CHAPTER 5

150K 2.6K 67
                                    

Pangiti-ngiti ako habang nagda-drive ng kotse ko. Hindi ko makalimutan ang pagkakakita ko kay Guadel kahapon. Grabe, ganun pala yung feeling ng mga fangirls kapag nakikita nila ang mga idol nila, 'no? Parang langit na hindi ka makaget-over sa nangyari.

Dala-dala ko pa rin ang ngiting iyon hanggang sa makapark ako sa parking lot sa harap ng Rodriguez Tower. Oo, nandito na naman ang henyong si Cexchia para sa kanyang misyon.

"Good morning, Ma'am." bati nung guard sa labas.

"Good morning din po, manong." ganting bati ko. Mabuti na lang at hindi siya yug guard kahapon. Baka kasi natandaan ako nun, mahirap na.

Papasok na sana ako kaya lang bigla akong bumalik.

"Manong, hindi nyo po ba ako hahanapan ng I.D?" tanong ko sa guard. Kasi naman, di ba? Mahigpit dito tapos nakapasok lang ako ng walang I.D.

"Naku, Ma'am, kilala kita. Ikaw si Cexchia Garcia, di po ba? Idol kasi kayo ng anak ko sa pagsusulat. Naaward-an ka nga po di ba? Sa sobra nga pong kaadikan ng anak ko sa inyo, eh nagpadala pa ng request sainyo. Yung Philippines' Billionaire Bachelors daw po. Yung anak ko ho kasi, eh pangarap makapangasawa ng mayaman kaya kung anu-anong kalokohan ang pinaggagagawa."

Nabigla ako sa sinabi ni manong... may fan pala ako? Lol. Di yun. Yung anak nya pala yung nagrequest. Grabe, pahamak na bata.

"Ganun po ba? Ilang taon na po ba ang anak nyo, manong?"

"Ten years old po."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Seryoso talaga? As in ten? Sampu, diez? Wow. Ang talented ng anak nya ha? Kung anu-ano na ang naiisip samantalang napakabata pa lang. Di kaya maging romance writer sya?

"Ah." Yan na lang ang nasabi ko.

"Sige na po, Ma'am. Mukhang may kailangan pa po kayong gawin sa loob."

Nginitian ko si Manong guard. "Salamat po, Manong..."

"Vicente Calay."

"Salmat po, Mang Vicente. Pasok na po ako."

"Ingat po, Ma'am."

Tuluyan na nga akong pumasok at iniwasan kong makita ng receptionist. Yun din kasi yung babae kahapon at baka makilala nya ako, eh lagot na.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon