EPILOGUE

266K 3.9K 843
                                    

Kasalukuyan akong nasa Schulaika's. Kaharap ko ang mahangin na may-ari nito.

"My gosh! Hindi pa ako makamove on sa eksena niyo ng jowa mo sa fashion event ni Guadel!" parang nangangarap na sambit nito.

"Mahirap talagang magmove on, girl." sabi ko naman habang sumusubo ng ice cream.

"Pagkatapos ng drama, kasunod din ay saya. Naks! Ikaw na may lovelife!"

"Ganiyan talaga ang magaganda, bakla. May lovelife." nakangisi kong sabi.

Ngumisi naman siya pabalik. "Pero ang pinakamagaganda ay single pa rin hanggang ngayon."

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Oh? Eh, bakit single ka pa rin hanggang ngayon?"

"Kasi nga kasali ako sa 'pinakamagaganda'." sagot niya with a 'duh' expression.

"Sabagay. Sino ba naman ang pupuri sa sarili niya kundi siya din lang." pabalewala kong sagot.

"Kainis ka! Panira ka palagi!" nakabusangot niyang sabi. Humalukipkip pa siya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay habang kagat-kagat ang kutsarang ginagamit ko sa pagkain ng ice cream. "Friends always tell the truth to each other. True friends are tactless, you know. Ayoko lang namang umasa ka dahil masakit."

"Dahil napagdaanan mo na yon."

Tumango-tango ako sa kaniya. "True. But I'm past that now. Look at me," I emphasized myself. "Very much happy and in love."

"I can see that." she commented as she leaned closer to examine my face. "Halatang-halata na in love ka nga sa jowa mo."

Napangiti ako ng maalala ang mukha ng lalaking mahal ko na ngayon ay kasintahan ko na. Naks, kasintahan talaga. "Yep. Gwapo, eh. Saka mahal ko naman talaga ang lalaking yun. Nasaktan niya man ako, but my love for him is greater than the pain he caused me. At least now I am sure that he truly loves me as I love him."

"Para kang baliw!" Tinapunan niya pa ako ng nilamukos na tissue na naiwasa ko naman.

"Wait until you fall in love." sabi ko sa kaniya.

"Ilabas mo na si Ian at nang ma-in love na ako." Kuminang pa ang kaniyang mga mata as she had that dreamy look on her face.

"Bukas, out na siya sa market."

Nagtititili naman siya sa narinig. Tinginan naman lahat ng tao sa amin habang nakatakip ang mga kamay ko sa magkabilang tenga.

"Oh em gi! Oh em gi! Oh em gi! Talaga, talaga?! Aaahhh! Super excited na ako!"

"Oo na, tumigil ka lang!" sigaw ko pabalik. "Mahiya ka nga!"

Tumigil naman siya pero nagpipigil pa rin ng kilig. Nakahawak pa siya sa magkabilang pisngi at parang nangangarap. "Crush ko talaga si Ian!"

"Oo na. Crush mo na. Tumahimik ka lang."

Hinayaan ko na lang siyang magsalita ng magsalita tungkol sa pagkagusto niya kay Xrizcianno. Mabilis talagang magkagusto itong si Schulaika sa mga lalaking mahilig kumain o kaya magalingagluto. Kaya ang mga past boyfriends niya ay either chef or foodie.

"Oy! Wag mo ngang maubos ang autobiography ko! Para may masabi pa ako sa kwento namin ni Ian! Inuubos mo na, eh! Magkakatuluyan pa nga kami."

"Gusto mo pati pronunciation ng name mo sabihin ko na rin? At saka wala raw kayong happy ending sabi ni author."

"Wag! Lib it tu meh! Saka magkakatuluyan kaya kami."

I just rolled my eyes at her. Ayoko na ngang patulan, in love ako, eh. Tanging magaganda at gwapo lang ang makakapagkonekta ng sinabi ko. Ikaw, alam mo ba ang connect?

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon