CHAPTER 44

146K 2.7K 74
                                    

Isang nagdududang tingin ang pinukol ko sa tatlong taong sabay-sabay na pumasok sa dining room ng umagang iyon. Nakangiti silang tatlo na animo may isang nakakatuwang bagay na napag-usapan.

"Good morning, anak." bati sa akin ni Mama.

"Morning, 'Nak." bati naman ni Papa.

"Good morning, baby." bati ni Grae.

Tiningnan ko naman siya habang papaupo sa aking tabi. Sina Papa at Mama naman ay umupo na rin sa kani-kaniyang pwesto.

"Bakit hindi ka pa kumakain, Anak?" tanong ni Mama.

"Hinintay ko po talaga kayo. Ano po bang pinag-usapan niyo?" tanong ko sa kanila.

They exchanged meaningful glances as they were also smiling as if they knew something I don't. Well, I really don't know.

Pagkagising ko kasi kanina ay hinanap ko sa katulong sina Mama. Ang sabi nito ay dumating si Grae at nag-uusap-usap ang mga ito sa opisina ni Papa rito sa bahay.

Pinuntahan ko naman sila roon kaya lang hindi ako pinapasok. May pinag-uusapan daw kasi silang tatlo at hindi raw ako kasali. Mga bastos!

"Wala naman, anak. May sinabi lang sa amin itong si Dominic. Let's eat?" sagot ni Papa.

Nagsimula na silang kumuha ng pagkain. Nilingon ko naman si Grae sa aking tabi. Lumingon siya sa akin ng maramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kaniya.

"Yes, baby?" nakangiting tanong niya.

Shucks! Ke-aga-aga pinapabilis na niya ang tibok ng puso ko 100 miles per hour. Bwisit na ngiti yan.

"Bakit ka nandito ng ganito kaaga?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"I cooked your breakfast." nakangiti niya pa ring sagot.

Bahagya akong nagulat sa kaniyang isinagot. Nilingon ko ang aking mga magulang na nakangiting nakamasid sa amin bago nagpatuloy sa pagkain nila.

Ibinalik ko ang tingin kay Grae na nilalagyan na ng dalawang pirasong pancake ang aking plato. Nilagyan na rin niya ng honey syrup pagkatapos.

"Eat up, baby. I made that for you." nakangiti niyang sabi pagkatapos.

Napatitig na lang ako sa kaniya. Pilit kong kinokontrol ang mas lalong pagbilis ng tibok ng aking puso ngunit habang patuloy akong nakatitig sa kaniyang nakangiting mukha, na bihirang mangyari, ay mas lalo lamang itong lumalakas.

I cleared my throat as I averted my eyes from him. "Baka pancake mixture lang to?"

"Siya mismo ang gumawa ng mixture na yan, anak. Maaga siyang pumunta rito para lang ipagluto tayo ng breakfast." sagot ni Mama.

"May pangako pala siya saiyo na siya ang magluluto ng mga kakainin mo. Aba, anak! Effort na effort na tong si Dominic. Kailan mo ba siya sasagutin?" sabi naman ni Papa.

"Pa! Ano ba naman po yan! Yung iba nga diyan ni ayaw paligawan ang mga anak, kayo naman po parang ipinamimigay niyo na ako." nakasimangot kong sabi.

"Iba naman kasi yun, anak. Nasa tamang edad ka naman na. May sarili ka ng trabaho, kumikita ka na sa sarili mo. At alam namin ng Mama mo na kaya mo ng pumasok sa isang relasyon." ani Papa.

"Kaya pinagbabawalan ng mga magulang kanilang mga anak na magboyfriend o maggirlfriend dahil gusto nilang magfocus muna ang mga anak nila sa pag-aaral para magkaroon naman sila ng magandang buhay. Kasi anak, ang pagkakaroon ng kasintahan ay maari mong gawin kapag may trabaho ka na at nakuha mo na ang pinapangarap mo. Di ba, mas magandang magkaroon ka ng kasintahan kung matured ka na at kaya mo ng magdesisyon bilang isang matanda? Kasi kapag bata ka pa, maaaring may mangyaring mga bagay na hindi mo pa makakayanan. At least if you are matured enough, you'll know what to do." dagdag pa ni Mama.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon