CHAPTER 20

151K 2.6K 35
                                    

Nagising ako sa pakiramdam na nauuhaw. Tumingin ako sa wall clock at nakita kong thirty minutes past twelve midnight na. Ang sabi pa naman nila, kapag nagising ka raw sa madaling araw ay may gumising daw sayong multo.

"Ano ba, Cexchia. Takutin mo ba naman ang sarili mo?" pagkastigo ko sa sarili ko.

Bakit ba kasi walang personal fridge rito sa loob? Eh di sana hindi na ako bababa sa madilim na bahay para uminom lang ng tubig.

"Argh! Stop scaring yourself, Garcia!"

Inaantok na bumangon ako at nag-inat bago sumilip muna sa labas ng pintuan. Ang dilim sa pasilyo ng second floor, nakakatakot!

Okay, Cexchia, kaya mo yan. Diyosa ka, di ba?

So with a deep sigh and a brave heart, I exited my room and prayed to all who can help me from up above the world so high.

"Kaya mo yan, Cexchia. May scapular ka naman. Blessed naman yan at gabi-gabi mong dinadasalan. Isa ka rin naman sa mga mabubuting nilalang na ibinigay ng Diyos sa sanlibutan."

Madilim ang buong kabahayan. Ang tanging ilaw ay ang mga night lights na malimlim lang ang liwanag. Sumilip muna ako sa ibaba at nagdasal muna sa lahat ng maaring makatulong na wala akong makasalubong, makita, marinig, o makausap na lumulutang sa hangin.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan na palingon-lingon sa likuran, gilid, at unahan habang abot hanggang langit ang kaba ko.

Pagkababang pagkababa ko, kumaripas kaagad ako ng takbo papuntang kusina ng hindi na tumingin sa malaki ngunit medyo madilim na sala. Tanging night lights lang ang liwanag dito sa ibaba kaya naman umaandar ang imagination ko bilang writer.

Pagkarating sa kusina, binuksan ko kaagad lahat ng ilaw na hingal na hingal. Dali-dali akong kumuha ng baso at tubig sa ref at saka nagsalin bago inisang lagok ang tubig.

Grabe, iinom lang ng tubig ang dami ko ng pinagdaanan. Magrerequest talaga ako ng personal fridge o kahit cooler na lang.

Ibinalik ko ang pitsel sa ref at hinugasan ang baso bago bumalik sa kwarto. Huminga muna ako ng malalim at katakot-takot na kumbinsi muna sa sarili ang ginawa ko bago mabilis na isinarado ang lahat ng ilaw sa kusina at dali-daling tumakbo papunta ng hagdan.

Malapit na. Malapit na. Makakaakyst ka na.

Bago pa ako makaakyat sa hagdan, biglang bumukas ang lamp shade sa sala na nakapagpatigil sa akin.

Kumabog ng mabilis ang puso ko at lumalim ang aking paghinga. I stand rooted on my place unable to move a muscle. Shit! Ito na ba yun? Makakakita na ba ako ng isang nilalang na buhay minsan?

Bakit hindi ka pa tumakbo? Run for your life nga, di ba? Garcia naman!

Ganito siguro ang feeling ng lahat ng taong nakakakita o makakakita o nakakaramdam ng takot. Feeling ko nasa movie ako at ako ang magandang bidang babae sa isang horror movie.

Pumikit ako ng mariin at pinilit ihakbang ang aking mga paa ng biglang may humawak sa aking balikat.

Nanayo ang lahat ng buhok sa katawan ko at natigil ang aking paghinga. Oh shit, katapusan na ng lahi ko! Wala pa naman akong napagpapasahan ng perfect genes ko. Wala pa akong naicocontribute na nilalang sa mundo. Ano na lang ang sasabihin ni God kapag nagkita na kami? Please, help me po!

"Hey--"

Napatili ako ng magsalita ang hindi na dapat nagsasalita sa likuran ko. As in sobrang tili na mabubulabog ang buong kabahayan kung hindi lang tinakpan ng "nilalang" ang bibig ko.

I struggled against its hold. Kailangan kong makatakas dito! I love my life! Wala pa akong first kiss! Wala pa akong experience! Hindi pa ako napopromote!

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon