CHAPTER 26

134K 3K 166
                                    

"I'm on my way, Athena. Relax." Kausap ko ngayon sa phone si Athena. Pinapadali niya akong pumunta sa studio kung saan gaganapin ang photoshoot ng billionaire bachelors.

Yes. The photoshoot is today. At ako ang photographer.

And yes again. Nainterview ko na silang lahat. Curious? Wait for their turn.

"Bilisan mo. Kumpleto na ang lima ngayon. Nasaan ka na ba kasi?"

"Palabas na ng reception. Wait nga lang. Basta papunta na ako diyan, okay? Bye."

Hinarap ko naman si Cronus at ang crew namin sa CC Photography nanakasunod lang sa akin. Nagcover kasi kami ng kasal ngayong araw at katatapos pa lang nito.

"C, I'll go ahead. I have another appointment today. Ikaw na ang bahala sa mga kolokoy na ito." sabi ko kay Cronus.

"Sure thing. Go ahead. You have that photoshoot for billionaire bachelors, right?"

Tumango ako sa kanya. "Bye guys! Kita-kits sa susunod na maligaw ako sa CC, ha? Singilin niyo muna si Cronus ngayon."

"Sige lang, Cexchia. Kaya na namin to." sabi ni Alex, isa sa mga videographers.

"Bye, Cexchia!" sabay-sabay na sigaw nila habang papasok ako sa kotse.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin ako sa studio. Bumaba ako sa kotse at naglakad papasok. Nakasabit sa leeg ko ang dSLR na gagamitin ko sa photoshoot.

"Finally, you're here!" sigaw ni Athena pagkapasok na pagkapasok ko pa lang.

Lingunan naman sila sa akin lahat. I smiled sheepishly. Bwisit na babaeng ito, pinapahiya pa ako!

"Sorry, I'm late. Nagphotographer pa kasi ako sa kasal and katatapos niya pa lang. So, shall we start?"

Naglakad na ako palapit sa white screen na pagshu-shooting-an namin. Nakaupo sa may gilid nito ang limang lalaki na nakasuot ng business suit.

Hindi maikakaila na ang gwapong tingnan ng lima. They all look gorgeous and hot. Kaya nga hindi na nakakapagtaka na halos lahat ng crew and staff ng naturang photoshoot, mapababae o lalaki, ay hindi maialis ang mga tingin sa kanila.

Sumipol si Zaccheus habang naglalakad ako papalapit sa kanila. He had this sly smile on his face.

"Sorry, I'm late gentlemen. Nanggaling pa kasi ako sa isang kasal. Photographer."

"Kaya pala mas gumanda ka ngayon, Cexchia. Kukunin kita araw-araw na photographer sa kasal." nakangiting sabi ni Zaccheus.

"Umatake na naman yang kalandian mo, Zaccheus Villamonte." Xrizcianno countered.

"May plano ka bang magpakasal araw-araw, Zach?" tanong naman ni Gregory.

"The f, dude?! Hindi ko sinabing ako ng magpapakasal! No, never! I'll sponsor a wedding a day is what I'm trying to say." sagot agad ni Zaccheus.

Typical playboy. Ayaw sa salitang "kasal". Maghintay ka lang Zaccheus, tatamaan ka rin ni Kupido. Nakaplano na ang kwento mo, di ba author? *wink*

"Makakahanap ka rin ng katapat mo, Zaccheus." nakangising sabi ni Vernon.

"Shut up, Wilson! That will never happen." tanggi agad ni Zach.

"Malay mo magdilang anghel si Vernon."

"Ako na ang bestman."

"Ako ang bestfriend kaya ako ang bestman, Greg."

"Anong ikaw? Ako kaya, Xrizcianno. Wag kang epal."

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon