Hindi ako makapagsalita nang makita ko si Chase na nakatingin sa amin ay agad akong humiwalay sa kaniya at naglakad para lumapit sa asawa ko.
Kinuha na namin si Lola ng kuwarto para mas maging komportable siya. Lagi siyang inaasikaso ni Saxxon kaya hindi ako mapakali lalo na pagpabalik-balik siya sa kuwarto. Tila na para akong hindi makahinga pagka tumitingin siya sa akin. Para bang nahihipnotismo ako ng kaniyang mga tingin na para bang hinihila ako papunta sa kaniya.
Sa mga oras na iyon na nandito na naman siya sa kwarto hindi ko inaasahan ang pagtawag ni Mama sa akin.
"Mama!" Umiiyak na tawag ni Jaxxine napatingin naman ako kay Saxxon na may ini-inject sa suwero ni Lola at hindi ko akalain nakatingin din siya sa akin.
"What happened?" Tanong ko at umiwas sa mga tinginan niya. I heard my daughter's sobs on the opposite line.
"Mama please go home. I miss you and Lola and Papa" naawa naman ako sa kaniya. I'm sorry anak ko hindi ko pa kayang umuwi diyan at hindi ko pa din kayang ipakita ka sa ama mo.
"I miss you too. Uuwi na kami when your Lola is better na" pag-alo ko kay Jaxxine para hindi na siya umiyak samantalang ang ama niya ay laging nakatingin sa akin kaya nahihirapan akong bumigkas ng salita para sa anak ko.
Nang matapos na aming tawagan ni Jaxxine ay nakatanggap ako ng text kay Mama na pupunta daw siya dito bukas. Madaling araw na nang maalimpungatan ako ng pagkakatulog sa tabi ni Lola. Nakita ko si Señor na kapapasok lang at lumapit sa kama.
"Hija ako muna ang magbabantay sa kaniya magpahinga ka muna" sabi niya kaya tumango ako kinuha ko ang bag ko bago ako umuwi sa bahay na tinutuluyan ni Chase.
Maliit lamang ang bahay na iyon parang ayos na sa isang maliit na pamilya. Iyong tinutuluyan niya ay suportado ng ospital kaya mas nakatipid siya. Nang matapos akong maligo ay napag desisyonan ko munang matulog saglit pero nang magising ako ay halos tanghali na kaya inayos ko ang lahat ng mga kailangan kong dalhin sa ospital tapos no'n ay umalis na din ako.
Hanggang sa makarating na ako sa kuwarto ni Lola. Hindi ko pa nabubuksan ang pinto ay narinig ko ang iyak ni Lola Xenia kaya agad akong pumasok nakita ko sila Madame Belinda, Doc Laurence, naroon din ang mag iina. Lahat sila ay naandito. Nakayakap si Lola kay Señor Luis habang umiiyak kaya lumapit ako sa kaniya.
"Lola bakit po?" Tanong ko at niyakap niya agad ako.
"Zea naaalala ko siya!" Sabi niya at sabay turo kay Madame Belinda napakunot naman ang noo ko.
"Saan po?" Nagtatakang tanong ko.
"Lexenia akala ko ay wala kana. Salamat sa diyos at bumalik kana ulit" parang na plastikan naman ako sa sinabi ni Madam na tila hindi maganda sa kaniya na bumalik si Lola.
Hindi ako mabitaw-bitawan ni Lola at umiiyak pa din siya. Kailangan niyang magpahinga at huwag mag isip ng kung ano-ano pero pagsinasabi ko iyon ay hindi siya sumusunod.
BINABASA MO ANG
CONCEALED FONDNESS
Roman d'amourI like him, I love him, I have feelings to him. Did he feel the same? I fell inlove on a married man that I should not did. Nevertheless, I love him, I love him so much. I would do anything just to get him, but I knew he could not love me like he lo...