CHAPTER 19

146K 2.7K 17
                                    

SnA:
Mukhang naliligaw ng kaunti ang kwento ko Hahaha Dapat pala binasa ko ang synopsis ko bago nagtype ng kung ano-ano. Sige, ayos lang to. Maganda naman ako.
*****
I tucked Zamara in her bed after she had fallen asleep. It was eight in the evening.

Lumabas ako ng kanyang kwarto at pumasok sa sarili kong silid. Grae was not in the house yet. After he dropped us home, he went back to his office to attend to some business.

Eksaktong pagpasok ko ay tumunog ang cell phone ko. I picked it up on the nightstand and saw Renie's name on the screen.

Si Renie ay ang kumo-contact sa akin kapag kailangan ako sa isang photoshoot.

"Hello, Renie." I greeted.

"Hi, Cexchia dear. Available ka ba bukas ng one pm? Kailangan kasi ng photographer sa photoshoot ng Bench. Yung official photog kasi nila ay may ibang photoshoot sa ibang lugar."

"Ahm, hindi ko alam kung pwede ako bukas. Meron kasi akong trabahong importante. Pero I'll try and then I'll talk to you again. Maghanap muna kayo ng back-up in case na  hindi ako pwede."

"Ay sayang. Ikaw sana ang gusto namin pati na rin ni Schirina. Anyways, salamat sa oras and I hope na ikaw ang maging photographer bukas. Good evening, girl."

"Good evening. Bye."

I ended the call and flopped myself on the bed. Gustong-gusto kong magphotographer bukas pero I have a commitment with Grae. Magpapaalam na lang ako and hopefully, sana pumayag siya. Eleven a.m naman ang uwian ni Zamara since nasa Kinder pa lang naman siya.

Hihintayin ko na lang na makauwi si Grae at saka ko siya kakausapin.

Kinuha ko ang laptop ko at nag-surf sa internet. Facebook, twitter, e-mails. Nagreply ako sa mga fan mails and letters sa akin habang naghihintay sa pag-uwi ng aking irog.

Naks, parang asawa lang ang peg mo.

Ayan na naman po si Lanlan. Hay naku, wala na bang ibang brain cells?

Hindi ko na lang kinausap si Lanlan at nagfocus sa pakikipagtitigan ko sa radiation.

After sometime, nakarinig ako ng yabag sa labas. I glanced at the wall clock, it's almost twelve midnight.

Lumabas ako ng kwarto eksaktong papalabas naman ng kwarto ni Zamara si Grae. Hawak nito ang jacket ng suit. Ang puting polo naman ay nakabukas ang dalawang butones sa itaas at nakaloose ang plain red necktie. All in all, ang gwapo ng irog ko!

Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Isinarado ko ang pintuan ng aking kwarto at ganon din ang ginawa niya. Nakatayo lang kami at walang imikan.

"Ahm, pwede kang makausap?" tanong ko makalipas ang ilang sandali.

Tumingin siya sa relo niya. "At this hour?"

"Importante, eh. Magpapaalam ako."

Nangunot naman ang kanyang noo at nanuot sa buong pagkatao ko ang titig niya. "Are you going to have a date?"

Nabigla naman ako sa tanong niya. How did he arrived at that conclusion? Grabe rin ang imagintion nito, ano?

"What? No! Magpapaalam ako kasi may photoshoot ang Bench bukas and they want me to fill in as their photographer."

He folded his arms against his chest. "You have to take care of Zamara."

"One pm pa naman yun, eh. Eleven ang uwian nila."

"Cexchia, we have an agreement. You have to do as I say. You are going to take care of Zamara. You are not going to that photoshoot."

Rage filled me and I took a few steps closer until I am in front of him. "Who are you to tell me what to do? You are not my master. Hindi lang naman ang pag-aalaga kay Zamara at pagpayag sa kondisyon mo ang ginagawa at kailangan kong gawin. I have my life. I have my work. I am a writer, a freelance photographer, and owner of CC."

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon