CHAPTER 34

146K 3.1K 83
                                    

Hindi ko na mabilang kung ilang buntong hininga na ang nagawa ko. Pinaglalaruan ko lang ang pagkain sa aking plato gamit ang tinidor.

"Isa pang buntong hininga mo at tatamaan ka na talaga sa akin, Garcia. Kaloka! Ilang buntong hininga ba ang target mo? Balak mo bang mapabilang sa Guiness Book?"

Napatingin ako sa taong nakaupo sa harapan ko. Ang nakakunot noong mukha ni Schulaika ang bumati sa akin. Nakahalukipkip pa ito tanda ng pagkairita.

"Maarte much? Pasensya naman, di ba?" sabi ko sa kaniya.

"May problema ka, no? Sa puso ba yan? " tanong naman ni Schirina na nasa kaliwang bahagi ko.

Nasa isang pang-apatang mesa kaming tatlo rito mismo sa Schulaika's. Ang totoo niyan, gusto ko lang talaga ay mag-unwind ng mag-isa ngunit nilapitan naman ako nitong si Schulaika. Tapos nakita ko ring mag-isang kumakain si Schirina kaya niyaya na lang namin siyang sumama sa amin.

Schirina Serano, isang sikat at in demand na modelo ngayon. With her body and looks, siya ang madalas kunin ng mga endorsers at magazines. Ilang beses na rin akong naging photographer niya kaya masasabi kong close na rin kami.

"Oo, sa puso nga ito."

Schulaika feigned shock. Ang OA talaga. "OMG! Mamamatay ka na?! Twka lang, wait! May last will ka na ba? Ipamana mo sa akin lahat ng kayamanan mo! Dali!"

Pinukol ko siya ng isang masamang tingin na kung nakamamatay lang ay kanina pa siya nakabulagta sa sahig at naliligo sa sariling dugo. Ang OA masyado. Ni hindi man lang ako sineryoso. Kaibigan ba yan, ha?

"Tigilan mk nga yan, Schulaika at baka ikaw ang maagang mamatay." natatawang saway dito ni Schirina.

I just rolled my eyes at them.

"Okay. Seryoso nga. So, ano ang problema?" tanong ni Schulaika.

"I am in love." sagot ko.

The two just stared at me. Palipat-lipat naman ang tingin ko sa dalawa at nag-eexpect ng isang bayolente at OA na reaction. Pero lumipas na ang ilang sandali ay wala pa rin silang imik.

I raised both my brows in question. "What, no comments or violent reactions?"

"In love ka ba sa may asawa, may girlfriend, sa bakla, o sa may sabit na?" tanong ni Schulaika.

Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata. "Hindi no! None of the above."

"Yun naman pala, eh. Edi walang problema." bale walang sabi ni Schulaika as if it was the best explanation to the problem.

"Hindi naman kasi yun! In love ako sa lalaking may gusto na sa iba, okay?" sabi ko naman na parang nagpapaliwanag sa isang paslit.

"May commitment na ba siya kay girl?" tanong naman ni Schirina.

Umiling lang ako bilang sagot. "Yun naman pala, eh. No commitment. At saka gusto niya lang naman pala, hindi pa mahal. Anong problema dun? Di paibigin mo."

I smiled sadly. "Hindi naman kasi ganon kadali yun. Lagi niyang sinasabi sa akin na gusto niya yung babae. Plano niyang ligawan yung babae and what's worse, may plano siyang pakasalan! Masakit kaya yun! Pero hinalikan niya ako at saka tinatawag na 'baby' kaya hindi ko maiwasang umasa. He's always do things that makes me feel special. Alam niyo yun? Kapag naman pinapaalala ko yung girl, sasabihin niy makikilala ko sa tamang panahon."

"So ang problema mo, hindi mo mapigilang mas mahalin pa itong si guy  knowing na may iba siyang gusto." summarize ni Schulaika.

Tumango naman ako. "Oo. Ayoko na kasing umasa at masakit."

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon