CHAPTER 48

126K 2.1K 39
                                    

SnA:
Di ko alam kung kailan to masusundan. Semi-fi na kasi namin kaya aral-aral muna.

Unedited.
*****
Seryoso akong nakatitig sa screen ng laptop ko. Nire-revise ko kasi ang article about kay Xrizcianno dahil ipapasa ko na ang final draft nito bukas para maipublish na. One week na lang at ire-release na ang third issue.

Natigil ako sa pagtipa ng makarinig ng mabigat na pagkatok sa cubicle ko. Napaangat ako ng tingin. Ang nakabudangot na mukha ni Francisco Melchor Antonio ang nakita ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ang nagawa ko sa kaniya. Kaya na rin siguro ganito na lamang ang kaniyang pagsimangot dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya iyon makalimutan. Hindi niya nga rin ako pinapansin, eh.

"Yes, Francisco--"

"Ang ingay ng telepono mo. Kanina pa yan. Kung ayaw mong sagutin pakitanggal ang hook." Pagkasabi niyon ay agad siyang nawala. Magkatabi lang kasi ang cubicle namin kaya sumilip lang siya.

Saka ko napansin na tumutunog nga ang telepono ko. Naiilinh na agad ko naman itong sinagot.

Mahalikan nga mamaya si Francisco at ng lalong mainis.

"Hello. This is Cexchia Garcia of Forever Beauty, how may I help you?" bati ko sa nasa kabilang linya.

"Is that really you, C?" parang namamanghang tanong ng nasa kabilang linya.

"C. Yes, this is me."

"What happened to your usual greetings? Are you really okay?"

"I am, Cronus. Anyway, why did you call?"

"Yeah. About that. I just want to inform you that our service is needed next Friday for a very important event."

"Friday? I'm sorry, C. Pero the same day din kasi yung fashion event ni Guadel. I can't come with you." hinging paumanhin ko.

"Oh? Okay. I think we can already handle that. What's important is that you know. Anyway, good luck for your first ever modelling event, Cexchia! I just wish I can watch you walk." May panghihinayang na sabi nito.

I chuckled a little. "Don't worry, C. I'm sure it will be on the news. You can just watch there."

I heard her soft chuckle on the other line. "I bet it will. And I am so excited on what is going to happen. I'm sure you will be very happy, C. You will never forget that Friday."

Nagtatakang napakunot ang noo ko. Bakit pakiramdam ko iba yung ibig sabihin ni Cronus? Parang iba yung tinutukoy niya, eh.

"Are you still referring to the fashion event or something else?"

Tumawa naman ito. Tawang parang may alam na hindi ko alam. "Oh, C! Good luck! And don't miss him too much. Bye!"

Napatitig na lamang ako sa cellphone ko ng ibaba na niya ang tawag. Ano ba ang sinasabi ni Cronus? Parang iba kasi talaga, eh.

"And don't miss him too much."

Don't miss him too much? Is he referring to...

Okay, Cexchia! Stop thinking about him. Iiyak ka na naman niyan. Tama na nga, okay? Magtrabaho ka na. Sige na.

Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago bumalik sa pagta-trabaho.

Ilang oras na ang nakalipas ng hindi ko man lamang napansin ang oras. Kung hindi pa nangalay ang batok ko sa pakikipagtitigan sa screen ng laptop ko ay hindi pa ako titigil. Ni hindi ko man lang napansin ang oras sa laptop. Ang liit kasi. Sanay pa naman ako sa malaki.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon