CHAPTER 40

136K 2.7K 57
                                    

Nanonood kami sa entertainment room ng Mr. Peabody and Sherman ng kumatok ang isang katulong sa pintuan. May naghahanap daw kay Grae sabi nung guard sa gate.

"Sino raw?" tanong ni Grae.

"Michelle raw po, Sir." sagot nung katulong.

Biglang nagdilim ang mukha ni Grae at umigting ang kaniyang panga. Dumilim din ang aurang nakapalibot sa kaniya ng marinig ang pangalang iyon. Mahigpit na. nakakuyom ang kaniyang mga kamao at nanginginig sa galit ang kaniyang katawan.

Sino ang Michelle na yon para magalit ng ganito si Grae?

"What does she want now?" nanggigigil na tanong niya sa kawalan.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan sng kaniyang nakakuyom na kamao. I rubbed his back soothingly para kahit papaano ay marelex siya ngunit mukhang walang epekto.

"Hey, Grae. What's wrong?" malumanay kong tanong.

Hindi niya ako pinansin at ibinaling sa natatakot na katulong ang kaniyang nanlilisik na mga mata. "Don't let her in. Kahit anong mangyari wag na wag niyo siyang papapasukin kung ayaw niyong masesante."

Mabilis na tumango ang pobreng katulong at dali-daling umalis sa takot.

"Mommy, Daddy, what's wrong?" nagtatakang tanong ni Zamara sa amin.

"Go to your room, Zamara." mababa ang tonong sabi ni Grae na nakatalikod dito.

"But why, Daddy? The movie's not yet finished." sagot naman ng bata.

"Just go to your room, Zamara. And do not go out until I say so."

"But--"

"Zamara!" sigaw nito at humarap sa bata.

Biglang umiyak si Zamara sa sigaw ng ama at sa nakikita nitong bagsik sa mukha ng lalaki. Dali-dali siyang tumakbo papalabas ng entertainment room at pabagsak na isinarado ang pintuan.

Malalim ang paghinga ni Grae ng pumunta ako sa kaniyang harapan. I held his face and his fury-filled eyes settled on mine sending a chilling sensation on my nerves. He looks like a monster ready to kill.

"Hey, Grae. Hey. Look at me, look at me." malumanay kong pagkausap sa kaniya.

He seemed to notice just now that I am in front of him. It seems that everything momentarily disappeared and what he only saw was red and hatred. He blinked several times before his eyes returned to it's focus. Kababakasan din ng pagkabahala ang kaniyang mukha. "Cexchia..."

"I'm here, I'm here. What's wrong?" I said as I skimmed hjs cheeks with my thumb.

"Where's Zamara?" His weary gaze roamed the room. "Where is she?"

"Pinapunta mo siya ng kwarto niya, remember? Nasigawan mo pa nga siya." paalala ko.

Pabigla ang ginawa niyang pagbaling sa akin sa medyo nanlalaking mga mata at pagkalito. "I did?"

I nodded slowly. "You did. Umiiyak nga, eh. Gusto ko sanang sundan but I think you needed me more. What's wrong?"

Inalis niya ang mga kamay ko sa kaniyang mukha at napahilamos sa kaniyang buhok. Napahilamos din siya sa sariling mukha  at napabuntong hininga ng paulit-ulit. "I need to say sorry to her. God, I'm such an asshole." pagkausap nito sa sarili.

Nilapitan ko siyang muli at ginagap ang kaniyang kamay. Pinaharap ko siya sa akin at nakita ko ang kaniyang pagkabahala. "Hey, what's wrong?"

Nakailang "what's wrong" na ba ako sa chapter na ito? Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako sinasagot. Hindi ko rin kaya siya sagutin?

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon