Chapter 22

645 12 0
                                    



Nanlamig ako sa sinabi niya. Iyon ba iyong matagal na niyang hindi niya kayang sabihin sa akin? Naiintindihan ko naman pero bakit siya nag aalinlangan na sabihin pa niya sa akin. I am his wife of course I will understand that at alam ko namang hindi iyon magiging dahilan para makilala ni Saxxon si Jaxxine.


"Paano mo sasabihin iyan kay Jaxxine?" Natanong ko dahil no'ng una ay grabe ang iyak ni Jaxxine noong umalis siya para pumunta sa America para sa kanilang conference. Hindi niya kayang wala ang papa niya dito sa bahay kaya puwede siyang ipaliwanag ito kay Jaxxine.


"I don't know how. Can you help me?" He begged and he squeezed his body on me.


"Okay I will help you" sagot ko kaya napatingin siya akin ng may ngiti sa aking labi nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin para halikan ang mga labi ko pumikit ako para damdamin ang sarap noon.


Naramdaman ko ang labi niya sa akin kaya tumugon ako. Sa bawat oras na kasama ko siya never kong maramdaman na nag iisa lang ako sa bawat paglutas ng aking mga problema. Tinulungan niya akong makalimutan ang lungkot na nadama ko noon, sa ngiti lang niya ay nagbibigay ngiti sa aking puso.


Dama ko ang pag init ng aking katawan sa bawat paghalik niya sa aking labi hanggang ang mga labi niya ay napunta na sa aking leeg pababa sa aking dibdib. Subalit tumigil siya doon kaya unti-unti akong dumilat at tumingin ako sa kaniya.


"I can't do it. I respect you Zea my wife" sambit niya at dinampi niya ang muli ang labi niya sa akin ng mabilisan kaya natawa ako at umayos siya ng higa at tumingin sa kisame. Gumaya naman ako sa kaniya kaya natawa siya.


"I remember that we did this thing when you are pregnant to Jaxxine" pagpapaalala niya sa ginagawa naming pagtitig sa kisame tuwing nakahiga kami sa kama.


Never namin gawin 'yon dahil nga nirerespeto niya ako at alam kong nararamdaman niya na mahal ko ang ama ni Jaxx na hindi pa ako nakakalimot sa nakaraan. Sa totoo lang iba ang pakiramdam pagka may asawa kana iyong ayaw mo siyang iwan pero may gusto kang balikan parang nakakarelate tuloy ako sa Saxxon.


Malulungkot ako kung mangyaring hindi ko siya piliin. Naaalala ko pa noong buntis ako kay Jaxxine siya lagi ang bumibili ng mga pagkain na gusto ko at lagi siyang napupuyat dahil gusto kong mag long drive sa malapit sa talon noong baby pa si Jaxxine. Iyong pagmamahal ko kay Saxxon ibang iba sa pagmamahal ko sa asawa ko. Iyong pagmamahal na ayaw mong mawala sa kaniya. Chase is my new happiness, he give me a unique satisfaction that could erase the sadness that I felt in my past.


"I love you Chase" sabi ko sabay tingin sa kaniya. Tumingin din siya sa akin at ngumiti bago ito iiwas sa akin.


"I love you Zea" sabi niya din pero hindi siya nakatingin sa akin. Nadismaya ako doon laging ganoon ang ginagawa niya.


Kinabukasan ay maaga kaming naghanda ni Chase para sa pagpasok naming tatlo. Binibihisan niya si Jaxxine habang ako ay inaayos ang baon niya. Nang bumaba siya ay naghanda na kaming umalis. Sumakay kami sa kotse ni Chase para ihatid muna si Jaxxine sa school niya. She is grade 1 now. Ang bilis talaga ng panahon. Dati nangkukulit pa siya no'ng 3 taong gulang palang siya gusto na daw niya pumasok sa school. Lagi siyang umiiyak pagka sinasabi naming hindi pa puwede kasi baby pa siya.

CONCEALED FONDNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon