CHAPTER 13

136K 2.2K 10
                                    

Sakay ako ng kotse papunta sa aking pupuntahan. Kailangan kong makarating doon ngayon, hindi na ako pwedeng mag-aksaya ng oras. At isa pa, hindi namin na pag-usapan kung kailan.

Huminto ang sasakyan ko sa harap ng isang mataas na itim na bakal na gate. May tatlong guwardiya sa labas ng nakasaradong gate. Lumapit sa sasakyan ko ang isa habang ang dalawa naman ay nakatayo pa rin sa may harapan.

Kinatok ng guwardiyang lumapit ang bintana sa gawi ko. Ibinaba ko naman ito.

"Good morning, Ma'am." bati nito sa akin.

Nakangiti ko ring binati si manong guard.

"Ano pong sadya ninyo sa Rodriguez Mansion?" tanong nito.

Oo. Nasa mansion na naman ako ni Rodriguez ngayon. Anong ginagawa ko rito? Mamaya, sasabihin ko sainyo.

"Ahm, ako po si Cexchia Garcia. Yung--"

"Ay, Ma'am! Pasensya na po, hindi ko kayo natandaan kaagad. Sige po pumasok ka na."

Sinenyasan naman nito ang dalawang guwardiya at nagradyo naman ito. Maya-maya lang bumukas na ang mataas na bakod at binusinahan ko ang mga guwardiya habang papasok.

Pagpasok ay may apat pang gwardiya sa guard house sa magkabilang parte ng gate. Tig-dalawang guwardiya kada poste. Tadtad ng guwardiya ang pasukan. Maniniwala ba kayo kung sabihin kong may naglilibot pang mga guwardiya sa buong lupain? Oo, ganyan siya ka security freak. Bilyonaryo, eh.

Hindi pa kaagad makikita ang bahay. May ilang metrong pa ang kailangang tahakin bago makarating sa mismong bahay.

Napapalibutan ng mga puno, damo, at mga bulaklak ang buong lupain na ito. Sa magkabilang gilid ng daan ay may mga nagtataasang mga puno na nagbibigay lilim sa lugar.

Nakapunta na ako rito noong una, di ba? Kaya lang hindi ko nailarawan sainyo ang lugar. Gutom ako noon, remember. Halaaaa... bakit lumalim ang pananagalog ko ngayon? Maaga pa kasi siguro, naapektuhan ng umaga ang brain cells ko.

Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho, natanaw ko na rin sa wakas ang tatlong palapag na mansion ni Rodriguez. Sa harapan ay may isang malaking fountain na Aquarius.

Gumarahe ako sa gilid ng mansion, nandoon kasi ang karamihan sa mga mamahaling sasakyan ni Rodriguez.

Bumaba ako at naglakad paakyat, dahil merong ilang baitang na hagdan, para kumatok sa mataas na kahoy na pintuan. Ilang saglit lang ay bumukas ito. Isang katulong ang bumungad sa akin.

"Ay. Ikaw ulit, Ma'am! Pasok po kayo." sabi ng katulong. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pintuan at saka ako pumasok. Dumiretso ako sa sofa at doon umupo.

"Tatawagin ko lang po si Sir." sabi ng katulong saka umakyat sa mataas na hagdanan.

Nandito na naman ako ulit. Dito sa bahay na ito. Nanariwa sa aking isipan ang huling pag-uusap namin sa bhay na ito, lalo na sa kusina.

Napatingin ako sa taas ng marinig ko anh isang boses ng batang babae.

"Daddy, hurry up! I'll be late for school!"

"Don't run, Zamara! And your class doesn't start until eight." ani baritonong tinig na nanggaling din sa itaas.

"I know, Daddy! But I just want to say it. I feel like a teenager."

"But you are not a teenager. You are my baby."

"Daddy! I am five!"

"You are still five."

Nakita ko ang isang batang babae na pababa sa hagdanan--si Zamara, ang anak ni Grae Dominic Rodriguez. Nakasuot ito ng school uniform--isang pleated eed skirt, white long-sleeved polo at pulang necktie. Naka-ponytail pa ang buhok nito na talaga namang nagpacute pa lalo sa cute na batang ito.

Nakasunod naman dito si Rodriguez, nakapamulsa. Nakasuot ng business suit habang may nakasabit na maliit na pink na bag sa balikat.

Nang makababa ng hagdan, saka ako napansin ni Zamara. Nanlaki ang kanyang mga mata at ngumiti ng todo. Mas lalong cumute ang batang ito. Ang sarap kagatin!

"Mommy!" Tumakbo ito palapit sa akin at umupo sa tabi ko sabay yakap sa aking baywang.

Nakatulala naman ako sa batang ito. Mommy? Hanggang ngayon pa rin ba, mommy pa rin ang tawag niya sa akin?

"Mommy, I am so happy I've seen you again! I so much wanted to see you but Daddy said you're busy."

Napatingin naman ako sa lalaking nasa ibaba lang ng hagdan. Ganoon pa rin ang ayos niya, nakapamulsa at walang ekspresyon ang mukha. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso sa mata, tumibok naman ng mabilis ang puso ko.

Hala ka, Garcia! Nakalimutan mong mag-analisa ng nararamdaman! Di ba sinabi mong mag-aanalisa ka? Ano na naman ang nangyayari sa puso mo?

Ako na ang unang nagbawi ng tingin. Ibinalik ko ulit kay Zamara ang aking pansin. Nakangiting nakatingin siya sa akin habang nakayakap pa rin.

"Ahm... hi-hindi ako--"

"Will you accompany me to school today with Daddy?" nakangiting tanong nito.

Tumingin muli ako kay Rodriguez at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang nakatitig pa rin pala siya.

Bwisit ka heart!

"Baby." tawag pansin dito ni Rodriguez.

Lumingon naman si Zamara sa kanya. "Yes, Daddy?"

"We will talk. Can you go in the dining hall and wait for us for breakfast?"

Tumango naman ito at tumayo. "You'll eat with us, okay, Mommy?"

Tumango na lang ako sakanya at saka siya patakbong pumunta sa dining hall.

Umupo naman sa katapat na upuan si Rodriguez at tinitigan na naman ako. Ayan na naman ang ex ni Jericho Rosales, nagwawala na naman! Nagrarally ba sa loob?

"Yes, Ms. Garcia?"

"Ahm, Mr. Rodriguez. I came here para dun sa kondisyon mo. Hindi kasi tayo nakapag-usap kung kailan ako magsisimula kaya minabuti kong ngayon na lang kasi meron na lang akong dalawang linggo para sa assignment ko. Tanda mo pa naman yung deal natin, di ba?"

Ilang minuto lang siyang tumitig sa akin. Nailang naman ako pero alam niyo naman ang pride ko kung gaano kataas kaya hindi ako bumitaw this time sa pakikipagtitigan.

Ang ganda talaga ng mga mata niya, nakakahipnotismo, nakakalunod.

"Yes, I perfectly remember, Ms. Garcia. It's good that you came because Zamara hadn't had a nanny for three days now. Flor left and will return next week."

Tumango-tango naman ako.

"But don't forget your side of the deal, Mr. Rodriguez. I'll get to have an interview of you."

"Yes."

"Okay."

"We'll talk about the terms later. After we drop Zamara to school, you'll come with me to my office."

Tumango naman ako. "Okay. Yes, Sir." Sumaludo pa ako sakanya.

He stand up. "Let's eat breakfast."

Tumalikod na siya at naglakad sa direksyong pinuntahan ni Zamara.

Nakaupo lang ako sa sofa. Hindi ako gumalaw, baka kasi mali ang narinig ko. Inalok niya ba akong mag-almusal? Seryoso?

Nakatitig pa rin ako sa likuran niya. Tumigil siya sa paglalakad at ibinaling ang tingin sa akin.

"What? You don't wanna eat?" Nag-umpisa ulit siyang maglakad.

Napatayo naman ako. Inaalok niya nga ako! Yes! Pagkain, here I come!
*****

Shucks! Ano ang nangyari sa akin at ganito ako magsulat? Hahaha Pasensya na, hindi ko alam kung bakit. Anyways, sa susunod na chapter balik na ulit sa baliw mode ang style ko.

Naghihintay lang ako ng wifi para ma-upload ang Chapters 12-13. Walang wifi eh. Chapter 12 two days ago pa tapos ito ngayon lang na May 2 :) Kailan ako makaka-wifi?!

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon