Chapter 35

557 12 0
                                    



"Tita and Tito will stay here for now and I will leave the country tomorrow. Kung may kailangan kayo ni Jaxx just call me. Tungkol doon sa imbestigasyon inaasikaso ko na din iyon at isesend ko na lang sa'yo ang iba pang impormasyon" tumango ako sa sinabi ni Dev at humalik na siya sa tulog na si Jaxxine na nasa aking balikat.



Uuwi na muna kami sa bahay para magpahinga. Hindi ko pa alam kung kailan kami babalik ni Jaxxine sa Manila dahil kailangan na din niyang pumasok pero alam kong hindi pa niya kaya. Kailangan ko ding muna mas bantayan si Jaxx lalo na ngayong wala na akong kapalitan. Kailangan ko ding magpakakatatag para sa aming mag ina na pagpapatuloy ang buhay kahit wala na ang isa.



Dito ko na lang gagamutin ang mga sugat niya na unti-unti ng natutuyo. Alam kong masyado pagsariwa ang mga nangyari pero sa pinapakita ng anak ko sa akin ay ine-encourage niya akong bumangon ulit.


Kinaumagahan ay ginising ko na si Jaxxine matapos akong magluto ng aming almusal. Nakakapanibago ang araw na ito dahil kami na lang dalawa ni Jaxxine. Wala iyong manghahalik sa amin araw-araw. Chase presence was left in our house, his memories, his smiles, his kisses, his voice I miss it already.



"Good Morning baby" sabi ko sa kaniya habang nagkukusot siya ng mata paupo sa bangko.


"I miss Papa" bigla na lang niyang sabi habang niallaagyan ko ng waffle ang plato niya.



Hinalikan ko siya sa pisngi at sa kaniyang sentido. "I miss him too anak."



Nang matapos na kaming kumaing mag ina ay naghanda na din kami para pumasok. Bago ko siya ihatid sa school ay dumaan muna kami sa bahay nila Mama para ihatid ang gamit ni Jaxxine ako din nag magsusundo kay Jaxxine pagkatapos ang klase niya at babalik na lang ulit sa ospital pagkasundo sa kaniya. Nakarating na din kami sa knaiyang eskwelahan at hinatid ko na din siya sa kaniyang room. As usual binababa muna niya ang bag niya sa bangkuan niya bago siya magpaalam sa akin.



"Be good girl ha? I love you" mahinang sabi ko kaniya pero hindi siya nakatingin sa akin. Napalingon ako sa punong tinitignan niya. Napakunot ang noo ko nang wala naman akong nakita na kahit ano. Bumalik din ang tingin niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.



"Bye Mama I love you" sabi niya at kinawayan pa ako ng kaniyang maliit na kamay habang ako ay naglalakad na papalis. Nakita ko siya na pumasok na sa kaniyang room kaya sumakay na din ako sa sasakyan at pinaandar ito papuntang ospital.



Nang makarating ako ang lahat ng tao ay inihayag ang kanilang pakikiramay. Tumango lamang ako sa kanila at pumunta na ako sa designated area ko.



Toxic ang ER ngayong araw kaya muntik ko nang makalimutang sunduin si Jaxxine nagpaalam muna ako kay Maddy para iwan sa kaniya ang trabaho ko. Kalaunan ay nakarating na din ako sa eskwelahan at pumasok na ako doon.



Habang naglalakad ako papuntang room ni Jaxxine tanaw ko na kakaunting bata na lang ang lumalabas doon at karamihan ay magulang na lang ang naglilinis ng room. Sinilip ko ang loob ngunit hindi ko makita si Jaxx.



"Miss nakita niyo po ba iyong batang medyo kulot na mataba ang pisngi?" tanong ko sa magulang na nagwawalis ng sahig.


"Ay hindi ko po baga alam Ma'am kasi kanina na nagsi alisan ang mga bata e, baka po nandyan lang sa palaruan" tumango naman ako sa nanay at nagpasalamat. Naglakad ako papuntang likod ng eskwelahan kung saan nandoon ang palaruan. Tinignan ko ang duyan at slide wala naman doon si Jaxx.


"Hi bata nakita mo ba iyong batang kulot tas' mataba ang pisngi?" Tanong ko sa batang nagduduyan.


"Si Jaxxine Dominique po ba?" Tanong ng batang babae napatango naman ako.


"May kasama po siya kanina e, lalaki po" napakunot naman ang noo ko sa sinabi ng bata. Naglakad ako papaalis doon at napansin ko na iilan na lang ang tao sa harap ng school. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para tawag si Luzsiana buti na lang ay binigay niya sa akin ang number niya no'ng nakaraan. Nang nagri-ring ang cellphone ay nabigla na lang ako nang may nagtakip ng tela sa ulo ko at binuhat ako.



Winawasiwas ko ang mga paa ko at ang mga siko ko pero malakas ang nagbubuhat sa akin. Pinipilit ko ding sumigaw pero may parang tela nakaharang sa bibig ko. Pinasok nila ako sa isang van nakita ko ang loob nang may magtanggal ng tela sa ulo ko. Kinabahan ako ng malala nang makita ko si Jaxxine sa loob natutulog, agad ko siyang nilapitan at kinandong sa akin. Tumingin ako sa mga lalaking nasa likod.


"Anong kailangan niyo sa amin?! Sino kayo? Saan ninyo kami dadalhin?!" Galit na sigaw ko sa isang lalaki pero hindi niya ako pinansin. Tumayo ako para lumabas nang itulak ako nang lalaking nasa harap ko kaya napaupo ulit ako sa kinauupuan ko.



"Huwag ka na lang magulo diyan Miss baka kung mapaano pa kayo ng anak mo. Pupunta tayo kay Boss kaya manahimik ka na lang" saad ng lalaki kaya napaisip naman ako kung sinong Boss iyong ginagayon niya.


"Lintek! Sino ba 'yang boss mo ha?! Pababain niyo na po kami please." Naiiyak na pagmamakaawa ko. Napaigtad ako nang may humawak sa puwet ko.


"Ang sarap mo naman Miss ire-request kita kay Boss para matikman kita" dumidila pang sambit nang isa likod matapos akong hipuan.



"Gago ka! Sino ba kayo? Tangina pababain niyo kami!" Sigaw ko pa pero tinatawanan lang nila ako. Napatingin ako sa anak ko at napaluha ialang sandali na lang ay umandar ang sinasakyan namin.


Anong bang nagyayari? Bakit kami dinakip ng mga ito? At sino may pakanan nito? Tumingin ako sa lalaking nakatingin lang sa bintana at nakita ko ang cellphone ko sa tabi niya.



Dahan-dahan ko ito kinuha at nang timungin siya sa akin ay napansin niya na hawak ko ang cellphone kaya agad niyang kinuha ito. Ginamit ko ang lakas ko para itulak siya ngunit talagang mas malakas siya. Umaandar ang sasakyan kaya gumegewang-gewang siyang nakatayo sa harap ko.


Sinipa ko ang paa niya kaya agad siyang napa aray. Ang mga lalaki naman sa likod ko ay pinipigilan ako sa balikat ko siniko ko ang mga kamay nila para maalis doon. Samantala ang lalaking nasinipa ko kanina ay muling naka recover sa sakit ng pagkakasipa ko at bigla na lang akong sinampal ng malakas kaya nanlambot ako at namanhid ang mukha ko pati ang katawan dahil sa pagod makawala sa mga hayop na 'to. Ilang sandali lang ay unti-unti na ding bumababa ang mga talukap ng mga mata ko at nandilim na buong paligid.


Masakit ang kanang pisngi ko nang magising ako. Unti-unti ko ding namulat ang mga mata ko hanggang nakita ko si Jaxx na umiiyak sa harap ko. Nagbadya akong lapitan siya ngunit may tali ang mga paa ko gayundi pati ang mga kamay ko, pati din si Jaxx ay nakatali habang umiiyak. Naawa ko sa kaniya ngayon hindi pa siya nakakarecover sa mga nangyari sa Papa niya ngayon naman ay kaming dalawa.


"Mama" umiiyak na tawag niya sa akin. Pinilipit kong kumawala sa pagkakatali ngunit masyado itong mahigpit. Lumingon ako sa bintana at nakita ko na madilim na sa labas. Hindi rin pamilyar ang gubat na ito sa akin.


"Pakawalan niyo na kami!" Sigaw ko ngunti walang pumapasok sa kwarto kung nasaan kaming mag ina.


"Mama" tawag ulit sa akin ni Jaxx kaya nilingon ko siya.


"Baby I am sorry hihingi tayo ng tulong. Makakaalis tayo dito" pagpapalakas ko ng loob niya napatango naman siya sa sinabi ko.


"Tulong! Tulungan niyo kami! Tulong po!" Sigaw ko pa at napaluha na ako dahil sa pag iyak ng malakas ni Jaxx.


"Baby konti na lang" umiiyak na sabi ko sa kaniya pero umiiyak pa din siya.


"Tulong!" Mas malakas na sigaw ko kaya nagulat na lang ako nang bumukas ang pinto at pumasok siya.

CONCEALED FONDNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon