CHAPTER 16

150K 3K 214
                                    

SnA (Singit ni Author):

Kung nagbabasa kayo ng Precious Hearts Romances at na-encounter ninyo ang Billionaire Boys Club (BBC) ni Sonia Francesca, mahahalata niyo na hawig ito roon sa BBC. Well, adik ako sa series na yan kaya iyan ang naging inspirasyon ko sa series na ito. I repeat, INSPIRASYON ko ang series na iyon. Idol ko kasi talaga sina Ms. Sonia Francesca and Ms. Sofia.

Okay. Shatap na ako.
*****

Nakatayo ako sa may pintuan at inilibot ang aking paningin sa kwarto. Puti ang pintura ng malaking silid. May queen-sized bed na puti ang kobre kama at ang mga unan; may night stand sa nagkabilang gilid ng kama na may tig-isang lamp shade; sa gilid malapit sa may pintuan ay may parang sala at isang Smart TV; sa kaliwa ng kama ay may isang pintuan sa na sa hula ko ay ang banyo; sa harapan nito ay makikita ang double doors na sa hula ko ay ang walk-in closet; at sa gilid ay isang sliding door papunta sa terrace. All in all, mukha siyang isang kwarto sa isang five-star hotel.

"Ang bongga ng guest room!" nakangiti kong puna sa kwartong tutuluyan ko. "Syet na malagket! Ngayon ko napatunayan na sobrang yaman talaga ni Grae! Hmm... How much more pa kaya ang apat na bilyonaryo?"

Oo nga pala mga dude, nandito na ako sa bahay ng aking amo sa loob ng isang linggo. Grabe, ang ganda ng kwarto ko! Guest room pa lang to. Paano na kaya ang master's bedroom?

"Magpaampon kaya ako sa kanya? Ibebenta ko na ang condo ko." Tinawanan ko naman ang sarili ko. Umaatake na naman kasi ang kabaliwan ko.

Lumapit ako sa kama at ipinatong ang dala-dala ko. Kaunti lang naman to, isang linggo lang naman. Isang maleta lang naman saka isang backpack na kasinlaki ng isang mountaineering bag at isang body bag.

Patalon akong humiga sa kama. Tumalbog pa ako ng kaunti ng tumama ang likuran ko sa malambot na kama.

"Shucks! Ang lambot! This is life!" Nakangiting pumikit ako.

Kahit siguro gumulong ako ng magdamag hindi ako mahuhulog. Malaki masyado ang kama, eh.

"So, you're here."

Napaupo ako ng marinig ang nagsalita. Nakita ko ang isang lalaki sa may bukana ng pintuan na nakasuot pa ng business suit. Nakapamulsa ito at titig na titig sa akin. Nailang naman ako.

"Oo nga. Hindi naman halata, no?"

He raised one brow at me. I made a peace sign and smiled. Tumingin naman siya sa mga bagahe ko na nasa ibabaw ng kama at saka tumingin ulit sa akin.

"O, bakit? Isang linggo akong mags-stay dito, no?"

He shrugged. "Baka may plano kang magstay dito for more than a week."

Napatitig ako sa gwapo niyang mukha. "Ang hot mong managalog."

He raised another brow and his eyes twinkled. He even had a smirk. "Talaga? Hmm... Okay, mananagalog na ako ng madalas ngayon."

Feeling ko namula ako sa pagkakasabi at pagkakatitig niya sa akin.

Tumikhim ako. "Ahm, ano nga pala ang ginagawa mo rito?"

"This is my house. Am I not allowed in my own property?"

"Talk about privacy, dude."

"Hindi uso sa akin yan, baby." And then he smirked.

Tumibok ng malakas ang puso ko at namula naman ako ulit. Shit! Bakit kailangan niyang sabihin ang "baby" at managalog?

"B-bakit ka nagbe-baby?" kandautal-utal kong tanong sa kanya.

He shrugged and then walked towards my bags and picked them up.

"Hoy, snatcher! Saan mo dadalhin ang mga gamit ko?"

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon