CHAPTER 17

144K 2.8K 52
                                    

SnA:
Okay people. Magso-sorry na ako as early as now sa mga typos sa chapter na ito at sa mga succeeding chapters. Ipagpatawad nyo na rin ang mga mali at typos simula sa Prologue. As always ako ang pinakatamad mag-edit. At saka sa phone ako nagta-type kaya medyo iba yung napipindot ko minsan.

Ang dami kong naiisip na scenes hindi ko lang alam kung paano at saan ilalagay o dapat pa bang isali. Anyways, here's the 17th chapter. Enjoy!
*****

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip sa loob. Napangiti ako sa katahimikan, ibig sabihin tulog pa ang sadya ko.

Tuluyan na akong pumasok at binuksan ang ilaw. Pink na pink ang buong kwarto mula sa pintura nito hanggang sa mga gamit.

Tumingin ako sa kama. Napangiti ako ng makitang tila nilamon ng mga stuffed toys ang isang cute na cute na bata na maliit para sa malaking kama. Nilapitan ko ito at umupo sa tabi.

"Hey, Zamara. Wake up, let's prepare for school, dear." gising ko rito.

Nasa loob ako ng kwarto ni Zamara ngayon. This will be the start of my week long work as this child's nanny. It's six in the morning and Zamara's school starts at eight. Kailangan ko pa siyang asikasuhin bago ako mag-ayos.

"Hey, Zamara. Hey, wake up."

She mumbled something unintelligible and she turned towards me, hugging my hand that was waking her up. I smiled.

Ang cute talaga ng batang ito! Kagabi nung bumaba ako para sa hapunan nagulat siya at sa sobrang tuwa ay nagtatatalon bago mabilis na tumakbo palapit sa akin at yumakap ng mahigpit. Nagpakandong pa nga siya habang kumakain at sinusubuan ko.

Mabuti na lang at hindi na masyadong nagtanong si Rodriguez kung sino ba yung "I like him" na monologue ko kagabi. Grabe, nakakahiya. Nakita na naman niya akong nagbabaliw-baliwan.

Tinanong ba naman ako kung siya yung gusto ko raw. Ang kapal ng fez. Akala niya sasabihin kong siya talaga? Siyempre, hindi ako umamin ano. Sabi ko si Ian Somerhalder yung gusto ko. Ayun, walang emosyon niya akong tinitigan at sinabihan lang na kakain ng hapunan ng alas siyete y media at lumabas na ulit.

Unti-unting nagmulat ng mga mata si Zamara. Sleepy eyes stared at my smiling ones.

"Hi, Zam. Good morning." I greeted, smiling.

Her sleepy eyes widened and she beamed. Mabilis siyang tumayo sa ibabaw ng kama at yumakap sa leeg ko bago ako pinaghahahalikan sa pisngi.

"Good morning, Mommy! I thought I wouldn't see you when I wake up!" hyper na pagkakasabi niya.

Nakangiti kong sinuklay ang buhok niya. "I promised, right? And we already explained to you that I will be your nanny and so I will stay here."

She nodded eagerly. "Yes, Mommy! And I am so happy. I just wish you'll stay here forever with us. Being my real Mommy and my Daddy's wife, of course."

Mas lalo akong napangiti sa idea na titira ako rito bilang asawa at ina. Kaya lang that would be a wishful thinking. Ayos na sa akin na mangarap na lang tutal tanggap ko naman na nagkagusto na ako sa isang Grae Dominic Rodriguez, a billionaire bachelor.

"Okay. I'll give you a bath. Come."

Dinala ko siya sa banyo at sinimulang paliguan. Gusto nga niyang magbabad sa bathtub kaya lang ang sabi ko hindi na muna kasi baka malate siya. Mabuti naman at nakikinig siya.

After giving her a bath, binihisan ko siya ng uniform at sinuklayan. Mamaya ko na lang siya iipitan dahil basa pa ang buhok niya. Mamaya na rin ang medyas at sapatos kapag tuyo na ang paa para iwas amoy.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon