CHAPTER 3

174K 3.3K 145
                                    

"Are you deaf, Miss? I'm asking you a question here."

Shucks talaga! Ang gwapo ng boses! Okay, Cechxia... lingon ng dahan-dahan... paskil na ng oh-so-sweet smile mo.

Shoot. Sya si... s-si...

"Grae Dominic Rodriguez?" tanong ko pa in the state of shock. Nanlalaki pa ata ang mata ko.

"What do you expect, Miss? This is MY office. Now, will you answer my question or do I have to drag you out of MY building?"

Aish. Grabe naman to. Kaladkad agad? Di pwedeng ako na lang mag-isa? Kaya ko namang bumaba, eh. Hello, kinder?

Pero... uh... ano nga ulit yung tanong nya? Grabe! Sa sobrang gwapo nya, nadidistract ako. Kung gwapo na sya kaninang nakita ko sya sa ground floor, mas gwapo pala sya sa malapitan. Is it even possible na habang palapit ng palapit ang tingin mo sa isang tao, pagwapo sya ng pagwapo?

Alam nyo yung mukha syang K-pop idol? Argh! I'm not a fan of any K-pop group pero... pero siguro kung sya ang isa sa mga members magiging super fan girl ako! Grabe! May hawig sya kay Kim Bum! Si Kim Bum, kilala ko? HAHAH Boys Over Flowers? Death Bell? At ang height, panalo! Six feet or more ata sya. Eh ako, five-seven kaya mas matangkad pa rin sya ng di hamak sa akin. Grabe! Ang kinis ng kutis! Belo?

"Miss, do you know how stupid you look right now? Alam kong gwapo ako, but stop day dreaming of me and just answer my question."

Grabe! Bilib na ako sa confidence ng taong to. Pero sabagay, gwapo naman talaga sya, di ba?

"Miss, kung magde-daydream ka lang naman sa akin, mabuti pang umalis ka na lang o ipapapulis kita. You are wasting my time. And how did you get in anyway?"

Argh! Ano ba kasi, Cechxia! Umayos ka nga.

"Uh... ano nga ulit ang tanong mo?"

Umiba naman yung expression ng mukha nya. Parang nagulat na galit. "Seriously, Miss? Ganyan na ba ang epekto ng kagwapuhan ko sayo? I really hate repeating myself to someone so stupid."

ANO?! Anong stupid?! Antipatiko! Arogante!

"Teka nga! Nakakasobra ka na, ah! Grabe namang katangahan ko yan!"

"Bakit, totoo naman ah? Miss, kung wala ka namang isasagot sa mga tanong ko sayo, umalis ka na lang o magpapatawag ako ng pulis!"

"Sandali!" Kinuha ko yung Press I.D ko sa bag at iniabot sa kanya. Kaya nga lang medyo malayo kami sa isa't isa kaya hindi naman nya maabot.

"Sinong lalapit, ako pa?" tanong nya.

"Like duh. Syempre. Kung sinong may kailangan, syang lumapit." asbi ko naman sa kanya.

"You are in my teritory so technically, you'll do what I wanted you to do."

Argh! O sige na nga. Ako naman ang nag-invade kaya keri na. Hmp! Lumapit nga ako sa kanya at ipinakita yung I.D ko. Kinuha naman nya at napataas kilay sya sabay tingin sa akin na parang hindi makapaniwala.

"Seriously, sa sobrang katangahan mong yan, magazine writer ka? At under pa ng News Ngo?"

Ay wow! Grabe manlait, Kuya? Argh! Spell BWISIT!

"Excuse me, I'm not stupid. Napaka arogante mo talaga!"

Ibinalik nya sa akin yung I.D ko tapos pinamulsa nya yung mga kamay nya.

"So, Miss Garcia, what are you doing here in my office?"

"I want to have an interview of you."

Tinaasan nya ako ng kilay. "For what?"

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon