CHAPTER 12

152K 2.9K 13
                                    

Dedicated sa kanya kasi marami siyang votes! :) Salamat girl.

Please keep supporting me and my stories everyone! Thank you sa lahat ng nagbabasa :) :) :* Saka ano, pasensya sa mga mumurahin. Peace sa lahat lalo na sa mga hindi komportable sa foul language. Sorna. ✌✌

At saka pasensya na rin sa typographical errors and wrong grammars ng previous chapters. Ako kasi ang pinakatamad na tao pagdating sa proofreading. But once I finish this story baka i-edit ko. Yun lang.

Anyways, here's Chapter 12. Enjoy! :)

*****

Nakangiti akong nagmamaneho papunta sa Forever Beauty. Pagkaalis ko sa gitna ng sidewalk kanina, nagmamadali akong sumakay sa kotse ko at nagmaneho. Ibabalita ko kay Athena ang development ng assignment ko.

Teka nga... Bakit ba nagsasaya ako? Di ba dapat medyo naiinis ako ngayon kasi kailangan ko itong gawin? Dahil ibinaba ko ang pride ko at ako pa rin ang humabol sa kanya? Hala...

Nawala ang ngiti sa labi ko at bumagal ng kaunti ang pagmamaneho ko. Kung kaninang excited ako ay nasa 70kph ang pagapatakbo ko, ngayon nasa 50kph na lang.

"Hala! Ano bang nangyayari sayo, Garcia? Tsk. Kakainis! Ano ba talaga ang dapat mong maramdaman?" kausap ko sa sarili ko. Binilisan ko ulit ang pagmamaneho dahil malapit na ako sa sadya ko.

Nagpark ako sa parking lot sa harap ng building at saka bumababa at naglakad papasok sa building. Ano ba yan, lahat na lang ng ginagawa ko kailangan kong idescribe. Joke.

"Good afternoon, Ms. Garcia." bati sa akin ni manong guard.

Nakangiting humarap ako sa kanya at saka bumati, "Magandang hapon din po, Kuya."

"Good mood na tayo ngayon, ah? Samantalang nung isang araw, eh para kayong susugod sa giyera, Ma'am."

Tinawanan ko lang si manong guard. "Pasensya na pala nung isang araw, Kuya. Mukhang natakot kita, eh."

"Ayos lang yun, Ma'am. Wag mo na lang ulitin kasi baka makapagresign ako bigla sa takot." biro nya sa akin.

Tumawa na lang ako sa pinagsasasabi ni Kuya at saka pumasok sa loob at dumiretso sa elevator. Every now and then ay may bumabati sa akin.

"Good mood na, ah."

Napalingon ako sa nagsalita sa katabi ko. Nasa harapan na kasi ako ng elevator ngayon at naghihintay na lang na bumaba ito.

"Lara." bati ko sa kanya. Kung natatandaan nyo, siya yung babae na nagsabi na sa ibang elevator na lang sila noong galit na galit ako.

"Tungkol sa assignment mo yun, no? Kaya ka galit na galit?" tanong niya sa akin.

Tumango lang ako at tumingin na lang sa numerong nagbabago sa taas ng elevator. Nasa 3rd floor na.

Hindi na rin naman umimik si Lara hanggang sa makasakay kami, pumindot ng floor number, bumukas sa iba't ibang floor na nadaanan namin, at una siyang bumaba.

Pagkarating ko sa opisina Athena, nakita ko siyang nakaupo sa couch sa isang tabi. Hawak niya ang cellphone niya at ang tanging pumipindot ay ang kanang hinlalaki. Kaya pala hindi niya ako napansin sa pagpasok.

Napailing na lang ako. Ano ba ang gingawa nito at concentrated masyado?

"Hoy, ano ba yang pinipindot mo dyan?"

"Ay, p*nyeta!" pagmumura niya sabay padyak ng dalawang paa niya ng sabay.

Napataas naman ang kilay ko sa ginawa niya. Ano bang problema nito?

Pagkatapos niyang magtantrums sa upuan saka niya lang ako binalingan. Mga dalawang minuto na ata akong nakatayo bago niya ako tiningnan.

Nakakunot pa yung noo niya at nakahalukipkip. Kung nakatingin naman to akala mo may ginawa akong masama sa kanya.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon