Ang kaniyang makapal na mga kilay ay nakaarko dahil ata sa nakita niya. Pinutol ko na ang aming pagkatitigan nang mailabas na si Lola sa ambulansya. Naglakad na kami ni Chase papalapit doon at sumunod sa mga nagtutulak sa stretcher.
Nang makapasok na kami sa loob ay nailang ako sa mga tingin ng iba kong naging ka-trabaho ay iba ay nginingitian ako kaya nginingitian ko din sila. Iniwan ako ni Chase sa gilid para puntahan si Lola. Nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko at kinuha ko iyon sa bulsa at sinagot ang tawag. Tumalikod ako at na bigla ako dahil nauntog ako sa parang matigas na bagay. Napapikit ako sa sakit at hinawakan ang noo ko, unti-unit kong binuksan ang mata ko at nakita ko na hindi siya poste o ano man isa 'yong tao. Naging pamilyar sa akin ang amoy ng taong kaharap ko.
Tuminga ako para makita kung sino iyon dahil masyado itong mataas. Nagkasalubong agad ang mga mata namin. Hindi ako makagalaw sa kaba ang diretso niyang tingin sa akin ay parang hinihiptonismo ako na para bang nagsasabi na tignan mo lang ako. Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ng anak ko sa kabilang linya. Iniwasan ko agad siya at naglakad ako paalis doon.
Lumiko ako sa lagi kong nililikuang hallway iyong walang masyadong tao na nadaan doon. Doon ko din kinausap ang anak ko, nag iiyakan siya at tila gustong pumunta dito. Agad naman bumalik ang nangyari kanina nang magkita kami ng totoo niyang ama. Nakita ko agad sa kaniya ang itsura ng anak ko. Hindi talaga nagkakalayo ang mukha niya sa kaniyang anak.
Hindi na ako magtataka kung si Chase ay maiilang sa mukha ni Saxxon at sa mukha ni Jaxxine. Balang araw ang sekreto ko ay malalaman din nila. Aamin ako kung mangyayari iyon pero kapag kukunin nila ang anak ko sa akin magkakamatayan muna kami bago nila makuha ang anak ko.
Nang ibaba na ni mama ang tawag at agad kong ibinulsa ang cellphone ko at aambang babalik na doon hanggang sa may nabangga ako. Napatili ang nakabangga ko kaya nilingon ko siya.
"Zea?!" Sigaw niya.
"Junelle?!" Sigaw ko din at mabilis ko siyang niyakap. Dahil sa sobrang kasiyahan ay nakalimutan na namin na nasa ospital kami kaya naptingin ang ilang tao sa amin.
"Kamusta kana?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Ito okay lang kayo ni Lian kamusta kayo?" Nagulat ako nang mawala ang ngiti niya. Yumuko siya tila hindi niya inaasahan ang tanong ko.
"Zea hindi lumaban si Lian. Bago siya operahan nang araw na 'yon tumigil ang puso niya pero nag survive naman pero sabi ni Doc Saxxon kung itutuloy daw ang operasyon hindi na gumising si Lian. He also said that nothing will be gained if the operation continues." Malungkot na paliwanag niya. I wiped my tears on my cheeks with my hand and out of the blue he held my hand when he saw my ring.
Hind siya makapagsalita sa nakita niya kaya nag amba na kong ipaliwanag sa kaniya.
"Kinasal ako 4 years ago" gayon ko sa kaniya kumunot ang noo niya.
"Saxxon is not my husband. It's Doctor Chase Sacramento" pagdagdag ko sa sinabi ko.
Napatakip siya ng bibig gamit ang kamay dahil sa gulat at mahinang pinalo ang braso ko. Hinila niya ako papalapit sa kaniya para yakapin.
"Congrats sa'yo. Ikaw ha! Tirador ka ng mga bagong lipat na doktor" natawa naman ako sa sinabi niya.
Ikinuwento ko sa kaniya ang sadya ko dito hindi niya daw akalain na magkikita kami dahil halos anim na taon akong hindi nagpaparamdam. Pagkatapos ng aming pag uusap ay umalis na din siya dahil may gagawin pa daw siya kaya ako ay bumalik na lang ulut sa ER.
Napahinto na lang ako nang matanaw ko ang mga Crisostomo sa banda ni Lola Xenia. Nagtagpo ang mata namin ni Ma'am Sinthia namumula ito na para bang umiyak kaya napakunot ako ng noo. Iginala ko ang mata ko para hanapin si Chase at nakita ko siya sa tabi kinakausap si Saxxon kaya hindi ako naglakas loob na puntahan siya pero nang mapunta sa akin ang mga mata niya ay nagpaalam siya sa kausap niya.
Napatingin naman si Saxxon sa akin at halata sa mata niya din na kakaiyak niya lang. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Tinignan ko si Chase nang makalapit siya sa akin at hinawakan niya ang braso ko, para makipag usap sa gilid.
"Zea 'di ba sabi mo nakita lang ni Papa Orly si Lola Xenia sa gubat?" Tanong ni Chase pero ramdam ko na may mali sa mga nangyayari. Hindi ko siya sinagot at naglakad papunta sa puwesto ni lola.
Lahat ng Crisostomo ay tumingin sa akin lalo na si Señor at nakita ko na naka hawak siya sa kamay ni Lola. Bakit niya hawak ang kamay ng Lola?
"Zea" nanghihinang bigkas ni Lola sa pangalan ko kaya agad akong lumapit sa gilid niya at hinawakan ang kamay niya.
"Lola kamusta po kayo? May masakit po ba?" Umiiyak na tanong ko sabay halik sa noo niya.
"Wala apo ko, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila" sabi niya kaya tumingin ako sa mga taong nakapalibot sa kaniya nakita ko din si Saxxon na papalapit. Tumingin ako kay Señor na parang may gustong sabihin sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang ibigay sa akin ni Doc Laurence iyong picture namin nila Lola Xenia noong guma-graduate ako noong college. Napakunot ang noo ko bakit nasa kanila ito? Sa pagkakaalam ko ay nasa wallet ko iyon.
"Zea hija siya si Lexenia iyong asawa ko" umiiyak na saad ni Señor kaya napunta ang mga mata ko sa kaniya.
"Hindi rin namin akalain Zea na mangyayari ito. 'Yong Lola mo na tinutukoy mo ay ang mama ko." Tumingin naman ako kay Doc Laurence.
Hindi ako makapagsalita dahil naguguluhan ako! Si Lola Xenia ko ang asawa ni Señor? Akala ko ba ay patay na si Ma'am Lexenia? Paanong magiging si Lola Xenia si Ma'am Lexenia? Naguguluhan ako!
"Apo nalilito na ako. Sino ba talaga ako?" Tanong ni Lola wala naman akong masagot dahil wala din akong ideya.
"Wala bang bagay na puwedeng maging ebidensiya?" Tanong ni Señor kaya naisip ko agad ang libro.
"Iyong libro meron code doon" sabi ko pero ang librong iyon ay nasa bahay.
"Is that morse code?" Nabosesan ko siya tumingin ako kay Lola para hindi mapunta ang mga mata ko sa kaniya at saka ako tumango.
"It means Lexenia" napatingin ako sa kaniya at napalunok ako. A-alam niya ang ibig sabihin noon? "I wrote that code on her book when I was in America."
BINABASA MO ANG
CONCEALED FONDNESS
RomanceI like him, I love him, I have feelings to him. Did he feel the same? I fell inlove on a married man that I should not did. Nevertheless, I love him, I love him so much. I would do anything just to get him, but I knew he could not love me like he lo...