Nag aayos ako ng aking sarili nang tawagin ako ng isa sa mga co-nurse ko. Pinapatawag ako ni Doc Saxxon, agad naman ako pumunta sa nasabing lugar kung saan ko siya sasalubungin. He is in the physch ward in the 5th floor of the hospital. I saw him checking some papers in the front of nurse station. Nawala ang tingin niya sa papel ng nakakita na niya akong papalapit sa kaniya.
"Nurse Zea read this and follow me" he commanded when he handed me the papers and so I followed him. Napaka intimidating talaga ng karisma niya kaya lahat ng taong nadadaanan namin ay nakatingin sa kaniya at ang iba ay parang kinikilig pa.
Nang makarating na kami sa harap ng pinto niya at sabay kaming napatigil dahil may babaeng nasa swivel chair niya at tinatanaw ang buong siyudad. Baka ito 'yong asawa niya hula ko. Nagulat naman ako nang humarap sa akin si Doc Saxxon.
"Can you just wait here?" He asked me albeit I did not answered him. Pabagsak niyang sinara ang pinto kaya napapikit ako sa gulat, pero hindi iyon gaano naka lapat sa pagkakasara. Ayaw ko namang sumilip dahil ayokong makichismis sa pag uusapan nila. I just took a deep breath and sat on the floor as I leaned my back on the wall beside the door.
Ilang sandali lang ay may unting sigawan akong narinig mula sa opisina hanggang sa lumakas ito kaya napatayo ako sa aking puwesto.
"Puwede bang pakawalan mo na ako Saxxon! Nakikiusap ako sa'yo tulungan mo ako para lang mabalik ko siya sa akin! Please Sax, help me not just as your wife even as your friend." I heard some sobs and I reached the slight opened door.
He was hugging the girl and caressing her hair. Mahal na mahal niya talaga ang asawa niya at sino ba 'yong gusto niyang ibalik sa kaniya? Hay nako Zea problema na nila yang mag asawa 'wag ka nang makiusyoso pa.
Bumalik na lang ako sa dati kong puwesto at naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko nasa bulsa ng akin blouse. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at laking tuwa ko itong sinagot.
"Hello Lola Xenia?"
"Zea apo miss na miss na kita. Kailan ka ba uuwi?" Tanong sa akin ni Lola. Sa totoo lang hindi ko siya Lola, hindi namin siya ka mag-anak dahil nakita lang siya nila Papa at Mama sa gubat noong high school pa lamang ako.
Awang-awa ako sa kaniya dahil halos wala siyang saplot nang makita siya sa kagubatan. Inaalam pa namin ang mga personal na impormasyon niya ngunit wala daw siya maaalala tungkol do'n basta lang daw ang pangalan niya ay Xenia.
"Uuwi po ako sa susunod na buwan Lola." May halong tuwa na sagot ko miss ko na rin siya, halos ilang buwan na rin kaming 'di nag kikita dahil hindi pa naman ako umuuwi sa amin dahil hindi pa sapat ang kinikita ko. Nagrerenta ako dito at malaking gastos din iyon pero nagsisikap ako para may maiuwi akong pera para sa kanila.
"Zea may napapaginipan ako nitong nakaraang linggo kaso sumasakit ang ulo ko pag mas pinapalawak ko ang pag iisip sa panaginip na 'yon." Kuwento niya agad naman akong nabuhayan dahil baka may sign iyon para mahanap ko ang pamilya niya.
"Lola 'wag niyo pong ipilit kung wala po talaga kayong maalala pa, kusang maaalala niyo rin sila"
"Sige apo pasensya kana ha, gusto ko na kasing matanda kung sino ba talaga ang ako at ang pamilya ko. Sa ilang taon niyo akong natulungan ay nahihiya din ako" may bahid ng lungkot niyang sabi.
"Lola Xenia alam ko po iyon, huwag po kayong mag alala hahanapin ko po ang pamilya niyo at aalamin ko kung sino po talaga kayo. At saka Lola 'wag kayong mahihiya sa amin ilang taon niyo na kaming kasama bahagi kana ng aming pamilya Lola."
"Kay buti mo talaga hija namana mo ang ugali ng papa at mama mo na napakabait sa akin kaya malaki ang pasasalamat ko sa iyo. Ikaw ang natatanging mabait na batang inalagaan ko, mahal na mahal kita Olezea." Isang butil ng luha ang tumulo sa aking pisngi.
She is the one who cheered me up when I am sad because I didn't pass on my exam when I was in college. She is the one who encourage me to take nursing because she always says that helping others one of the most important skill to get satisfaction from helping without expecting anything in return.
Tumayo na ako nag marinig kong bumukas ang pinto at nag bigay galang ako sa babaeng nasa harap ko.
"Good morning!" She greeted me with her soft voice and her sweet smile that formed on her lips.
"Good morning Miss" I greeted her back.
"Pag-isipan mong mabuti Saxxon" huling sabi ng magandang babae bago ito umalis. Pansin kong naging matamlay ang mukha ni Doc Saxxon.
"Come in" pumasok naman ako agad at tumigil ako sa harap ng lamesa niya nang naka upo na siya. Agad niyang hinanap ang mata ko at tumitig doon. Gusto kong humiwalay sa mga titig niya ngunit hindi ko magawa. Napahigpit ang kapit ko sa mga papel na hawak ko. I don't want to stay my eyes on him.
"Ahm... Doc may ipapagawa po ba kayo?" Naglakas loob na akong nagtanong. Ang lakas ng karisma niya talaga, hindi ko kayang makasama siya sa OR lalo pa't ako ang scrub nurse niya. Hindi ko kayang tanggihan si Señor dahil mabait siya sa akin at apo pa niya itong pinagkatiwala niya sa akin. Sa tuwing titingin ako sa kaniya ay nasa akin agad ang paningin niya, kaya niyuko ko na lang ang aking ulo ang nakipagtitigan sa sahig.
"If I commanded you fuck me are you going to do it?"
Nadiretso naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya at agad sumalubong ang mga mata niya sa akin. Anong klaseng utos 'yon gago ba siya? Ang bastos ng bunganga ha?! Parang may pumutok na ugat sa leeg ko nang sabihin niya iyon. Anong akala niya sa akin ibibigay ang sarili sa kaniya?
"I will pay you mas malaki sa sinusuweldo mo sa ospital" paghikayat pa niya. May asawa siya ano gagawin niya akong kabit? Ba-bakit siya ganito? Sa pag-akap niya sa kaniyang asawa kanina ay parang mahal na mahal niya ito. Bakit bigla na lang siyang magsasalita ng ganito? "Declare your prize."
"Doc hindi ko po trabaho 'yon nurse po ako hindi po ako bayarang babae. Sa pagkakarinig ko din po ay may asawa na kayo. Ayaw ko pong makasira ng relasyon kung wala naman po kayong iuutos aalis na po ako." Mabilis kong binitawan ang mga papeles na hawak ko at daling lumabas sa opisina niya at pabagsak na sinara ang pinto.
Sa sobrang epekto ng pananalita niya kanina ay hindi ko na mapigilang ilabas ang aking pagkabigo sa kanya. Lintek na iyan! sira ba siya? Ano akala niya sa akin bumibigay agad dahil sa pera.
Halos umusok ang ilong ko dahil sa galit ko sa kaniya. Hindi ko pinansin ang mga katrabaho ko nang binabati nila ako hindi ko rin alam kung na saan si Lian. Pumunta na lang muna ako sa nurse lounge para magpalamig ng ulo. Ibang iba siya sa Lolo at Daddy niya. Agad kong dinukot ang cellphone ko sa bulsa nang mag vibrate ito at nakita ko ang message ni Lola Xenia.
From: Lola Xenia
Zacarias Luis ang pangalan ng taong napaginipan ko Zea. Mag iingat ka diyan, hihintayin kita sa pag uwi mo.
Zacarias Luis? Teka. Kapangalan ni Señor.
BINABASA MO ANG
CONCEALED FONDNESS
RomanceI like him, I love him, I have feelings to him. Did he feel the same? I fell inlove on a married man that I should not did. Nevertheless, I love him, I love him so much. I would do anything just to get him, but I knew he could not love me like he lo...