CHAPTER 15

151K 3.3K 288
                                    

Oo nga pala. Kung may hindi komportable sa ibang mga salita na ginagamit ko sa kwentong ito, sorry po. I do not mean to offend anyone. Sorry for the foul words.

Saka sorry for the typos from the very beginning at habang nagpapatuloy ang kwento. Ako kasi ang pinakatamad na tao sa pag-eedit.

*****

Nakaupo ako sa visitor's chair sa harap ng desk ni Rodriguez. Nakaupo siya sa swivel chair habang nilalaro ang Parker Pen sa kamay.

Siyet! Mabuti na lang hindi niya pinansin yung sinabi ko sa kanya sa elevator! Nakakahiya! Bakit ko ba naisip at sinabi yon? Hello, he is not your typical hero in a novel. Nakakainis!

"Oo nga pala. Ang pangit mo pa lang magjoke, no?" basag ko sa katahimikan. Kanina pa kaya kami rito.

Tinaasan niya ako ng kilay. Ayan, ang sabi ng kilay niya, "Talaga? Bakit naman?" Oo naiintindihan ko ang kilay niya.

"Last na yun ha? Aatakehin sa puso ang binibiro mo, Rodriguez. I-joke mo ba naman ang sesantehin siya? Grabe, you are unbelievable! Wag mo ng uulitin yun, ha?"

Nagkibit balikat lang siya. Ang sabi naman ng balikat niya, "I don't care."

Nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang init ng kamay niyang nakabalot sa akin kanina. Pakiramdam ko dumadaloy pa rin ang maliliit na boltaheng nanggagaling sa kamay niya. At habang inaalala ko ito ngayon, bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

Oh please, Garcia! Stop doing that or else... baka makarating ka sa puntong hindi mo magugustuhan.

Setting aside those feelings, tiningan ko siya. "So, ano na ang terms and conditions mo, Rodriguez?"

He leaned on his seat and stared straight in my eyes, causing the same effect to my heart. Argh! Nauumay na ako kauulit, ha?

"One, you will be Zamara's guardian until Flor came back. Two, you will stay in her school from the start of her class until the end. You will take care of her every needs, everything. Three, your work will start from five in the morning until she sleeps. Which means you have to stay at my house the whole time."

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang huli niyang sinabi. "What?! I'll live in your house for a week?! Ibabahay mo na agad ako ng hindi pa tayo kasal?!"

Pambihira! Bakit kailangan kong gawin yon? I mean, with everything I try to ignore makakasama ko pa siya sa iisang bubong? Ng isang linggo? Oh, please!

Tiningnan niya naman ako na para akong baliw. Yung tipong sinasabing hindi mangyayaring ibabahay niya ako.

Ngumisi ako at nag-peace sign. "Ito naman, joke yun. Basag trip ka talaga kahit kailan, ano? O sige uulitin ko... What?! I'll live in your house for a week?! O ano, ayos na?"

Tumango-tango naman siya. "Yes. You have to attend to her needs the whole time, weekends included. Which brings me to the last condition. You will have to make sure she does her homework before she watch television or play. You have to let her eat, brush her teeth, and take her to bath. That's it."

Nakatulala pa rin ako sa kanya. Parang wala lang sa kanya lahat ng ito. Hello, ako kaya ang agrabiyado rito! Aaaahhh! Kung hindi lang promotion ko ang nakataya rito, naku.. Hindi ko to gagawin!

At saka kung makapagsabi naman ito akala mo habang-buhay na akong titira sa bahay niya. Isang linggo lang naman.

Kunwari ka pa, Garcia, gustong-gusto mo namang makasama sa iisang bubong yang hombre na yan. Pademure ka pang bruha ka! Gusto mo naman ang idea na ibabahay ka niya!

Tse! Tumahimik ka! Ang sagwa kaya ng "ibabahay". Parang feeling ko kabit ang peg ko nun.

Kanino ba nanggaling? Di ba sayo? Hay naku. Ayoko na ngang makipag-usap sayo. Babush!

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon