CHAPTER 24

136K 2.9K 54
                                    

Pabagsak na umupo ako sa sofa sa sala ng condo ko. Yes, I am at home at last. Ipinalibot ko ang aking paningin sa paligid. It is spacious, neat, and cozy. Pang single ang ambiance kumbaga.

I sighed. Why do I feel alone all of a sudden? Why do I feel empty, incomplete even?

Kahapon pa ako nakauwi rito. After ng lunch namin kahapon, umuwi ako sa mansion at nag-empake na ng gamit at saka dumiretso na pauwi.

Tiningnan ko ulit ang condo unit ko. Before, it was okay for me to live here alone kasi nga I am an independent kind of person. I want to be on my own. But now, I felt like I need someone. I need to have a companion. Now, being alone seems sad, lonely, and missing.

Ang pagtunog ng cellphone ko ang pumukaw sa akin mula sa pagsesenti. Naks, ganito pala kapag walang kasama, lumalalim ang mga salita.

Kinuha ko ang cellphone at sinagot nang hindi tinitingnan ang caller.

"Hello, good morning. This is Cexchia Garcia, the epitome of beauty, speaking. How may I help you?"

"Good morning to you, too, Cexchia. Kailan ka ba titino?"

Si Athena pala ang tumatawag. Sorry naman kasi, di ba?

"Well, kapag nakalipad na ang ostrich." sagot ko sa kanya.

"In other words, hindi na." Narinig ko ang pagpalatak niya sa kabilang linya. "Well, anyways, kaya ako tumawag para alamin kung ano na ba ang progress ng assignment mo. Let me just remind you na two weeks na lang ang natitira sa ibinigay kong timeline saiyo."

Isinandal ko ang aking ulo sa sandalan ng sofa at saka pumikit. "Grae's condition for his interview ended yesterday."

"So meaning, you'll get his interview na?" she enthusiastically asked. I hummed as response. "Wow. So kailan mo sisimulan?"

I sighed. "Mamaya. May appointment na siyang sinet."

"O--kay... Pero bakit parang hindi ka ata masaya?"

"Masaya ako. Dahil makukuha ko na ang pinaghirapan ko."

"Oh c'mon, Cexchia. Ako ba talaga ang kinukumbinsi mo o yang sarili mo? Tell me the truth, Cexchia."

"I am happy, Athena. I can reap the fruit of my labor."

"Idinadaan mo ako sa pa-english-english mo riyan. Bakit ba? Have you developed some romantic feelings for Mr. Rodriguez? Kaya ngayong tapos na ang kasunduan niyo, nalulungkot ka kasi hindi mo na siya palaging makikita at makakasama. Kasi gusto mo siyang palaging nakakausap at nasisilayan. Kasi may gusto ka na sa kanya. Feeling mo ngayong wala ka ng kailangan sa kanya, wala ka na ring karapatang makipaglapit pa dun sa tao. Wala ng rason para magkasama pa kayo. Wala ka ng dahilan para makasilay sa kaniya. Nalulungkot ka kasi yung taong gusto mo, hindi mo na maabot kasi malayo siya saiyo at wala ng bagay na magiging dahilan para magtagpo pa ang landas niyo. Am I correct?"

I remained silent. Nakatulala lang ako sa harapan at hindi makagalaw. Nabigla ako sa pinagsasasabi nitong si Athena sa akin.

"Hoy, bruha! Ano na? Tama ako, di ba?"

I sighed. "Kasasabi ko lang kanina, di ba? I am the epitome of beauty kaya wag mong ikukumpara ang kagandahan ko sa isang bruha. Pangalawa, I told you I am happy. Bakit, ikaw ba ang nakakaramdam at marami kang sinasabi riyan? Ikaw ba ang may nakakaramdam ng nararamdaman ko? At pangatlo, wag kang magfeeling na si Athena personified ka talaga dahil hindi ka ang goddess of wisdom. Kapangalan mo lang siya, okay?"

She blew a breath. "I rolled my eyes, by the way. Hindi mo kasi nakikita." She paused. "Una, kahit hindi ako ang nakakaramdam ng nararamdaman mo nararamdaman ko pa rin ang nararamdaman mo base na rin sa pagkausap mo sa akin. Pangalawa, wag ka ring magfeeling na si Aphrodite, the goddess of beauty, dahil malayo ka sa kanya. Pangatlo, I am Athena. Kapangalan ko ang isang diyosa kaya may karapatan akong maging katulad niya. Eh ikaw, saang banda sa greek myth may nabanggit na 'Cexchia' as a godess? Wala!"

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon