CHAPTER 42

142K 2.8K 34
                                    

SnA:
Dapat talaga walang update. Kaya lang nung pagbukas ko ng Wattpad account ko kanina, nabigla ako dahil nakita kong #381 na siya sa Romance tapos biglang naging more than 7K na ang reads overnight! Parang kahapon lang nung pag log out ko nasa 6.1(or 4)K lang siya tapos #403 sa romance. Natutuwa talaga ko, as in! Kaya maraming salamat sa lahat ng nagbabasa at nagvo-vote. Kayo talaga ang inspirasyon ko rito.

Unedited.
*****

Kagagaling ko lang sa Forever Beauty para ipasa ang draft article ng issue ni Xrizcianno for the next month. Papalabas na ako ng building ng tumunog ang aking cellphone. Huminto muna ako at sinagot ang tawag.

"Yes, hello? You are calling the goddess of beauty. How may I help you?" bati ko sa nasa kabilang linya.

A deep baritone chuckle came from the other line. "Hi, goddess. Where are you?"

Tiningnan ko ang caller ID sa screen at nanlaki ang mga mata ng makitang pangalan ni Grae ang nakalagay. Dali-dali ko itong ibinalik sa aking tenga at alanganing tumawa. "Hi, Grae. Ikaw pala ito."

"Why, were you expecting someone, baby?"

"Ahm, hindi naman. Hindi ko lang kasi tiningnan yung caller ID. Anyway, papalabas ako ng building ngayon. Nagpasa kasi ako ng article, eh. Bakit?"

"Guadel called me. She wants us to come to the venue today. Ngayon daw kasi ang fitting ng mga damit. Let's go together. I'll be fetching you there."

May gagawin pa ba akong iba pagkatapos nito? Ahm, wala naman na ata, "Sure. I'll wait for you here."

"Okay. Bye, baby."

Umupo muna ako sa receiving area sa lobby habang naghihinray sa pagdating ng aking prince charming para sa aming date.

Okay, sa fairytales lang may ganon. Sa mythology nabibilang ang lalaking hinhintay mo. He's a Greek god. remember?

Para hindi ako mabore, naglaro muna ako sa phone ng Design This Home. May income na raw kasi yung bahay ko: isang Family Home at saka Villa. Okay, naiintindihan niyo ba?

Engross na engross ako sa paglalagay ng mga bagong gamit ng makarinig ako ng tilian sa labas. At dahil alam niyo namang isa akong dakilang curious, lumabas ako para tingnan kung ano ang tinitilian nila.

Baka may naghuhubad?! Ay, gora ako diyan! Gusto ko yan!

Dahil siksikan sa may entrance ng building, nakipaggitgitan ako sa dagat ng tao para lang masatisfy ko ang curiosity ko. Hindi ako tsismosa, okay?

Nang makalampas sa dagat ng basura--I mean sa dagat ng tao, huminga ako ng malalim dahil feeling ko naubusan ako ng oygen dun.

Pagtingin ko sa may unahan, natigilan ako sa nakita. Bumilis ang tibok ng aking puso ng makita ang kanilang tinitilian.

Grae was leaning on his car while his hands were folded acrosa his chest. He also had a Ray-bans on at animo isa siyang model sa suot na business suit. He looks dashingly handsome as ever.

"Shet, bakla! Makalaglag panty ang kagwapuhan ni Dominic, no?"

"Ay, talaga? Nagpa-panty ka, bakla?"

"Oo naman! Girl kaya ako! Late lang magdevelop ang katawan ko pero babae po ako!"

"Shucks! Ang gwapo talaga!"

"Paano pa kaya yung apat kapag nakita na natin ng personal?"

"Omg! Pwede na akong kunin ni Lord nun!"

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon