CHAPTER 30

137K 2.6K 25
                                    

Napapangiti ako habang nakatingin sa kumpol ng mga babaeng kinikilig sa labas ng isang bookstore sa mall na iyon.

Nakabuklat ang magazine na hawak-hawak nila at nagtitilian sa kung ano man ang kanilang nakikita. Nagtuturuan pa sila sa kani-kanilang magazine sa isang partikular na pahina roon.

At kung tama ang hinala ko, Forever Beauty ang hawak nila. And if I'm correct again, ang page ng article ko ang tinitingnan nila.

Lumapit ako ng kaunti para marinig ang pinag-uusapan nila.

"Gosh! May mga lalaki pa palang ganito, girls!"

"Grabe! Prince charming ang dating!"

"Mayaman na, gwapo pa! Oh em gi!"

"Gusto ko itong si Zaccheus."

"Basta sa akin si Gregory."

"Ang gwapo ni Vernon kahit may anak na. Bet ko siya."

"Paano ba i-pronounce ang pangalan nitong si Ian? Ang hirap! Mabuti na lang hot at gwapo siya."

"Basta si Dominic sa akin na siya! Walang mang-aagaw! Gosh! Siya pala may-ari nitong mall!"

Napataas naman ang kilay ko sa huling nagsalita. Makaangkin parang sakanya, ganon? Well, pwedeng mangarap pero akin pa rin babagsak yang si Grae.

Dapat pala talaga inilagay ko na ang tungkol kay G kahit na ba ayokong nababasa, nakikita, o naririnig ang letrang yon. Hmp! But I doubt if it's enough to stop these girls from ogling what's mine.

What's mine talaga?

Kung nagtataka kayo kung ano ang nangyayari, released na kasi ang magazine entries for this year's Magz Awards. Kaya yung issue na featured ang billionaire bachelors ay ini-release na rin. And so far, so good naman.

Naglilibot kasi ako ngayon sa malls and magazine stands para kamustahin ang sales ng issue ng kompanya namin. At base sa nakita at nakikita ko sa mga napuntahan ko, masasabi kong marami naman ang bumibili ng magazine namin.

Sana makahikayat pa ang mga bumili ng ibang tao para dagdag sales na rin. At saka support na rin yung article ko para sa promotion ko!

Umalis na ako sa pwestong yon para lumipat ng ibang bookstore. Habang naglalakad ay tumunog ang cell phone ko.

"Hello?"

"Hi, Cexchia. This is Guadel. Hiningi ko kay Kuya yung number mo. I hope you don't mind."

"Hi, Guadel. Okay lang naman. Nakuha mo na, eh." I chuckled. "Anyway, bakit ka nga pala napatawag?"

"Where are you now? Gusto ko sanang makipag-meet para mapag-usapan na natin yung tungkol sa event ko."

"Ah, yes. Nasa GDR Mall ako ngayon. Saan ba tayo magmi-meet?"

"Oh? Nasa mall ka pala ni Kuya. Okay, sa Chef Martin's na lang tayo magmeet. Yung branch diyan sa mall."

"Okay. Papunta na ako ngayon."

"I'll be there within five minutes."

We hang up at saka ako naglakad pababa papunta sa Chef Martin's. Pagkarating doon ay mangilan-ngilan lang ang tao. Naupo ako sa sulok na bahagi dahil hindi naman basta-basta ang makakasama ko, isang sikat na designer.

May lumapit na waiter sa akin ngunit sinabihan ko na mamaya na lang ako mag-oorder.

And after five minutes tops, nakita kong papalapit na si Guadel na nakashades pa at naka-crop top at jeans with matching high-heeled black sandals. Perks of being a fashion designer. Ang ganda niya talaga. Nakakatibo!

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon