CHAPTER 27

145K 3.7K 227
                                    

SnA:
Hi flolynj! Natuwa ako sa paggawa mo ng reading list for my TBBS :) at saka sa pagvote na rin. Thank you!

At salamat din sa mga nagcomment sa story ko. Hindi man marami at mabibilang lang sa daliri, masaya na ako ng bonggang-bongga! Please continue supporting!

Nagpaplano akong gumawa ng isa na naman one shot. Gusto niyo? Hahaha Nabasa niyo na ba yung iba kong one shot? Kung hindi pa, basahin niyo please. Salamat!
*****

"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Grae for the nth time.

"Itatanan na nga kita."

Napasimangot ako. Hindi na ako kinikilig. Kanina pa kasi ganyan ang sagot niya at nawala na ang epekto sa akin. Naiinis na ako ngayon sa kanya. As in, naiinis!

"Kidnapping tong ginagawa mo."

He just shrugged. Argh! Napatakip na lang ako sa mukha ko sa sobrang inis. Hindi ko na lang siya pinansin habang bumabiyahe kami sa kung saang lupalop man niya ako dalhin.

Makalipas ang ilang minuto naging pamilyar sa akin ang daan. Pamilyar siya sa akin. Parang...
"Teka, papunta to sa Rodriguez Tower, ah? Anong gagawin natin doon?"

"Basta. Don't ask too much. You'll know when we get there."

Edi wow. Tumahimik na lang ako kahit na gustong-gusto ko na siyang sigawan. Balik na naman siya sa ugali niya. Kainis!

Nakarating na kami sa RT. Pagkapark niya ng kotse lumabas kaagad ako at hinintay siya. Nakakunot noo siyang tumingin sa akin.

"What?"

"Why didn't you wait for me to open the door?"

I rolled my eyes. "I can do it myself, thank you very much."

"Hinayaan mo na lang sana akong pagbuksan ka."

Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit?"

He sighed exasperatedly. "Because I want to."

"Not because you want to, you can. Alangan namang bumalik ako sa loob para lang pagbuksan mo? Now, are we going to argue here all day or go wherever you'll take me to?"

Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago siya naglakad papunta sa loob ng building.

So ano, big deal? Para pintuan lang?

Rolling my eyes, I followed him inside. Binati ako ng guard pagpasok ko at nginitian ko siya pabalik. Siya rin yung guard nung pumunta ako rito para sa interview.

Napapatingin naman sa akin halos lahat ng madaanan ko. Ewan ko ba, iba talaga kapag maganda ka. Napapalingon lahat sayong ganda. Napangisi ako sa naiisip ko.

Naabutan ko sa harap ng private lift si Grae. Para talaga niya akong hinihintay. Aww... biglang tumalon si heart sa ideyang yon. Sumaya naman daw siya.

"Hala, kaya pala walang coat si Sir ngayon. Nakasuot pala sa kanya."

"Oo nga. Di ba siya yung babaeng sinasabi sa reception area na pinagamit ni Sir niyang private elevator."

"Hala! Oo nga! Siya nga yon. Girlfriend ba siya ni Sir?"

"Infairness, maganda siya."

"Bagay sila ni Sir."

Napapangiti na lang ako sa mga naririnig kong bulung-bulungan. Bagay talaga kami nitong sinisinta ko, no. Hindi naman ako pumipili ng hindi kalebel ng kadyosahan ko.

Kaya lang biglang pumasok sa isipan ko ang interview niya.

G. Ang babaeng espesyal sa kanya at plano niyang ligawan at pakasalan.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon