CHAPTER 37

141K 2.5K 72
                                    

SnA:
Kapag naka italicize meaning pagbabalik-tanaw.
*****

Isang pitik ang nagpagising sa akin mula sa pagkakatulala sa kawalan. Napakurap-kurap ako ng ilang beses bago tiningnan ang taong kaharap ko.

"Cexchia, ayos ka lang ba? Baka nagda-drugs ka na, ha? Naku, delikado na ang buhay mo niyan! Sumuko ka na hanggang maaga pa!"

Tiningnan ko ng masama ang kaharap. May sayad talaga tong si Schulaika.

"Tigilan mo nga ako, Schulaika. Hindi ako nagda-drugs, okay? Ang mga diyosang kagaya ko, hindi gumagamit ng ganiyan kasi masama sa perpekto naming katawan."

She rolled her eyes at me and leaned on her seat. She also folded her arms on her chest. "So, bakit ka nga nakatulala? May problema ka na naman?"

"Maka-"na naman" ka naman, akala mo pumupunta ako rito sa restaurant mo kapag may problema lang."

"Oh, eh bakit? Hindi ba? Nung nakaraang buwan lang namomroblema ka sa pag-ibig. Nung ilang buwan ang nakaraan, namomroblema ka naman sa promotion. O, sabihin mo nga sa akin kung hindi!" madrama nitong sabi. May kunwaring iyak pa itong nalalaman.

Tinaasan ko lang ng kilay ang pagkamadrama niya. Pagpapasensiyahan ko na lang, isip bata, eh.

"Actually, hindi siya problema. Ano siya..."

She leaned closer to me. "Eh kung wala kang problema, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"

Namula ako ng maalala ko ang nangyari tatlong araw ang nakaraan. Sariwa pa rin sa aking puso't isipan ang kaganapan na nagpayanig sa aking kalamnan.

Ang baduy, pwe!

"Oh! Bakit ka namumula?" nagtatakang tanong ni Schulaika.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. "Wala. May naalala lang."

"Yuck! Bastos yan, no?"

Napapantastikuhang napatingin ako muli sa kaniya. Ang imahinasyon talaga ng babaeng ito, ibang klase.

"Bumalik ka na nga lang sa kusina mo! Magluto ka na lang para naman may pakinabang ka." taboy ko sa kaniya.

"Kung iiwanan kita rito edi magmumukha kang tangang nakatulala lang diyan. At least kung nandito ako, iisipin nilang natutulala ka sa sobrang ganda ko."

Napangiwi na lamang ako sa kayabangan ng isang ito. Juice na iniinom ko, tinalo pa ang kayabangan ko! Hay naku, nagla-lie low na nga ako meron pa lang kapalit.

"Patawarin ka nawa sa kayabangan mo." sabi ko sa kaniya na nakapikit at nakatingala ng kaunti.

Tinampal niya ang noo ko kaya napamulat ako at napahawak dito. Sinamaan ko naman siya ng tingin at parang baliw na asong galang nakangisi sa akin.

"Ang sama mo talaga. Magsusulat talaga ako ng negatibo tungkol dito sa reataurant mo. Tingnan lang natin kung may maging customer ka pa." pagbabanta ko.

Pabebe siyang tumawa at pabebeng inipit ang imaginart buhok sa tenga. Imaginary hindi dahil kalbo siya kundi nakahairnet ang kaniyang buhok.

"Ito naman, hindi na mabiro. Magkaibigan tayo, di ba? Ikaw na ang pinakamagandang diyosa sa mundo ng tao at lamanglupa. Ikaw ang pinaka magaling na writer sa buong mundo!" With hand gestures na sabi nito. "Kaya magsulat ka lang ng magaganda tungkol sa Schulaika's, okay? Sabihin mong ito ang pinaka magandang resto sa buong Pilipinas. Ito rin ang may pinakamasarap na pagkain sa buong mundo. May bonus pang ubod na gandang head chef--"

"Tse! Binola mo ako tapos sayo rin pala ang papuri. Hay naku, niloloko mo na ako, ha? Don't me."

"Eto na nga. Mabalik tayo sa totoong point. Anong nangyari sayo at namula ka kanina? Uy... lovelife yan no? Si Dominic ba yan? Ayiee..." nanunudyong tukso nito.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon