miski na ang nararamdaman ko pa din sa ama mo ay nakatago ay isinantabi ko para sa kapakanan mo. Ikaw ang ligaya ko anak."


Isang huling sulyap sa kabuuan ng ospital ay isang matiwasay na pagpapaalam kahit hindi ko nabuo ang isang tao na nandyan ako. Madami akong natutunan at marami pa ako matutunan lalo na ngayong magkaka anak na kami ni Saxxon. Hinihiling ko ay maging maayos na ang lahat sa pagtuklas at pagbuo ng bagong alaala.


I concealed my fondness to Saxxon because I won't be able to forget the past and make a new life and memories to my future. My feelings for him won't be change but I will put it aside of my heart.


"Jaxxine Dominique!" Sigaw ko sa aking 6 na taong gulang na anak na pinaglalaruan ang tubig at ibinubuhos sa akin.


Tumakbo ako sa puwesto niya para hulihin pero tumakbo siya ng mabilis at biglang na lang napaupo sa lupa dahil sa pagkaka untog niya sa taong kaharap niya dahil hindi niya nakita dahil nakatingin siya sa akin habang tumatakbo.


Napahawak siya sa noo niya dahil doon at ako naman ay tumatawa na lumapit sa kaniya.


"Bakit ba kasi kayo naghahabulan" sabi niya agad binuhat si Jaxxine at hinalikan ang noo.


"Kasi binabasa niya ako kaya hinabol ko siya" sagot ko naman.


"Papa masakit dito" turo ng anak ko sa noo niya hinalikan naman iyon ng asawa ko.


"Sorry na anak ko. Hindi kasi kita nakita ang liit mo kasi" natawa naman ako sa sinabi niya.


"Bakit ang aga mo ngayon?" Tanong ko at hinalikan niya ako sa pisngi pati si Jaxxine.


"Nakakatamad magtrabaho kapag hindi kita nakikita doon" napanguso ako sa sinabi niya at kinurot niya ang pisngi ko.


"Magaling na si Jaxxine kaya papasok na ako bukas eto naman" sambit ko pa at sabay na kaming pumasok sa bahay namin.


4 na taon na kami kasal ni Chase nakilala ko siya sa ospital dito sa probinsya namin. Isa din siyang doktor. Pinanagutan niya ang pinagbubuntis ko noon kaya pinakasalan niya ako. Nagkagusto siya sa akin at nagkagusto din ako sa kaniya dahil sa kabutihan na ginawa niyang pag aalaga sa akin noong buntis pa ako. Noong 1 year old si Jaxxine nagproposed siya sa akin.


Kahit ganoon man, ang nakaraan at nanalantay pa din sa akin.

CONCEALED FONDNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon