Chapter 08

908 12 0
                                    


Gusto kong kumawala pero pinipigilan ako ng mga tingin niya. Bumilis ang tibok ng puso ko ng unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin kaya napapikit ako.

"You want to avoid me huh?" Malambing na bulong niya sa tenga ko tumataas lahat ng balahibo ko nang hawakan ng kaliwang kamay niya ang dibdib ko. Agad ko siyang tinulak at inis na tinitigan. Bastos!

"Tigilan mo na nga ako!" Nagbabagang galit na sabi ko kaniya nagtiing naman ang bagang niya at kinunot ang kilay. Nakakatakot siya para siyang galit, hindi galit nga siya talaga.

"Why?" Hindi ako sumagot at tinignan ko lang siya.

"Why all of you want me to leave me?" Nabigla na lang ako sa tanong niya parang may something sa tanong na iyon. Gusto kong magtanong kung bakit niya na tanong 'yon.

"Fine then leave me Zea! Fuck!" Sigaw niya sa akin at lumakad paalis. Naguilty naman ako, pero bakit ako magi-guilty gusto ko lang naman siyang layuan ah. Ano bang nangyari?

'Di ba pinuntahan naman niya si Descia kahapon kaya dapat masaya siya. Ayoko na talagang makiusyoso sa kanila kaya gusto ko nang lumayo at para hindi na madamay.

Bumalik na ako sa trabaho ko ngunit hindi ko pa din makalimutan ang na nanalantay sa mga salitang binitawan niya. Gusto kong mag sorry pero kalahati sa akin na bakit ako magso-sorry wala naman akong ginawa sa kaniya. Kaartihan niya lang 'yon.

"Zea dalhin mo itong chart kay Doc Saxxon at sabihin mo kailangan kamo siya dito" utos sa akin ni Ma'am Chona, head nurse sa ICU.

Nakaramdam naman ako ng kaba at takot. Ito talagang posisyon ko ang nagpapalapit sa aming dalawa e,. Kunuha ko na ang chart sa counter top ng desk at tinungo ang daan papuntang opisina ni Doc Saxxon.

Nang marating ko na ay agad ko naramdaman ang tahimik na presensya nang marating ko na ang pinto. Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan ito. Nakatayo sa harap ng glass wall habang umiinom ng alak. Hindi ako makapag salita dahil sa kaba na nararamdaman ko. Lumapait ako sa kaniya at napalunok ako nang tumingin siya sa akin.


"D-doc ito po daw 'yong chart tapos kailangan po daw kayo sa ICU" pilit kong inalis ang kaba ko para maayos kong sabihin ang mga kailangan niyang malaman.

"Iwan mo na lang diyan umalis kana" malamig na utos niya. May problema talaga siya ayoko nang magtanong at baka kung ano pang mangyari.


"Si-sige po" sagot ko naman at aamba na ako para lumabas nang tawagin niya ang pangalan ko. Lumingon ako sa kaniya at hindi siya nakatingin sa akin.


"Zea I sent the money on your account and I will talk to Papa to bring your back assignation before" sabi niya nang hindi niya ako tinitignan.

Nalungkot naman ako dahil sa bawat lingon ko sa kaniya ay alam kong nakatingin din siya sa akin. Ngayon ay nagkamali ako hindi siya nakatingin.

Lumabas din ako at lakad-takbong tinungo ang elevator pumasok din ako doon agad at 'di ko inaasahan na malaluha tinungo ko ang ulo ko at nang masasara na sana ang pinto ay biglang may pumasok. Tumingala ako para makita ko kung sino ito.


"Mi-miss Descia?"

"Are you okay? Why are you crying?" She asked.

Pinalis ko agad ang luha sa pisngi ko at umiling sa kaniya.

"A-ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko na may hawak siyang papel.

"I just want to talk with Saxxon but when I saw you came out from his office and followed you here and then you are crying pinagalitan kaba?" Tanong niya ulit.


"Ah hindi po napuwing lang po ako" medyo tumawa ako para maging totoo ang rason ko. Napatango naman siya at tahimik ang bumalot sa pagitan naming dalawa nang makalapag na ako sa floor papuntang lounge ngunit huminto ako nang tawagin ako ni Miss Descia.


"Puwede mo ba akong tulungan?"

"Po? Para saan po?" May kuryosidad na tanong ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.


"Miss alam kong nagche-cheat si Saxxon dahil wala namang kuwenta ang kasal namin pero ayokong iwan ng ganon-ganon lang" lungkot na pagkakasabi niya. Kumunot ang noo ko sa gusto niyang ipunto pero wala akong maisip.

"Ano pong gusto niyong gawin ko?" Tanong ko na naman at tinignan niya at inabot sa akin ang papel na dala niya.

"Alam kong may something sa inyo ni Saxx and this paper is divorce paper. Puwede bang papirmahan mo 'yan sa kaniya?" Nagulat ako sa sinabi niya alam niya 'yong sa amin? Napaka laking kasalan no'n.

"Sorry po ma'am  hindi ko po sinasadya 'yong nangyari. Nilalayuan ko na naman po siya at aalis na ako sa team nila ma'am sorry po" pasensya ko pa at aambang luluhod sa harap niya nang pigilan niya ako. Umiiyak na ako sa sandaling iyon. Lintek kabit nga ako!


"'Wag miss huuwag mo siyang layuan, tanggapin mo siya" Naguguluhan ako sa sinabi niya, tanggapin?

"I don't love him at oo asawa ko siya pero hindi ko siya mahal tulad ng pagmamahal niya sa akin. Siya na lang ang bumubuhat sa kasal namin dahil ayaw niyang ma-disappoint ang parents ko sa akin. Nagpapanggap lang kami pagkakaharap namin sila. Nagi-guilty ako sa mga ginagawa ko pero pinilit ko naman e, pinilit ko siyang mahalin pero sa isang lalaki ko lang 'yon binigay at pinaramdam, ang masama pa do'n ay hindi kay Saxxon, hindi sa asawa ko."

"Pu-puwede mo ba akong tulungan? Please.." Pagmamakaawa niya pa sa akin hindi ko alam ang sasabihin ko kung tutulungan ko siya o hindi. Ayoko makialam sa problema nilang mag asawa.

I don't want to be the center of this relationship. I don't want to help her to ruin there marriage. I do not love his husband and that's a lie. I like Saxxon but I can't like him. I love him but I can't love him for sex. Kahit pa, kahit gustong-gusto ko siya hindi ako gagawa ng kamalian.

"Please Miss?"

Nakakadala ng lungkot ang kulay berde niyang mata. Para siyang isang anghel na pili na humihingi ng tulong para kumakawala sa isang hawla. Paano ba ito? Anong gagawin ko?

"Zea na lang po ang itawag niyo sa akin baka po malaman nila Señor na gusto niyo pong makipag hiwalay sa kaniya at sa akin po siya magalit" saad ko nang maisip ko ang mga taong mababait sa akin. Ayokong pumangit ang pagkilala nila sa akin.

Mababait sila sa ibang tao lalo na sa akin. Alam kong magagalit din si Saxxon sa akin dahil sa pakikipag sabwatan ko sa plano ng asawa niya.

"Hindi, ako ang bahala sa'yo Zea I swear. I will tell them the truth that this is my plan please Zea..." 'yan na naman 'yong nakakaawa effect niya napaka lungkot niya talaga.

"Bakit 'di niyo na lang po turuan ang sarili niyo na mahalin ang asawa niyo" kumbinsi ko pa dahil ayoko talga siyang tulungan ayaw ko na muling magkalapit kami ni Saxxon.

"I tried many many times Zea. I tried for all those years that had been past not a minute that I feel his love for me as my husband because I love him as my bestfriend." giit niya na may halong pagkabigo sa sarili.

"I don't wanna hurt him. He deserve better than me Zea and I know it was you. Ikaw ang karapatdapat sa kaniya Zea dahil alam kong hindi mo siya sasaktan tulad ng ginawa ko" mas naiyak ako sa sinabi niya. Napaka manhid mo Descia ikaw ang mahal niya hindi ako!

Pagnanasa lang ang kailangan niya sa akin panakip butas lang ako sa puso niya. Hindi ako ang karpatdapat sa kaniya. He loves you so much and he cares for you. He always me feel like I am just for his sexual needs. I am his necessity when it come to his lust. I am just his fuck buddy! I want to spill those words on her face all those words are our reality.

Baka kahit papaano sa pamamagitan ng pagtulong  ko sa kaniya maramdaman ko din na nagustuhan di ako ni Saxxon bilang isang babae at hindi bilang isang parausan niya lang.

CONCEALED FONDNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon