CHAPTER 2

205K 3.3K 73
                                    

"GRABE! DI KO AKALAING GAGAWIN KO TO!"

Ako ngayon ay nasa sasakyan ko at papuntang Rodriguez Tower, ang kaharian ng isa sa iinterviewhin kong si Grae Dominic Rodriguez. Ayon sa information na nasa kanyang info sheet, sya ay twenty-nine years old. Sya ang nagmamay-ari ng pinakasikat at laganap sa buong mundo na construction company, chain of hotels and resorts, at distributor ng pinakamamahal na kotse at cellphone sa mundo. O di ba? Billionare talaga!

Mamaya ko na ikekwento ang iba pa. Sya muna ang ipapakilala ko kasi... ayun, sya ang pupuntahan ko, eh. Alangan namang lumayo pa ako eh anlapit-lapit ng kaharian nya sa kumpanya namin.

"Pero grabe, ang gu-gwapo nila talaga! Naku! Siguradong blast tong article kong to. HAHAH. Promotion, here I come!"

Nagpark ako sa labas ng isang napakataas na building. Estimate ko mga forty floors? I ain't exaggerating mga deer, I mean, dear. So ayun, bumaba ako ng Lancer GLi model ko ng Mitsubishi (naks, sinabi pa talaga) at pumasok sa loob, alangan sa labas di ba? Utak mo, nasan?

"Good morning, Ma'am." bati nung guard sa labas ng automatic na pinto.

"Good morning din, Manong." nakangiti kong bati.

Pagpasok ko... wow! Tulo laway! Ag ganda! At ang laki! Seryoso. Parang yung mga buildings sa ibang bansa. Nakaka-amaze naman! Mayaman nga talaga ang lokong yun. Pano pa kaya yung ibang billionaire bachelors di ba? Nakakaexcite naman to!

Maraming taong pakalat-kalat lang. May mga hawak na brief case, mug ng kape, may Starbucks pa nga, planner, iPad, may kausap sa phone, at may nagbubuklat ng kung anu-anon folders. I am so very observant talaga! Teka nga, lapit tayo sa reception desk.

"Good morning, Ma'am. How may I help you?" sabi nung babae sa reception.

Ay ang gara! Ingles! Call center ba ito? Okay, namimilosopo ka na, Cechxia. Naku! Mapapalaban ako ng Ingles dito -.- NOSBLED.

"Ah... I just want to ask if Mr. Rodriguez is there." sabi ko in straight english.

"Do you have any appointment with him, Ma'am?"

Sige, matigilan tayo. WALA, EH. Bah, ang mga magagandang dilag di na kailangan ng appointment no.

"I don't." sagot ko.

"Sorry, Ma'am but you need to have an appointment first. It's a strict company policy. Mr. Rodriguez doesn't want to have surprise visitors. Sorry."

NAK NG! Nagsayang ako ng gas at dumagdag sa air pollution para lang sa wala? Think, Cechxia, think.

"Is that so? Okay... can I set an appointment?" sabi ko.

May kinuha syang papel at sinabi nyang fill-up-an ko raw at ibibigay nya sa sekretarya ni Rodriguez. Sus, echos ng mga taong, to, oo. Pero syempre dahil magandang dilag ako, pinil-apan ko nga. Japeyk naman ang information. May naisip akong plano, eh. HAHAH isa ka ngang tunay na henyo, Garcia.

Pagkatapos ko syang i-fill-up, ibinalik ko na sa kanya.

"Just wait for the confirmation of your appointment, Ma'am."

Grabe naman dito, icoconfirm pa yung appointment? Di hindi lahat ng appointment dito napagbibigyan?

"Uh... can I just ask if Mr. Rodriguez is here? So that I'll know if he stays here often." tanong ko.

"He's not yet here, Ma'am but he' on his way. Mr. Rodriguez is always here. This is his main office."

"Oh, thank you. Can I know where's his office?"

"Sorry, Ma'am, but that's confidential. We just give his office floor to those who have appointments with him."

Grabe, kaarte ng mga tao. Sige na nga.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon