Chapter 25

669 20 4
                                    



"Baby I am sorry but Papa need to go now" paalam ni Chase.


"Okay Papa I love you I miss you" bigkas ni Jaxxine at sumagot ulit si Chase.


"I miss and I love you too. Zea?"



Bumalik ulit ako sa wisyo nang tawagin ni Chase ang pangalan ko napatingin ako kay Jaxxine na inaabot sa akin ang cellphone.


"Ye-yeah?" Kinakabahan ako.


"I love you" sabi ni Chase para naman akong napipi sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung sasagutin ko iyon.


"I-I love you t-too" sabi ko at binaba na niya ang tawag.


Wala akong pasok ngayon dahil nag day off ako so I spend my whole day with Jaxxine wala din siyang pasok ngayon kasi sabado. Nang makapasok kami sa bahay ay agad kong nilinisan si Jaxxine. Wala si lola Xenia dito dahil nasa kabilang bahay siya ngayon doon din kami matutulog ni Jaxxine kaya pagakatapos ko siyang linisan ay kumuha ako ng pantulog naming dalawa.


Pumunta na kami sa kabila at nakita ko si Mama na may ginagawa sa bakuran. Si Lola naman ay naka upo sa tumba-tumba tila ay parang matamlay siya ngayon kaya lumapit ako sa kaniya nang maibaba ko na ang dala ko. Si Jaxxine ay tumakbo sa kaniyang Lola na nasa bakuran.


"Lola ayos ka lang ho ba?" Tanong ko at hinakawan ang noo niya. Mainit siya kaya kinuha ko ang pang BP para i-check siya. Masyadong mataas ang blood pressure niya at nang kinuha ko naman ang thermometer ay halos mataas ang temperatura niya kaya tinawag ko sila Mama.


"Bakit anak?" Balisang tanong ni Mama nang makapasok ng bahay. Inakay ko na si Lola para maisakay sa kotse at tinulungan naman ako ni Mama. Tumingin ako kay Jaxxine at pinindot ko ang susi ko para mabuksan ang pinto. Mabilis na tinakbo iyon ni Jaxx at binuksan ang pinto ng backseat ng kotse.


Iginaya ko si Lola papasok at tila may binubulong siya sa akin pero wala akong maintindihan dahil parang huni lang ito. Sumakay na din sila Mama at Jaxxine kaya inistart ko na ang kotse para tumungo sa ospital.


Nang makarating kami ay agad kami sinalubong ng mga nurse at inalalayan ibaba si Lola sa kotse agad din siyang isinakay sa wheel chair. Halos namumutla na si Lola kaya namumuo na ang luha ko pero pinipigilan ko dahil pagka nagkita ako ni Jaxxine na umiiyak ay iyak na din siya.


"Nurse Zea maghintay na lang po kayo dito kami na po ang bahala" sabi sa akin ng isang aatending kaya nag stay kami sa waiting area. Kinalong ko Jaxxine dahil din masyadong maraming tao sa ospital ngayon.


Halos mag iisang oras din ang lumipas ng aming paghihintay nang lumapit sa amin ang isang doktor na nag accommodate kay Lola ay napatayo ako sa pagkakaupo.


"Ano pong nangyari Doc?" Nagaalalang tanong ko. Halata sa doktor na ayaw nag aalinlangan siyang sabihin ang lagay ni Lola.


"Nurse Zea ayon sa findings ng radiologists na kumuha ng MRI ng patient they saw a malignant tumor on her brain." He explained I took a deep breath and I feel my eyes become watery.


"Also we suggested that she needs to transfer to other hospital. Mas okay kung sa maynila and balita ko na doon nag transfer si Doc Sacramento that's your biggest advantage now. Mas maayos ang facility ng ZLC Medical and I knew someone who can treat her. He is a famous brain surgeon" I knew the person who he trying to recommend to me. "Still that operation is complicated considering her age."


I looked at Jaxxine she was quietly listening on what the doctor says. How could I protect her if what I fear what happen is approaching our fate. Ang kalusugan din ni Lola ang kailangan kong panatilihin. Now I am choosing a hardest choices between Jaxxine's protection and Lola Xenia's health. Should I just accept that someday Saxxon will know about Jaxxine?


Tinawagan ko si Chase para sabihin ang nangyari. Binabantayan nila Mama at Papa kasama nila si Jaxxine sa kwarto ni Lola. Sinagot na ni Chase ang tawag ko.


"Chase"


"Hey how are you?" He softly asked and I pressed my lips to stop my tears to drop.


"Chase si Lola..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko nang hindi ko na napigilan ang luha ko.


I swallowed before I continue. "She has brain tumor Chase and needs to transfer there."



Tumingala ako at pinahid ko ang aking nga luha na lumandas sa aking pisngi.


"Everything will be okay Zea relax I will take care of everything" sabi niya at marami pa kaming pinag usapan para sa pagpapagamot kay Lola. Ililipat na si Lola Xenia bukas at umuwi na muna kami ni Jaxxine para makapag pahinga na kami. Nagpaiwan na doon sila Mama at Papa para mabantayan si Lola bukas ay ako naman ang papalit dahil kasama ako sa paghahatid kay Lola bukas din sa siyudad para ipagamot doon. Hindi ko muna isasama si Jaxxine dahil may pasok pa siya. Malapit na rin naman ang sem-break nila kaya doon ko na lang siya papayagang sumama. Kinabukasan ay naghanda na ako ng mga dadalhing gamit namin ni Lola.


Umuwi pala si Papa kagabi kaya may magbabantay ngayon kay Jaxxine. Pagkatapos kong mag ayos at ihanda ay nagpaalam na ako kay Papa para makaalis na ako. Humalik ako sa noo ng aking anak habang mahimbing ang tulog nito.



Sumakay na ako sa kotse at pinaandar na ito. Si Mama ay uuwi na din pagka alis namin ni Lola sa ospital. Isinakay si Lola sa ambulansya at ako naman ay nakasunod lang sa likod nito agad na rin kaming lumarga. Nang nasa boundary na kami ay agad akong naka ramdam ng nginig para akong maiihi dahil sa kaba. Hindi pa ako handa para makita ko siya ulit. Sa nakalipas na taon wala na rin akong naging balita kayna Junelle at Lian kaya maybahid din sa akin ng tuwa dahil makikita ko ulit sila. Nawalan kami ng komunikasyon ni Junelle ng aksidenteng mawala ko ang sim card ko noon dahil nga hindi din ako tinigilan ni Saxxon na contact-kin ako.


Nang huminto na kami sa ospital ay agad akong nakaramdam ng takot parang ayokong bumaba ng kotse nang makakita ako ng mga pamilyar na mukha sa labas at tila ba ay naghinhintay sa amin, sa tingin ko ay ito ang grupo ni Chase dahil nakita ko din siya na kinakausap ang doktor na kasama namin.



Nakita ko na binuksan na nila ang pinto ng sasakyan para ilabas si Lola. Nakita ko na tumingin sa sasakyan si Chase kaya huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Inayos ko din ang akong sarili. Nakasuot lang ako ng puti na v-neck shirt at itim na leggings. Sinuot ko na din ang aking shoulder bag na itim bago lumabas ng sasakyan.


Nang makababa ako ay agad naglakad para lumapit kay Chase at yakapin siya. Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang aking braso hindi ako handa nang bigla niya ang halikan sa labi. Mabilis lamang iyon at sa hindi ko inaasahan na paghihiwalay ng aming mga labi ay nagkasalubong ang aming mga mata sa lalaking nasa likod ni Chase.


Naistatwa ako sa aking puwesto parang hindi ako makahinga dahil sa mga tinginan niya sa akin. Halos madaming nagbago sa kaniyang postura parang mas lumaki ang kaniyang katawan. Tinignan ako ang kaniyang kabuuan at napahinto ako sa nakalagay sa pulsuhan niya. Nakasuot doon ang bracelet na nakalagay sa iniwan kong kahon sa kaniyang lamesa noon.

CONCEALED FONDNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon