CHAPTER 43

133K 2.7K 43
                                    

Kinukulit-kulit ko si Grae habang nagmamaneho siya para ihatid ako sa condo. Itinatanong ko sa kaniya kung ano ba yung sinabi niya kanina ngunit ayaw niya talagang sabihin.

Gusto ko lang namang malaman kung totoo ba yung sinabi nung babae kanina. Gusto kong marinig mismo sa kaniya. Kapag nangyari yun sasagutin ko siya agad-agad.

"Bakit nga ayaw mong sabihin?"

He sighed again. "Baby, wag ng makulit, okay? Don't mind that."

"Eee. Bakit feeling ko importante yun?" nakalabi kong tanong.

"Cexchia."

"Okay, fine!" pagsuko ko. Ginamit na kasi niya ang tonong iyon na nakapagpapasunod sa akin. Unfair.

"I will tell you that soon, baby. Soon."

Hindi ko na lamang siya pinansin at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Oh well, hindi naman mapipilit ang taong ayaw kaya hindi ko na lang siya pipilitin. Kung ayaw sabihin, di wag pilitin.

Kung "I love you" iyon, bakit ayaw niyang ulitin? O kahit ano man yon, bakit ayaw niyang sabihin?

I heaved a sigh.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay kaya nilingin ko siya. He gave me a sideway glance before turning back his gaze on the road.

"I'm sorry, baby. Please, don't get mad."

"I'm not mad. I just want to know what you said because I have this feeling that it was important. Pero kung ayaw mong sabihin, it's fine with me, really. Nag-iinarte lang talaga ako."

He brought my hand to his lips and kissed it. "Okay. What do you want for dinner?"

Bago pa ako makasagot, tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa aking bag at nakita ang pangalan ni Athena sa screen.

"He--"

"Oh, please, spare me with your 'I am the goddess of beauty' introduction dahil sawang-sawa na akong marinig yan. Anyway, bakit hapon ka na nagsubmit ng draft article?" mataray na sabi nito sa kabilang linya.

"He-he. At least nagpasa ako, di ba?"

"But you told me you'll give it to me this Monday morning."

"Pero wala ka naman maghapon sa opisina kaya hindi ko naman maibibigay saiyo yon kahit umaga pa ako pumunta, di ba?"

"Argh, Cexchia! Ang sarap mong i-fire."

"Because I'm hot?"

"Because you're not!" I heard her sigh. "Kung hindi lang kita kaibigan at kung hindi ko lang alam na baliw ka, malamang hindi ka tumagal sa kompanya sa kapilosopohan mo. Please, pakibawasan. Boss mo pa rin ako, Cexchia."

Napakagat-labi ako. "I'm sorry. Sumobra na ako. Rerendahan ko na ang bibig ko. I'm sorry, Athena."

"Okay. You can joke but please know your limits. Bye."

Ibinaba ko na ang tawag at ibinalik sa loob ng bag ang aking phone.

Yeah, aminado akong sumosobra na ako minsan but I can't help it. This is who I am. I may sound immature pero ito talaga kasi ang personality ko. Maybe I just have to be a little bit serious about things.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon