Chapter 11

873 11 1
                                        



"Zea apo ko!" Pagkababa ko palang sa tricycle na sinakyan ko ay nakita na agad ako ni Lola Xenia. Lagi kasing siyang nagdidilig ng halaman sa umaga. Binitawan ko ang aking dalang bag para siya ay yakapin ng mahigpit.


Mabilis isang yumakap sa akin at hindi na namin mapigilan umiyak. Halos lahat ng sinabi niya sa telepono nung isang araw ay hindi mo makalimutan gusto ko na marinig ang mga naaalala niya sa gayong mahahanap ko ang mga hayop na gumahasa sa kaniya.



"Lola...." umiiyak na sabi ko habang ang baba ko ay naka patong sa balikat niya. Hinimas-himas ko din ang likod niya dahil sobra ang emosyon na nanalantay sa kaniya.


"Miss na miss na kita sobra Olezea ko" humiwalay na kami sa aming yakapan at kinuha ko na din ang bag ko na nasa lupa.


Pumasok kami sa bahay ay nakita ko si Mama na naghahanda ng umagahan. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Ganoon din ang ginawa ni Papa nung makababa siya ng hagdan dahil tinawag siya si Mama.


"Zea anak miss kana namin" sabi ni Mama at niyakap ako ng mahigpit. Naalala ko pa noong aalis pa lang ako dito ang mga alaala na masasaya kami at ang tawa namin ang bumabalot sa bahay na ito ay dala ko nung ako'y magpasyang magtrabaho sa siyudad.



Nagkuwentuhan kami habang kumakain at nang matapos kami ay pinagpahinga ako nila lola. Subalit hindi ako kontento na makapagpahinga lang ako kaya inayos ko muna ang gamit ko sa kuwarto ko. Malinis parin ito dahil sabi ni mama minsan daw ay dito natutulog si Lola Xenia kaya nalilinis niya. Kinuha ko ay picture frame na ang laman ay picture naming apat nung graduation ko nung college sobrang nakakamiss ang mga oras na ito.


Napansin ko din ang litrato namin ni Lola Xenia nung highschool pa lamang ako. Masyado pa akong bata doon kaya bine-baby ako lagi ni Lola at lagi niya akong sinasabihan na 'wag munang mag boyfriend kaya marami na din akong na-basted noon. Dahil parang may lahi daw akong amerikano dahil sa aking itsura minsan ay sinasabi nila na kamukha ko daw si Mackenzie Foy, hindi ko naman iyon kilala. Sa totoo lang si Mama ang may lahing amerikano pero sa ampunan siya lumaki.



Kumuha ako ng litrato namin apat at nilagay sa wallet ko hindi kasi ako nakapagdala noon. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ako ay pumunta ako sa kuwarto ni Lola may binabasa siya noong pumasok ako. Nawala ang kaniyang atensyon sa libro no'ng makapasok ako.


"Oh akala ko ay nagpapahinga kana" hindi ko pinansin ang sinabi niya at tumabi ako sa tabi niya sa kama at niyakap siya.


"Hindi ba sabi ko sayo Lola ikaw ang pahinga ko" nakapikit na sabi ko sa kaniya at hinihimas naman niya ang braso ko at naramdaman ko na hinalikan niya ang sa ulo. Iba talaga ang agala ng mga lola.

Napaka suwerte kung sino man ang apo ni Lola Xenia. Ako kasi ay bata pa lamang ako ay wala nang mga magulang sina Mama at Papa kaya no'ng dumating sa amin si Lola Xenia nadama ni Papa at Mama ang alaga ni Lola pagka may hindi sila pagkakaintindihan natatandaan ko pa noon na pinapakinggan ni Lola ang kanilang rason.


"Medyo madami na akong nalala Zea" tumingala ako ng kaunti para makita ang mukha niya.


"Huwag niyo po masyadong pilitin ha? Maaalala niyo rin po lahat" saad ko naman at tumango siya. Napansin ko ang libro na naka pating sa hita niya at tinignan ko iyon.


Napakunot ang noo ko nang may nakita akong tuldok at may parang dash na nakasulat sa unang pahina ng libro.


• - • • • - • • - • - • • • • -


Parang code na ewan. Magtatanong sana ako kay Lola pero nagsalita siya.


"Morse code daw iyan sabi ni Marlon 'yong kapitbahay nating pulis" sabi ni lola napatango-tango naman ako.


"Ano daw po ang ibig-sabihin ng mga tuldok at dash na ito?" Tanong ko.


"Lexenia" sabi ni Lola napaisip naman ako parang narinig ko na 'yong pangalan na iyon.


"Lola saan niyo po ba nakuha itong libro?"


"Sa lugar na naalala ko kung saan ako pinagsamantalahan" naiiyak na sabi niya kaya mas niyakap ko siya. Ayoko nang marinig muli ang napagdaan niyang ganiyan. Sabi din kasi ni Mama sa akin nagkaroon din si Lola nang trauma.


Dahil sa kuryosidad binuklat ko ulit ang sumunod na pahina may tatlong letra ang nakasulat doon.


L . M . C


"Hindi ko pa alam kung ano naman ang ibig-sabihin niyan. Nagpatulong na din ako kay Marlon para matukoy kung ano ang buong meaning niyan lahat kaya nabuksan ulit ang kaso ko."


Nakaraang taon ay pinatigil ni Lola Xenia ang kaso dahil wala namang nangyayari dahil kulang sa ebidensya at motibo. Wala ding naka saksi sa nagyari sa kaniya at wala ding bisa dahil wala siyang maalala kundi pangalan niya lang.


Maraming Xenia na pangalan kaya mas lalo kaming nahirapan. Sa ngayon daw ay hinihintay na alng daw niya ang report nung pulis na pinaghingan niya ng tulong kaya mas nanalig ang kaniya paniniwala na malalaman niya rin ang nangyari noon.


Sa sumunod na araw ay sumama ako kay lola na pumuntang palengke at sa hapon naman ay sasamahan ko siyang magpa check sa ospital.


"Oh Zea nakauwi kana pala" maraming nakakakilala sa akin dito sa amin pero ako ay hindi sila kilala kaya ngumingiti na lang ako.


"Sabi sayo e, 'wag ka nang sumama sa palengke ayan tuloy pawisan kana" suway ni Lola nang makasakay na kami sa tricycle at pinunas-punasan pa akong ng dala niyang bimpo.


"Lola hindi na po ako bata" sabi ko na natatawa at naki tawa na rin siya. Naligo muna ako bago ako bumaba para kumain. Nagsuot lang ako ng maong na short at fitted na shirt pagkatapos noon ay bumaba na din ako dahil narinig ko na din ang tawag ni mama sa akin.


Kumain na kami ng tanghalian pagkatapos noon ay nakatanggap ako ng tawag kay Lian at kinakamusta ako. Naiinggit daw siya sa akin dahil nakauwi na ako sa probinsya samantalang siya ay hindi.


Nang dumating na ang hapon ay lumarga na kami ni lola papuntang ospital. Nang marating na kami ay umupo muna kami sa waiting area dahil tinatawag daw ang pangalan ng mga magpapa check-up. Pagkatapos kasi nito ay dadaan naman kami sa psychologist ni lola para sa kaniyang weekly check-up at nagte-theraphy na din si lola nung nagpadala ako ng pera dahil iyon ang isinuggest ng doktor nung dalhin siya sa ospital.


Pumasok na kami sa room na kung saan magaganap ang check-up. Natapos din agad mineasure ang blood pressure ni lola at nagtanong naman ang doktor sa kaniyang nararamdaman at ang sabi ng doktor ay lahat naman ay normal basta daw ay laging i-maintain ni lola ang pagkain ng masusustansya.


"Ang pogi ni doc no?" Nagulat naman ako sa tanong ni lola kumekerengkeng pa nga! "Dapat ganoon ang pamangasawa mo doktor para kahit ganoon ay nakakaintindihan kayo sa oras dahil ang oras din ang minsang dahilan kung bakit nasisira ang relasyon, kung mag aasawa ka ng doktor edi alam mo kung ano ang pinagbi-busy-han niya."


Natauhan naman ako sa sinabi ni lola. Doktor ang mahal ko lola pero hindi niya ako mahal e,.


Nakarating na din kami sa clinic kung saan siya nagpapa check-up para ma-stabilize ang kaniyang mental health. Tumungo muna kami sa front desk para magtanong kung nandoon ang doktor ni lola pinaupo ko muna si lola sa bangkuan. Malayo kasi ang puwesto ng lamesa ng receptionist sa entrance.


Magtanong na sana ako nang magkasalubong ang tingin namin ng lalaking papalabas. Bakit siya nandito?


>

CONCEALED FONDNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon