CHAPTER 6

136K 2.8K 28
                                    

Nagising ako sa pakiramdam na may tumutusok sa pisngi ko. Kasabay noon ay ang hagikhik ng isang batang babae. Iminulat ko ang mga mata ko at una kong nakita ang mukha ng isang cute na cute na bata. Ang sarap iuwi! Napangiti ako.

"Hi." bati ko sa kanya.

"Ngumiti naman ng pagkalaki-laki ang bata. Ang cute talaga! "Hello! I am Zamara. Who are you?"

Umupo ako at napansing nasa kama ako. Saka ko lang naalala na nakatulog pala ako sa kama sa opisina ni Mr. Rodriguez. Hala! Ano ulit?!

Nanlaki ang mga mata ko sa naalala ko. Napalingon ako sa bata at nagtatakang nakatingin ito sa akin.

"Are you okay, Miss?" tanong nito sa akin.

I smiled. "Og course. Sorry. Ahm, by the way, I am Cecxhia Garcia. Nice to meet you, baby girl."

Hinaplos ko ang pisngi niya at humgikhik ito. Mas napangiti ako sa naging reaksyon niya. Ang cute talaga ng bata. Light brown yung mga mata niya na medyo singkit, matangos ang ilong, ang puti ng balat, saka ang pink-pink ng labi niya. Ang puputi at pantay ng mga ngipin. In short, ang cute nga!

"Hello." Lumuhod siya sa kama. Ngayon ko lang napansin na nakaupo pala siya sa tabi ko. "This is the first time I saw you here. What are you doing here? Are you my Daddy's girlfriend? Oh, oh! Are you going to be my Mommy? Yehey!

Natulala ako sa mga pinagsasabi ng batang ito. Ang saya-saya niya at nagtatatalon sa kama habang ako nakatulala lang at nagpa-process pa sa utak ko sa sinabi niya. Teka, teka. Ako, magiging ina? As in mother, mommy, nanay, inay, ina ng isang bata? Batang kahit cute eh di ko naman kilala. At teka, sino ba ang tatay nito?

"Zam, stop jumping on my bed! You might fall there!"

Napalingon ako sa nagsalita sa may pintuan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nakatayo roon. Oh. My. Gosh. I. Am. So. Dead.

"Daddy!"

Biglang tumigl sa kakatalon si Zamara at saka patakbong lumapit sa taong nasa may pintuan. Bahagyang bumaba ang lalaki at saka kinarga ang bata paglapit nito.

"Daddy, daddy! I already met your girlfriend, Cecxhia! Will she be my Mommy, too, Daddy? I want her to be my Mommy!"

Biglang napalingon sa akin ang tinatawag niyang "daddy". Sa sobrang bilis, hindi na ako magtataka kung maputol man ang ulo niya o mabali. Tiningnan niya ako na parang nagtatanong kung ano ba ang pinagsasasabi ko sa anak niya.

Oh. God. May anak siya?! As in... si Grae Dominic Rodriguez, ang isa sa pinakamayamang lalaki sa bansa, may anak?! Shit! Scoop ito!

"Baby, can you please go to yaya first? I'll just be talking to her."

"Okay, Daddy." Bumaba si Zamara sa pagkakakarga sa kanya ni Dominic at saka siya lumabas. Pero bago yun, "Bye, Mommy! Let's play later okay?"

At lumabas na siya ng tuluyan si Zamara. Narinig ko pa ang sinasabi niya sa labas, "I have my Mommy, Yaya!"

Napapikit ako at napabuntong hininga. Ang cute na batang yun nakakainis din pala.

"Now, Miss Garcia, we need to talk."

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon