CHAPTER 38

143K 3K 41
                                    

SnA:
And our intramurals has ended. Balik normal na naman ang pasok. Sana laging intrams no? Hahaha

May mga tao pala talagang kagaya niya. Now I know. Di hindi na pansinin para wala na siyang dibdibin.

At dahil nanalo na naman ang Ginebra sa game nila nung Sunday against Star, sinipag akong mag-update at ito ang kinalabasan. Nagsusulat pati ako ng draft habang nanonood.

Naaamoy ko na rin ang nalalapit na pagtatapos ng kwento nila Cexchia at Grae. Mga 20 chapters na lang. Joke.

Dedicated sa kaniya kasi natuwa ako sa convo namin nung nakaraan. Salamat saiyo!

  SALAMAT DIN SA LAHAT NG FOLLOWERS, READS, COMMENTS, AT VOTES GALING SA INYO! Sana walang magsawa! Salamat.  

Unedited.
*****
Natigil ang pagtipa ko sa keyboard ng aking laptop ng may kumatok sa pintuan ng aking condo unit. Inalis ko ang radiation glasses ko at saka tinungo ang pintuan.

Binuksan ko ang pintuan at nahigit ko ang aking hininga ng makita ang taong nakatayo sa labas ng pintuan. Bumilis ang pintig ni Heart Evangelista sa loob ng aking rib cage.

"Hi, baby. Good evening."

"Grae..." I greeted back breathlessly.

He stood in front of me with his business suit with a bag in one hand and a bouquet of roses on the other. He handed me the bouquet and I absentmindedly reached for it without tearing my gaze from him.

"Hindi mo ba ako papapasukin?"

"Uh..." Tumikhim ako at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. "Yeah, tuloy ka."

Pumasok naman siya sa loob at dumiretso sa sofa kung saan ako gumagawa kanina. Pagkasara ko ng pinto ay naglakad akong muli papunta sa dati kong pwesto. Siya naman ay hinubad ang kaniyang suit at itinupi hanggang siko ang sleeves ng kaniyang puting polo.

"You're still working." komento niya na nakikisilip sa laptop ko.

Isinuot kong muli ang salamin sa mata at itinuloy ang ginagawa ko kanina. "Yeah. Hinihingi na ng editor ko yung article for next month's issue. Yung kay Xrizcianno."

"Isn't it overtime?"

I chuckled without looking at him as I continued typing. "Nope. Wala namang fixed time ang pagtrabaho ko."

"You don't go to your office?"

Umiling ako sa tanong niya. "Hindi. Thou meron akong table sa opisina namin pero bihira lang akong magstay doon. You know, lagalag ang kaluluwa ko at hindi mapirmi sa isang lugar lang ang pwet ko kaya mas gusto kong magsulat sa kung saan at kung kailan ko gusto. What's important naman is makapasa ako on due ng articles."

Hindi naman na siya nagkomento sa sinabi ko ngunit humaplos naman ang kaniyang kamay sa aking buhok dahulan upang madistract ako sa aking ginagawa. Lalo pa't nararamdaman ko ang mainit na hininga niya sa may punong tenga ko. Lumalim na rin ang aking hininga.

"Grae..." mahinang tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" His voice vibrated on my ear sending every fiber of being on haywire.

"Please stop distracting me. I'm trying to concentrate here and finish this para maipasa ko na."

"Okay."

Napabuga ako ng hangin ng umayos siya ng upo. I continued working in silence but can still feel his heavy and intense stare boring on my side. I tried to concentrate at nagtagumpay naman ako.

Ilang oras ang lumipas bago ako nagdesisyon na tumigil muna sa aking ginagawa. I stretched my ands upwards and stretched my head sidewards. I removed my glasses at nakapikit na sumandal sa sofa.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon